Dennis Trillo not interested in dating any of his ex-girlfriends again: "Hayaan mo sila!"

Dennis Trillo explains why he wants to stay single for now: "May problema kasi ako sa time management. Minsan, kapag may girlfriend ako, may tendency ako na ibinibigay ko lahat ng oras ko dun, na nakakalimutan kong pagtuunan ng pansin yung mga mas mahahalagang bagay."


“Hayaan mo sila!”

Ito ang natatawang saad ni Dennis Trillo nang tuksuhin siya sa mga ex-girlfriend niyang sina Jennylyn Mercado at Cristine Reyes na parehong single ngayon.

Sabi pa ng Kapuso heartthrob, wala siyang ibang inspirasyon kundi ang kanyang pamilya.

“Wala munang lovelife kasi effective sa akin yung pagiging single ko ngayon.

“Nase-set ko nang maayos yung priorities ko. Nama-manage ko nang maayos yung oras ko.

“Walang nakikiagaw sa me time, sa alone time ko,” pahayag ni Dennis sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Java Jive restaurant sa Davao City noong Sabado, March 15.

NOT DATING. Tila nakatulong nga sa kanyang career ang pagiging single, lalo na noong kasagsagan ng teleseryeng My Husband’s Lover.

Aminado si Dennis na minsan ay nawawala siya sa focus kapag mayroon siyang karelasyon.

Tingin ba niya ay panggulo lang ang babae sa buhay niya?

Sagot ni Dennis, “Hindi naman panggulo.

"May problema kasi ako sa time management.

“Minsan kapag may girlfriend ako, may tendency ako na ibinibigay ko lahat ng oras ko dun, na nakakalimutan kong pagtuunan ng pansin yung mga mas mahahalagang bagay.”

Ganunpaman, hindi masyadong nababahala si Dennis kahit na madalas nauuwi sa hiwalayan ang mga relasyon ng aktor.

Ilan sa ex-girlfriends niya na taga-showbiz ay sina Jennylyn, Cristine, Bianca King, at Carlene Aguilar.

Sabi ng aktor, “Well, siguro hindi lang talaga laan.

"At siguro nangyari yun dahil may mga kailangan pa ako matutunan.

"Siguro blessing in disguise yung mga yun na matutunan ko yung lessons na dapat ko matutunan.

"At the same time, nagamit ko yun kaya mas ok ako ngayon."



INDIE FILM. Isa sa mga sisimulang proyekto ni Dennis ay isang indie film na ididirehe ni Mike Tuviera para sa Cinemalaya 2014.

Excited ang 32-year-old actor na pagbidahan ang isang action-drama film pagkatapos niyang gampanan ang isang gay role sa teleseryeng My Husband’s Lover noong nakaraang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Dennis, “Hindi naman sinadya. Nagkataon lang na may ganitong project na in-offer sa akin.

“Ito na yung magandang project after makita ako na gumawa ng medyo malambot na role.

“So, gusto ko naman sa susunod nilang makita ako, mabubura na sa isip nila yung huli kong role.”

Hindi ba siya kumportable na gumanap ulit na bading?

Sagot ng Kapuso actor, “Comfortable naman. Pero hindi porke’t gumanap ka ng ganung role, yung mga next e ganun ulit.

“Gusto ko, as much as possible, iniiba ko para kapag napanood ng tao, gusto ko yung reaksyon nila, ‘Uy, ngayon ko lang siya nakitang ganyan!’

“Meron lang akong effort na may bagong makikita lagi sa akin.”

Para naman sa susunod na gagawin niyang teleserye, plano raw ng GMA network na magkaroon muna ng indibidwal na proyekto si Dennis at ang co-stars niya sa My Husband’s Lover na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Pagkatapos ay saka pa lang ikukunsidera ng management kung gagawan ng Book 2 ang My Husband’s Lover.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN