Bianca Gonzalez and cager JC Intal now engaged after surprise airport proposal

Nag-propose ang basketball player na si JC Intal sa kanyang girlfriend na si Bianca Gonzalez sa airport nang madaling araw ngayong Huwebes, bago lumipad patungong London ang TV host.


Engaged na si Bianca Gonzalez sa basketball player na si JC Intal.

Nag-propose si JC kay Bianca nang dumating ang Kapamilya TV host sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 dakong alas-kuwatro ng madaling-araw ngayong Huwebes, March 20.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng TV host-actress na si Cheska Garcia-Kramer (@chekakramer) ang maiksing video kung saan makikitang gulat na gulat si Bianca na dumating sa airport at may sumalubong sa kanyang banner na "Bianca, Please say YES" at mga red roses.

Habang kumakanta ang singer na si Prince Valencia, lumuhod ang cager sa harap ni Bianca at nag-propose, habang kinukunan naman sila ng larawan ng mga taong nakasaksi sa pangyayari.

Sinabi naman ng asawa ni Cheska na si Doug Kramer, sa kanyang Instagram account (@dougkramer44), na gumising sila nang maaga para masaksihan ang proposal ni JC kay Bianca bago lumipad ang TV host papuntang London.

Sa isa pang post ni Cheska, sinabi nitong dalawa sila ni Doug at ilan pang non-showbiz friends ang "accomplices" sa airport proposal ni JC kay Bianca.

Nag-post din ang isa pang accomplice, ang commercial model na si Mikaela Lagdameo-Martinez, ng videos at larawan sa nangyaring proposal.

Isa na rito ang video ng pagsuot ni JC ng engagement ring sa daliri ni Bianca.

Ipinost din ni Mikaela ang larawan ng pag-aabot ng bouquet of roses ng mga magulang ni JC kay Bianca para i-"welcome" sa kanilang pamilya na pumunta rin sa airport.

Sunud-sunod naman ang pagbati ng netizens sa engaged couple at sa nangyaring proposal.

Si Bianca, 31, ay isa sa mga nangungunang female host sa bakuran ng ABS-CBN. Kasalukuyan siyang napapanood sa daily morning show na Umagang Kay Ganda at Cinema One News sa cable channel na Cinema One.

Si JC, o John Christopher Intal, 30, ay kasalukuyang naglalaro para sa koponan ng Barako Bull Energy sa Philippine Basketball Association (PBA). Naging kasintahan din siya ng aktres na si Carla Abellana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN