Sam Concepcion dismisses rivalry between him and Mira Bella co-star Enrique Gil

Sam Concepcion on working with Enrique Gil: “First time niyang umarte sa TV, ako yung naging kasama niya... Mabait sa akin si Enrique. He’s a good friend. He’s one of the people talaga na close ako dito sa industry. Kaya tulad ng sabi ko kanina, iba yung feeling kapag ang kasama mo yung kumportable ka na.”


Wala raw nararamdamang anumang insecurity o selos si Sam Concepcion kay Enrique Gil, kahit na ang huli ang tila nabibigyan ngayon ng mas maraming proyekto at bigating roles kaysa sa kanya.

Magkasama sila ngayon ni Enrique, along with Julia Barretto, sa bagong early primetime fantasy drama series na handog ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television, ang Mira Bella, na magsisimula nang umere sa Marso 24.

Sabi ni Sam, “Well, ganun talaga, e.

“Minsan ako yung suporta, minsan ako yung susuportahan, depende naman yun sa role na ibinibigay sa akin.

“Masaya ako, I’m very happy na meron ulit akong teleserye.

“Ganundin, masaya rin ako para kay Enrique.

“Hindi ko nga alam kung bakit tinatanong ako kung nagseselos ako or may jealousy.

“Masaya naman ako and secure naman ako sa ginagawa ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa grand presscon ng Mira Bella noong Marso 18 sa ELJ Loop Garden sa loob ng ABS-CBN compound.

Ayon pa kay Sam, magkaibigan naman sila ni Enrique at wala namang nagaganap na rivalry sa pagitan nila.

“Rivalry? Wala, walang rivalry.

“Si Enrique, matagal ko nang kakilala, matagal ko nang kasama.

“Dati na kaming magkaibigan.”



LOVE TRIANGLE. Sa Mira Bella ay magka-love triangle sina Julia, Enrique, at Sam.

Hindi ito ang unang beses na ginampanan nila ni Enrique ang roles ng magkaribal para sa pag-ibig ng isang babae.

Saad ni Sam, “Oo, nangyari na rin dati sa Good Vibes, sa Way Back Home.

“Pero si Enrique, masarap at kumportableng katrabaho.

“Iba yung set kapag kumportable ka sa mga taong nakasama mo.”

Ang Good Vibes ay isang youth-oriented show ng ABS-CBN noong 2011, habang ang Way Back Home naman ay ang 2011 Star Cinema movie na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes at leading men sina Sam at Enrique.

Inaasam lang ni Sam na sana sa totoong buhay ay hindi mangyaring maging magkaribal sila o magkaroon ng love triangle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Sana huwag naman.

“Sayang yung friendship namin kung katulad ng mga istoryang ginagawa namin, mag-aaway kami for one girl.

“Huwag naman sanang mangyari.”

Hindi rin daw isyu kay Sam kung mas napo-promote ang tambalan nina Julia at Enrique kahit na nga parte siya ng love triangle.

“Ganun talaga. Hindi naman ako nakikipag-unahan kahit kanino.

“Hindi naman ako nakikipag-unahan kay Enrique o sinuman.

“I’m more focused on my own journey. Ako, I have no space for negativity.

“And siguro, kapag napanood niyo ang Mira Bella, doon niyo mas maiintindihan ang roles namin at ang istorya.”



WORKING WITH JULIA & ENRIQUE. Hindi na raw pinapansin ni Sam ang mga intriga, bagkus ay nagpapasalamat si Sam sa ABS-CBN at Dreamscape na muli siyang nakagawa ng isang teleserye dahil matagal na ang huling teleseryeng nagawa niya.

“Masaya ako and I’m really grateful to be part of Mira Bella.

“Ang tagal na kasi nung huling soap ko e, Angelito pa.

“Naging busy din kasi ako with my album, my music.

“Kaya thankful ako na back into acting ulit ako.”

Kasama si Sam sa cast ng Book One and Two ng Angelito—Angelito: Batang Ama at Angelito: Ang Bagong Yugto—na parehong pinagbidahan ni JM de Guzman noong 2011 hanggang 2012.

Sa ngayon, nag-e-enjoy raw si Sam na katrabaho sina Julia at Enrique sa Mira Bella. Pero what’s the best thing about Julia and Enrique?

Sagot niya, “Julia is very pleasant, very nice, very hardworking, and very down to earth.

“Alam mo yun, she’s here to learn more and have more experience.

“Parang with that kind of perspective at ganun klaseng work ethics, very promising talaga siya.

“Si Enrique, matagal ko nang kakilala si Quen, bago pa siya nag-showbiz.

“First time niyang umarte sa TV, ako yung naging kasama niya.

“Si Enrique, mabait sa akin si Enrique. He’s a good friend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s one of the people talaga na close ako dito sa industry.

“Kaya tulad ng sabi ko kanina, iba yung feeling kapag ang kasama mo yung kumportable ka na.”

Kung tutuusin daw, nauna pa silang magkasama ni Julia noon sa isang teleserye.

“Magkasama na kami ni Julia noon, thirteen lang ako and siya ten lang yata siya.

“Ako yung young Piolo [Pascual], siya yung young Claudine [Barretto] sa Walang Kapalit [2007].

“’Tapos ngayon, magkasama ulit kami dito sa Mira Bella, parang how many years, ‘tapos nandito ulit kami.

“I’m just happy to work with her again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN