Zanjoe Marudo denies making a move on Deniece Cornejo

Nilinaw ni Zanjoe Marudo ang usap-usapan na siya ang breadwinner ng kanilang pamilya kaya hindi pa niya mayayang magpakasal ang kasintahang si Bea Alonzo. Sabi ng aktor, "Tumutulong-tulong lang naman. May trabaho rin ang mga kapatid ko. Kaya hindi naman yun ang dahilan. Iba rin siyempre kapag ikaw ang bubuhay sa sarili mong pamilya.”


Pinabulaanan ni Zanjoe Marudo ang pahayag ni Deniece Cornejo—sa sworn affidavit nito kaugnay ng rape complaint na inihain niya laban kay Vhong Navarro—na ang aktor ang unang gumawa ng move sa kanya noong 2011.

Ayon sa isinumiteng salaysay ni Deniece sa Taguig Prosecutor’s Office noong January 29, 2014, nakita niya si Vhong sa isang shoe store, na ini-endorse ng It’s Showtime host, sa isang Makati mall noong 2011.

Habang namimili raw siya ng sapatos para sa kanyang mga kapatid na lalaki, nakita ni Deniece si Vhong na nakatingin sa kanya habang sinasabi nitong “ang ganda talaga.”

Ayon pa sa salaysay ni Deniece, kasama raw ni Vhong noong oras na iyon si Zanjoe, na lumapit sa kanya nang hindi nagpapakilala.

Tinanong pa raw siya ni Zanjoe ng: “Para sa boyfriend mo?”

Ngunit hindi sinabi ni Deniece sa kanyang sworn statement kung ano ang isinagot niya sa tanong ni Zanjoe.

Ayon pa kay Deniece, bagamat sinusundan siya ni Vhong kahit saan siya magpunta sa event ay hindi sila nagkaroon ng interaksiyon noong araw na iyon.

Nagulat na lamang daw ang modelo dahil pagkalipas ng ilang araw ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Vhong.

Sa finale presscon ng ABS-CBN primetime series na Annaliza noong March 15, Sabado, ay tinanong si Zanjoe tungkol sa alegasyon ni Deniece.

Totoo bang siya rin ang kumuha ng numero ni Deniece?

Sagot ng Kapamilya actor, “Wala akong maalalang ganun. Hindi ko pa siya nakita nang personal.

"Pero, oo, alam ko may ganung isyu sa akin. Hindi ko na lang pinansin."

Alam ba ng kasintahan niyang si Bea Alonzo ang tungkol dito? Tinanong ba siya ng aktres kung totoo ito?

Sagot ni Zanjoe, "Hindi naman namin masyadong napag-usapan.

“Wala lang.... tinanong lang niya ako. Pero sabi ko, hindi totoo yun.

“Wala akong kinalaman doon.

“Okey naman siya [Bea] nung sinabi ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos wala na, hindi na namin napag-usapan.”



BREADWINNER? Samantala, sinagot din ni Zanjoe ang usap-usapang isa raw sa mga pumipigil sa kanya upang yayai nang magpakasal si Bea ay ang pamilya ng aktor.

Balita kasi noon na breadwinner ng kanilang pamilya si Zanjoe.

Paliwanag nito, "Tumutulong-tulong lang naman.

“May trabaho rin ang mga kapatid ko. Kaya hindi naman yun ang dahilan.

“Iba rin siyempre kapag ikaw ang bubuhay sa sarili mong pamilya.”

May nabili na raw lupa si Zanjoe, pero kailangan pa niyang mag-ipon para sa pagpapatayo ng bahay.

Pero si Bea ay may sarili nang bahay sa White Plains at marami na rin daw nabiling properties.

Hindi ba puwedeng sa bahay ni Bea muna sila tumira kung saka-sakali?

Sabi ni Zanjoe, “Hindi magandang tingnan yun para sa lalaki.

“Kung mag-aasawa na ako, hahanap kayo ng isang lugar para sa inyong dalawa.”



NEXT PROJECT. Pagkatapos ng Annaliza—na magwawakas na bukas, March 21, pagkatapos ng sampung buwan sa ere—magsisimula na si Zanjoe ng isang pelikula kasama si Pokwang para sa Skylight Films.

Paglalarawan ni Zanjoe, "May pagka-comedy romance, pero mas lamang ang comedy.

“May romance talaga, serious. Sa love story, kailangan nakakatawa.

“Masaya yung love scene namin ni Pokwang.

"Yun muna ang plano nila, puros comedy film muna ang gagawin.

“Kung kumportable ako sa isang role, yun ang ginagawa ko. Tinatanggap ko dahil kaya ko.

“Marami rin akong hindi kayang gawin.”

Ayon kay Zanjoe, hindi pa siya handang gumawa ng sexy film dahil nangayayat siya ngayon.

"Kailangan mag-gym ulit ako. Siyempre, rom-com, e.

“Kahit comedy, kailangan nandun yung goodlooking ka pa rin sa screen.

"Pumayat ang katawan ko kasi hindi ako nag-e-exercise, hinayaan ko lang siya.

“Hindi ko kailangan magpa-macho sa Annaliza dahil ang role ko, tatay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN