THE PEP LIST: Dingdong Dantes beats Daniel Padilla in TV Star of the Year category of PEPsters’ Choice 4th Quarter

Some winners in the 4th quarter of PEPsters’ Choice (L-R): Julie Ann San Jose (Female Teen Star), Angel Locsin (Female Newsmaker), Dingdong Dantes (Male TV Star), and Ryzza Mae Dizon (Female Child Star). Watch for the list of the overall winners of PEPsters’ Choice 2013 this coming March 27, Thursday.


Tinalo ni Dingdong Dantes si Daniel Padilla para sa Male TV Star category ng PEPsters’ Choice 4th Quarter.

Nasa pangatlong puwesto naman si Rocco Nacino; pang-apat si Vice Ganda; panglima si Derek Ramsay.

Sa Female TV Star of the Year, nanguna ang Kapuso princess na si Kris Bernal na sinundan nina Kathryn Bernardo, Lovi Poe, Kylie Padilla, at Jessy Mendiola.

Ang PEPsters’ Choice ay component ng The PEP List kung saan nasa kamay ng mga online voters ang pagpili ng mga artistang iboboto sa bawat katergorya.

Sa Male Newsmaker of the Year category ng 4th Quarter, nanalo si Paulo Avelino, kasunod sina Freddie Aguilar, Willie Revillame, Anderson Cooper, at Raymart Santiago.

Sa Female Newsmaker, nagwagi si Angel Locsin at sumunod sina Anne Curtis, Korina Sanchez, Nikki Gil, Claudine Barretto, at Gretchen Barretto.

Si Elmo Magalona naman ang nagwagi para sa Male Teen Star of the Year at tinalo sina Daniel Padilla, Kristoffer Martin, Nash Aguas, Ruru Madrid, at Jon Lucas.

Sa Female Teen Star naman, nanguna rin ang GMA-7 talent na si Julie Anne San Jose at naungusan sina Kathryn Bernardo, Bea Binene, Julia Montes, at Jasmine Curtis-Smith.

Nagwagi naman si Tom Rodriguez bilang Breakout Star of the Year na sinundan nina Thea Tolentino, Janine Gutierrez, Raikko Matteo, at Mitoy.

Ang real-life couple at Kapamilya artists na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco ang nanguna sa Celebrity Pair of the Year.

Natalo ng mag-asawa sa quarter na ito ang mga team-up na Dennis Trillo-Tom Rodriguez, Daniel Padilla-Kathryn Bernardo, Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli, at Aiza Seguerra-Liza Diño.

Hindi pa rin napaalis sa unang puwesto si Ryzza Mae Dizon para sa Female Child Star na sinundan nina Jillian Ward, Angel Satsumi, Xyriel Manabat, at Andrea Brillantes.

Si JM Ibañez naman ng Be Careful With My Heart ang nagwagi bilang Male Child Star at tinalo sina Marc Justine Alvarez, James Carlos “Bimby” Yap, Raikko Matteo, at Clarence Delgado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman sa Male FAB Award, si Luis Manzano ang nanguna at tinalo sina Mikael Daez, Enrique Gil, Ryan Agoncillo, Robi Domingo, Ronnie Liang, at Edward Mendez.

Para sa female FAB Award category, si Maxene Magalona ang nagwagi, at sinundan nina Shalani Soledad, Kylie Padilla, Jessy Mendiola, G. Töngi, Ehra Madrigal, Ella Cruz, Shaina Magdayao, Saab Magalona, Aubrey Miles, Venus Raj, at Eula Valdez.

Si Gloc 9 ang siyang itinanghal na OPM Artist of the Year para sa last quarter ng 2013, at sinundan nina Yeng Constantino, Gary Valenciano, Chito Miranda, at Ogie Alcasid.

Sa Showbiz Treasure of the Year (Male), si Eddie Garcia ang nagwagi at tinalo ang mga nominees na sina Dante Rivero, Ronaldo Valdez, Chinggoy Alonzo, at Pen Medina.

Si Susan Roces naman ang nanalo sa Female Treasure of the Year, kasunod sina Pilar PIlapil, Celia Rodriguez, Caridad Sanchez, Gloria Sevilla, at Liza Lorena.

Ang GMA Network teleseryeng Kahit Nasaan Ka Man ang siyang nanguna sa Primetime Teleserye of the Year.

Natalo nito ang Got To Believe, Prinsesa Ng Buhay Ko, My Husband’s Lover, Akin Pa Rin Ang Bukas, Genesis, Adarna, Honesto, Annaliza, Juan Dela Cruz, Maria Mercedes, Madam Chairman, For Love or Money, at Positive.

Samantala, abangan ang announcement ng overall winners ng PEPsters’ Choice 2013 sa darating na March 27, 2014, Huwebes.

Para sa iba pang detalye, CLICK THIS.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN