Former child star Makisig Morales misses Super Inggo days

Makisig Morales on his crush, Liza Soberano: "Actually, hinahangaan lang naman. Sa mga ka-age namin, nakakaano siya ng mata [nakakabighani]. Iba rin kasi ang ganda niya."


Seventeen years old na ang dating child star na si Makisig Morales, na sumikat noon sa pamamagitan ng fantaseryeng Super Inggo (2006) ng ABS-CBN.

Karamihan sa child stars na dumaan sa tinatawag na "awkward stage" sa show business ay pansamantala munang nagku-quit sa paggawa ng mga pelikula at TV shows sa kadahilanang hirap silang hanapan ng kaukulang roles na gagampanan.

Hindi naiiba sa kanila si Makisig na ngayon ay muling nagiging aktibo sa paggawa ng teleserye.

Ito ay sa pamamagitan ng Mira Bella, na pinagbibidahan nina Julia Barretto, Enrique Gil, at Sam Concepcion.

Bungad ni Makisig sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Actually, nakaka-miss po talaga mag-taping.

"Everytime na nasa bahay o nag-aaral ako, iba po yung saya sa taping. Hindi ka napapagod, nag-e-enjoy ka lang.

"Yun po ang nami-miss ko sa taping.

"Pero yun nga, habang naggu-grow ka, talagang dumadaan lahat at ’di naman maiiwasan ’yan.

"Ano, tuly-tuloy ang buhay."

Nakausap ng PEP si Makisig sa grand press launch ng Mira Bella, sa ELJ Loop Garden sa ABS CBN, noong Martes, March 18.



ACTIVE IN CHURCH. Sa mga panahong hindi siya aktibo sa pelikula at telebisyon, naging aktibo daw si Makisig sa Singles for Christ at sa pag-aaral.

First year college student siya ngayon, taking up Bachelor of Science in Business Administration.

Aniya, "Active po ako ngayon, bukod sa pag-aaral ay yung mission in spreading the words of the Lord.

"Member ako ng musical play tungkol sa buhay ni Pedro Calungsod.

"Natutuwa rin po ako kina Sir Biboy [Arboleda, AdProm head of ABS-CBN] na nandiyan pa rin para sa amin, na kung may project na bagay sa amin, hindi kami nakakalimutang isama.

"Pa-thank you nga po ako sa kanila."



MISSES LEAD ROLE. Sa kabila ng pagtanggap ni Makisig na wala na ang dati kasikatan noong panahon ng Super Inggo, pangarap pa rin niyang maranasan ang ganoong popularidad ngayong teenager na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "Nakaka-miss din yung tinatawag akong ’Super Inggo... Super Inggo!’

"Minsan may ganun pa rin, nakakatuwa pa rin.

"Gusto ko rin siyempre ma-experience ulit yun. Why not, ‘di ba?

"Pero siyempre, may time na iniisip ko na sana maibalik ko yung ganung pagkilala sa akin ng tao.

"Naniniwala rin ako na darating yung time na magiging bida rin ako, ‘tulad nina Kuya Enrique at si Sam.

"Kailan nga ba? Siguro kung lumaki pa ako," pagbibiro na niya.

Dagdag ni Makisig, "Pero yun nga, in time po, siguro ’pag nineteen o twenty na ang edad ko.

“Happy for them kasi nakikita naman kung paano din sila ka-dedicated sa kanilang work."



JULIA BARRETTO. Sa puntong ito, tinanong ng PEP si Makisig tungkol sa lead actress ng Mira Bella na si Jula Barretto.

Ano ang masasabi niya tungkol sa young actress?

Nakangiting sabi ng dating child star, “Sobrang ganda niya talaga.

"Akala mo yung tipong mahirap siyang lapitan dahil nga, siyempre, iba talaga ang dating ni Julia.

“Pero once you get to know her, ang kulit din talaga.

"Kaya nga sa set, lagi kaming tawanan nang tawanan, kasi maging siya, nakikisali sa lokohan namin.

"Mabait, mabait, ‘tapos ang ganda niya talaga.”

Pero sa kabila ng paghanga niya kay Julia, iba raw ang crush niya sa showbiz.

Medyo nahihiya pero umamin din si Makisig na ang crush niya ay si Liza Soberano.

Sabi ni Makisig, "Actually, hinahangaan lang naman.

"Sa mga ka-age namin, nakakaano siya ng mata [nakakabighani].

"Iba rin kasi ang ganda niya."

Si Liza, 16, ay miyembro ng Star Magic Circle 2013 at napanood sa mga pelikulang Must Be… Love at She’s The One, na parehong ipinalabas noong 2013.



HIS OTHER DREAMS. Samantala, may iba pa rin daw siyang pangarap bukod sa maging isang magaling na aktor.

"Gusto ko talagang magluto at magdirek!" bulalas ni Makisig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag pumunta ang family namin sa Brisbane [Australia], dun siguro ako mag-aaral, dun talaga ako magpa-practice.

"Si Daddy ko kasi nasa Perth ngayon at magwu-work as diesel mechanic, ‘tapos plan niya kaming dalhin siya Brisbane.

"Then, kapag po yung talagang dun na kami mag-i-stay, dun ko na itutuloy ang ibang plans ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN