Luis Alandy has moved on from breakup with non-showbiz fiancée

Luis Alandy on his attraction towards Jennylyn Mercado: "Oo, maganda talaga siya. She’s the type of person a lot of guys would really admire because she does a lot of activities. She bikes. She swims. I like her because we have a lot of common."


Bagamat masakit ang nangyaring pagkaudlot ng kasal ni Luis Alandy sa kanyang non-showbiz fiancée, nanatiling positibo ang outlook ng Kapuso actor sa buhay.

December noong nakaraang taon nang maghiwalay si Luis at ang fiancée nitong nagtatrabaho sa isang advertising firm sa Canada.

Lahad ni Luis, “Ten years ago, hindi ko naman pinaplano na dapat by the age of 34 years old, I’d like to have a family.

“Siyempre, dumadating at the back of your mind na gusto mo na rin to have your own family.

“But then, it’s hard to force everything.

"Lalo na maybe you have found the right person only to realize later on that you have been staying with the wrong person."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa Chippens Restaurant pagkatapos ng Kapuso Parade of Stars para sa Araw Ng Dabaw, sa Davao City, noong March 15.

STARTING AFRESH. Tumanggi si Luis na pag-usapan kung ano ang dahilan ng hiwalayan nila ng kanyang fiancée.

Ang mahalaga ay naka-move on na raw siya ngayon.

“I am okay. Hindi naman tayo parang teenager.

"At this age, you move on easily and focus on career," sagot ni Luis nang kamustahin ang lagay ng kanyang puso.

Wala pa rin daw siyang bagong idine-date dahil hangga’t maaari ay ayaw niyang basta-basta lang pumasok sa isang relasyon.

Bilang lalaki, paano siya nagko-cope pagkatapos ng isang breakup?

Sagot ni Luis, “During my younger years, it’s easier for me, kasi I just go out with my friends.

"Not necessarily to meet someone but just to have fun. Guys are typically like that.

“Pero ngayon kasi, it’s more of if things didn’t work out and then you go on to the next one.

"But at the same time, titingnan mo kung saan pupunta yung future mo. Hindi yung you go for love on the rebound."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa susunod na magkarelasyon siya, hindi raw importante kay Luis kung kapareho niyang artista o non-showbiz ulit ang kanyang magiging girlfriend.

“You just wait for the right person or the timing kung sino man ang person na yun.

“As I said, it’s hard to force anything na hindi naman talaga para sa iyo,” dagdag pa niya.

CRUSH ON JENNYLYN MERCADO. Bagamat wala siyang nililigawan ngayon, inamin ni Luis na “crush” niya ang Rhodora X star na si Jennylyn Mercado, 26.

“Vocal naman ako before na crush ko si Jen,” nakangiting saad ni Luis nang tanungin kung sino sa mga kasamahan niya sa showbiz ang pinaka hinahangaan niya.

Unang inamin ni Luis ang tungkol dito sa grand press conference ng Innamorata noong nakaraang buwan.

Sa katunayan, personal na ring nasabi ni Luis kay Jennylyn ang tungkol sa paghanga niya rito.

Kuwento pa ni Luis, “When I was asked kung sino ang crush ko, they made a big deal about it.

"Hindi naman ako yung type ng actor na sasabihin, ‘Hindi, wala akong crush.’

“’Tapos binibiro ata nila si Jen na, ‘Uy, may crush si Luis [Alandy] sa ’yo. Pero another Luis na naman.’

“I’ve talked to Jen. We’ve met each other. We spoke about it.

"Natawa lang kami,” saad ng Innamorata star, na ang pinatutungkulang kapangalan niya ay ang ex-boyfriend ni Jennylyn na si Luis Manzano.

Bagamat pareho silang tutok sa kani-kanilang trabaho, aminado si Luis na girlfriend-material naman talaga si Jennylyn.

“Oo, maganda talaga siya.

"She’s the type of person a lot of guys would really admire because she does a lot of activities.

"She bikes. She swims."

Pakiramdam ni Luis ay magkakasundo sila ni Jennylyn dahil pareho silang mahilig sa biking.

Kilala kasi si Jennylyn na fitness buff dahil regular ang training nito sa swimming at biking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganoon din naman si Luis na hilig ang paglalaro ng basketball, soccer, biking, at circuit training.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN