Nanatiling mailap si Jake Ejercito, 23 tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Andi Eigenmann, 23.
Ito ay sa kadahilanang ayaw raw niyang mahaluan ng intriga ang pagkakamabutihan nila ng Kapamilya actress.
“I guess we just don’t like talking about it anymore, kasi laging ginagawan ng issue or nami-misunderstand.
"And people end up thinking we're either lying or being pretentious,” pahayag ni Jake sa text message na ipinadala nito sa entertainment columnist na si Allan Diones kagabi, March 19.
ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS. Kung anu’t ano pa man, mahahalata naman daw sa kilos nila ni Andi kung ano ang ugnayan nila ngayon.
“What you see is what you get na lang, 'di ba? Haha!” masayang dagdag ni Jake.
Hindi man kasing-vocal ni Andi si Jake, malinaw na espesyal ang turing ng binata sa Galema star.
Kung susuriin ang Instagram account ni Jake (@unoemilio), mula noong November 2013 hanggang sa kasalukuyan, makailang-beses na nag-post ang binata ng larawan ni Andi.
Si Andi lang din ang madalas na kasama ni Jake sa mga short video clip na ibinabahagi niya sa naturang photo/video-sharing site.
Bukod dito, noong February 23 at March 2 ay ibinahagi rin ni Jake sa kanyang blog site na unoemilio.com ang mga larawan nila ni Andi noong magbakasyon sila sa Malaysia noong Enero.
Kitang-kita ang saya sa mukha ni Andi na madalas ay siyang main subject sa mga kinunang litrato ni Jake.
Ilan sa mga pinasyalan nilang famous tourist destinations sa Malacca, Malaysia, ay ang weekend market sa Jonker Street, Malacca Sultanate Palace, at Dutch Square.
Courtesy of Jake Ejercito's blog unoemilio.com

Courtesy of Jake Ejercito's blog unoemilio.com

Courtesy of Jake Ejercito's blog unoemilio.com
“HE TELLS ME WHAT I NEED TO HEAR.” Sa eksklusibong panayam naman ng PEP kay Andi noong January 21, inamin ng aktres na mas lalong tumibay ang samahan nila ni Jake.
Dito rin unang ibinahagi ng Kapamilya actress ang tungkol sa hilig nila ni Jake na magbiyahe at mag-food trip sa ibang bansa, 'tulad ng Singapore at Malaysia.
Sabi pa ni Andi, hindi na importante sa kanya na ihayag ni Jake sa publiko kung ano ang nararamdaman nito para sa kanya.
“What he shows is already enough, given that he's not a celebrity.
"He tells me what I need to hear. Ang kailangan lang, ako."
Read: PEP EXCLUSIVE. Andi Eigenmann on real score with Jake Ejercito: "We're in a good relationship."
Sa press conference ng Galema noong March 11, sinabi ni Andi na hindi lingid sa kaalaman ng publiko kung gaano niya kamahal si Jake.
Pero hangga’t maaari ay ayaw na rin niyang pag-usapan sa media kung ano man ang mayroon sila ni Jake, na tinatapos ang kurso nitong Political Science at Business Management sa Singapore.
Tumanggi rin si Andi na sagutin ang tanong ng press kung mutual ba ang feelings sa pagitan nila ni Jake.
Sabi ng aktres, “I don’t want to speak in behalf of someone else.
“As much as I’m not afraid to tell the world about how I feel about him, ibang tao pa rin siya.
“Alam niyo na yung napi-feel ko para sa kanya. Ayoko na paulit-ulit na sabihin sa tao,” diin ni Andi.
