Liza Diño and Aiza Seguerra admit living together since May last year

Liza Diño says the first step in their wedding plan is to get her U.S. citizenship so that she and Aiza Seguerra can have a marriage that is recognized by law in the United States. They have accepted that it will not happen in the Philippines although they plan a symbolic wedding here after their U.S. wedding.


Nakausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Liza Diño pagkatapos ng presscon proper ng bagong ABS-CBN primetime series na Mira Bella noong Martes ng gabi, March 18, sa ABS-CBN compound.

Katabi ng beauty queen-turned-stage actress ang kasintahan niyang si Aiza Seguerra noong sandaling yun.

Madalas magkasama sa events at lakaran sina Liza at Aiza kaya naman tinanong namin ang dalawa kung nagsasama na ba sila sa iisang bubong.

Tumingin muna ang nangingiting si Liza kay Aiza na parang naghihintay ng go-signal sa susunod niyang sasabihin.

Nang mapangiti si Aiza kay Liza, pumaling uli ang mukha ng huli sa press at saka nagsalita.

“Yes, we are!” sagot ni Liza sabay halakhak.

Kailan lang ito?

Birong sagot naman ni Aiza, “Kanina lang!"

Ngunit dagdag ng singer-actress, “Officially, us living together, May of last year.

"Since she got back, it’s either me sleeping there or I sleep in her house."

Salaysay naman ni Liza, “Una muna, nagpapaalam ako sa mommy ko.

“Sinasabi ko lang na doon muna ako matutulog kina Aiza o siya ang matutulog sa bahay namin.

“Kasi araw-araw kaming magkasama.

"Yung mommy ko, napapansin niya na unti-unti kong kinukuha yung mga gamit ko, ganun."



ADJUSTMENTS. Sa pagsasama ng dalawa sa iisang bahay, mas matimbang sa kanila kung paano ito tatanggapin ng anim na taong anak ni Liza na si Amara.

Marami raw itong mga tanong na kailangang sagutin ni Liza tulad ng: “Bakit lagi siya [Aiza] nandito?"

Sabi ni Liza, “Yun ang mga kailangan kong i-address na mga tanong, yung mga dynamics bilang isang pamilya.

"Hindi ko puwedeng biglaan ang anak ko.

“So, silang dalawa ang maraming adjustments—yung anak kong si Amara at si Aiza.

“Tanggap namin [ni Aiza] yung quirks namin sa isa’t isa.

"Alam niyang makalat ako, pero pag pinagluluto naman siya araw-araw, wala na siyang masasabi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman kina Amara at Aiza, ayon kay Liza, "I can’t be any happier.

"Parang sobrang... from buddies to Tita, ’tapos naging Mama, ngayon Bubba.

"Yung Bubba, tingin niya, parent na, e."

Sinasabi raw ni Amara sa lahat na stepparent niya si Aiza at ito raw ang "third most favorite person" niya.

“Yung dalawang most favorite person niya in the world, siyempre yung mama at papa niya,” sabi ni Liza.



U.S. CITIZENSHIP. Nabanggit ni Liza sa presscon proper ang tungkol sa pag-aayos niya ng kanyang mga papeles sa States para maging U.S. citizen.

Kapag nakuha na raw niya ang kanyang citizenship, malamang na magpabalik-balik na lang siya dito sa Pinas.

Pahayag nito, “Itong soap [Mira Bella] na ito ang isa sa mga signs na I felt na baka talagang inadya ng Diyos na bumalik ako dito sa Pilipinas.

"I remember nung magkasama kami [Aiza] and hindi ko pa alam, parang big move yata na mag-move ako dito sa Pilipinas.

“Sabi niya, ’Mahal, kaya hindi dumarating sa iyo ang opportunity kasi half-baked ka. Yung heart mo nasa U.S., yung heart mo nandito rin sa Pilipinas. Make that move and everything will fall into place.’

"I did, and two days after I got a call na I got the job for Mira Bella and, ayun, tuluy-tuloy na."



OVERJOYED. Mas masaya raw ngayon ang relasyon nila matapos ang marriage proposal ni Aiza kay Liza sa kalagitnaan ng stage play nito sa UP Theater may dalawang buwan na ang nakararaan.

Saad ni Liza, "It’s so funny nga, kasi I’ve always been open in the sense na hindi ko itinago ang relationship namin.

"Although, yung mga ganitong reason, like me being on TV and going back to showbiz, may repercussion na kailangan mag-ingat ka.

"You don’t want the people to judge you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pag in love ka talaga, wala ka talagang iniisip.

"Yun talagang you’re so happy and you just wanna tell the world about it.

"And you just wanna celebrate love and I think that’s what we’ve been doing.

“And ngayon na positive yung ibinigay na reaksiyon ng mga tao, all the more na nae-empower kami.

"Alam mo, pag talagang totoo ka lang sa sarili mo, lahat talaga will be happy for you."



WEDDING DATE. May date na ba ang pinaplano nilang wedding?

Sagot ni Liza, “Yung U.S. muna.

"Right now, I’m a permanent resident.

"So for us to be legally married, I need to be a citizen.

“Inaayos na ngayon iyon doon, so hopefully before the year ends, we can get married."

Next year naman daw ang pagpapakasal nila dito sa Pilipinas at paliwanag ni Liza, "Kasi kahit symbolic yung dito, we know, alam mo na...”

Ang tinutukoy nito ay mababalewala lang ito.

Ang same-sex marriage sa U.S. ay recognized ng batas.

Ibig sabihin nito ay puwede na rin maging US citizen si Aiza kapag U.S. citizen na si Liza at nagpakasal sila.

Paliwanag ni Liza, “We get the same rights as heterosexual.

“Yun ang importante sa amin, e.

"Ibang bagay yung nag-propose na kayo sa isa’t isa, nagpakasal kayo, pero hindi pa rin siya legal.

“Kami naman, what’s the whole point of that if we’re gonna get recognized?"


Sa pagbabalik-tanaw nina Liza at Aiza, muntik na silang hindi nagpang-abot kung natuloy ang plano ng singer na mag-immigrate sa Canada.

Napatingin si Liza kay Aiza na parang hindi ito makapaniwala sa narinig, “Talaga?"

Saad ng aktres, “I believe that nothing is a coincidence, everything happens for a reason.

“Parang may rason kung bakit kami pinagtagpo kung kaya hindi siya napunta ng Canada at ako naman ay napunta dito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Eto, eto ngayon, etong mga blessings na nakapaligid sa amin ngayon, nagpapatibay lang ng relasyon namin."

TV ACTING. Inamin ni Liza, isang theater at film actress, na nag-adjust siya nang husto sa kanyang kauna-unahang pagsabak sa TV acting, bilang kontrabida, sa bagong teleserye ng ABS-CBN—ang Mira Bella.

Sabi ni Liza, "Ang hirap na i-channel yung villain role.

"I had to do workshops on my own, ha?

"I was going to master class and asking directors to help me out doon sa role ko."

Nakakadalawang taping na raw siya para sa teleserye.

“So far, I think I’m adjusted to the role.”

Inaalalayan naman daw si Liza ni Aiza, na beterana na sa pag-arte sa telebisyon.

Kuwento ng aktres, “May ganun akong pag-uwi ko sa bahay, ’pag hindi ako happy sa work ko, lagi ko siyang kinakausap.

“Si Aiza, I really admire her in terms of being natural.

"Alam niya yung acting in front of the camera.

“Yun ang kailangan kong i-adjust pa, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN