Ruffa Gutierrez still afraid to visit ex-husband Yilmaz Bektas in Turkey

Ruffa Gutierrez on returning to Turkey: “Well, you know, as long as I’m safe and I have prior agreement with Yilmaz, that we will be going to Turkey and he agrees, why not? Kasi, matagal na rin niyang hindi nakikita ang mga bata and he wanted to see them. Matagal na rin niya kaming ini-invite sa Turkey, ilang years na, pero palaging pinipigilan ko ang sarili ko. But if there’s camera all the time, hindi naman siguro matatakot pa ako, ‘di ba?"


Kasalukuyang nasa Asian cruise si Ruffa Gutierrez, kasama ang buong Gutierrez family, para sa kanilang family reality show na It Takes Gutz To Be Gutierrez ng E! Channel.

Pero sa press conference ng kanilang programa noon, nabanggit ng mommy ni Ruffa na si Annabelle Rama na kung pupunta siya sa Istanbul, Turkey, para bisitahin ng dalawang anak ng TV host-actress ang ama nilang si Yilmaz Bektas, gawin na lang ito sa second season na lang daw ng show nila.

Sabi ni Ruffa tungkol dito, “Well, you know, as long as I’m safe and I have prior agreement with Yilmaz, that we will be going to Turkey and he agrees, why not?

“Kasi, matagal na rin niyang hindi nakikita ang mga bata and he wanted to see them.

“Matagal na rin niya kaming ini-invite sa Turkey, ilang years na, pero palaging pinipigilan ko ang sarili ko.

“But if there’s camera all the time, hindi naman siguro matatakot pa ako, ‘di ba?

“I guess, it’s the perfect time. Makikita niyo pa.

"It’s how many times na ini-invite niya ako na pumunta sa Turkey, so I said, sa ibang bansa o sa Pilipinas.

“Pero talagang namimilit siya na ma-invite kami sa Istanbul.

“Maybe on the second season, we will do that.”

Aminado naman si Ruffa na kahit papaano ay nami-miss din niya ang Istanbul.

“Pero siyempre, gusto ko, kapag pumunta kami dun, maayos lahat.

“Yung walang fears, enjoy kami, safe kami, at ma-enjoy namin ang sights and sound of Istanbul.

“Kasi, approve ng ex ko. Parang respeto na lang.

“I don’t want him to come to Philippines na hindi ko nalalaman.

“Parang ang laki-laki naman ng mundo, bakit kailangan pa akong pumunta sa Istanbul?


“So, meron kaming silent agreement when it comes to that.

“So, kapag pumayag siya, of course, I’ll be happy to go to Istanbul.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga anak daw nila ni Yilmaz ay natatandaan pa rin ang Istanbul, lalo na raw ang panganay nilang anak na si Lorin.

“Siguro they have memories na as early as three years old.

“Si Lorin, alam niya talaga ang mga nangyari in the past.

“’Tapos si Venice, medyo hindi pa, kasi two and half year old lang siya noong pumunta kami rito.

“Pero ikinukuwento ko naman sa kanila, nakikita nila ang mga pictures, and they have fond memories naman.

“Siyempre, hindi ko ikinukuwento yung bad memories.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN