Carla Abellana quashes Geoff Eigenmann-Kylie Padilla rumors: “I stand by my belief that there’s really no truth to it.”

Asked about Aljur Abrenica’s insinuation that Geoff Eigenmann has been "hitting on" Kylie Padilla, Carla Abellana reiterates her trust in her boyfriend: “But… ako honestly, being the girlfriend of Geoff Eigenman and knowing him for the past four… five years, alam ko deep in my heart at saka nung mga malalapit sa amin pati na yung mga katrabaho niya na walang katotohanan kung anuman yung iniisip ng iba or kung anuman yung lumalabas.&


Si Carla Abellana ang nanalong Best Drama Actress sa 5th Golden Screen TV Awards ng ENPRESS (Entertainment Press Society) na ginanap kagabi, March 21, sa Teatrino sa Greenhills, San Juan.

Ito’y para sa mahusay niyang pagganap sa My Husband’s Lover kunsaan ang co-star naman niya ritong si Dennis Trillo ang nagwagi bilang Best Drama Actor.

Maging mapili na kaya si Carla sa kanyang mga role ngayong itinanghal na siya bilang isang award-winning actress?

“Hindi naman,” nangiting reaksiyon ni Carla nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng awarding ceremonies.

“Kung merong isang taong magiging choosy, manager ko ‘yon. Hindi ako.

“Kasi yung trust ko… yung full trust ko, nasa kanya. Gano’n ko siya pinagkakatiwalaan.

“At gano’n ko siya kamahal—na siya ang bahala kung ano yung para sa akin.”

Ang manager ni Carla ay si Arnold Vegafria.

AWARD. Feeling ba niya, ganap na aktres na talaga siya ngayong naparangalan siya ng Best Actress award?

Paliwanag niya, “Hindi naman. I don’t think so.

“Honestly, ang trophy ano lang ‘yan, e… parang pang-display lang ‘yan, e. ’Di ba, kung tutuusin?

“But yung karangalan is… yun, siyempre. ’Di ba?

“Iyon ang magbibigay sa ‘yo ng confidence na pagbutihin pa. I would’t say na dahil may award ako o nakuhang karangalan e aktres na ako.

“Pero instrument siya para gamitin mo pa in the future. Para pagbutihin pa.”

ACCEPTANCE SPEECH. Sa acceptance speech ni Carla, inisa-isa niyang pasalamatan ang mga taong nakatulong sa kanyang career at pati na rin ang mga naging inspirasyon niya.

At marami ang naintriga na hindi niya nabanggit ang pangalan ng boyfriend na si Geoff Eigenmann.

“Hindi naman,” sabay tawa ni Carla.

“Alam naman niya ‘yan. My gosh!

“Geoff has been part of my life, my career, ever since the beginning, ’di ba? Unang-unang leading man ko ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So alam naman niya. Kahit hindi ko man nabanggit, alam niyang part siya nito…part siya ng success ko.”

IRONING OUT RELATIONSHIP KINKS. May mga isyu kasing naglabasan kaugnay ng pag-amin nila kamakailan na nagkaroon sila ng problema sa kanilang relasyon. Pero ayon kay Carla, naayos na nila ang tungkol dito.

Kuwento niya, “Normal lang naman na magkaroon kayo ng problema sa isang relationship, ’di ba? Normal lang naman na may pinagdadaanan kayo.

“And… hindi naman sa sinadya kong hindi banggitin si Geoff sa acceptance speech ko. Hindi rin sa nakalimutan ko.

“Pero kasi alam na naman niya ‘yon, e. Kumbaga, hindi ko man siya i-mention dito in front of everyone, alam niyang part siya ng pasasalamat ko talaga.

“At saka part si Geoff ng family ko. And siyempre hindi ko rin naman inisa-isa yung pamilya ko.

“Part na siya doon talaga. Promise!

“Lagi naman kaming magkausap ni Geoff. Lagi naman kaming magka-text.

“In fact, birthday niya sa Sunday. Magkikita kami siyempre kasi may dinner siya with his friends and family.”

Kumusta na ba sila ngayon matapos magkaroon ng problema sa relasyon nila?

Saad niya, “Okey naman. Okey naman kami.

“Siyempre, may mga kailangan pang ayusin at plantsahin… ganyan. Pero nakakaraos every day.”

ALJUR’S CONTROVERSIAL STATEMENT. Kagaya ni Geoff, ayaw nang tukuyin pa ni Carla kung ano nga ba yung nangyaring problema sa relasyon nilang dalawa.

Marami tuloy ang mas naintriga pa lalo noong umamin kamakailan si Aljur Abrenica na nagkaroon sila ng iringan ni Geoff.

Ito’y dahil tinangka raw ni Geoff na pormahan ang naging leading lady nito sa Adarna na si Kylie Padilla na girlfriend nga ni Aljur.

Pag-amin ni Carla, “Ah… I really, honestly don’t know the side of Aljur. I didn’t see his interview or anything.

“But… Ako honestly, being the girlfriend of Geoff Eigenman and knowing him for the past four… five years, alam ko deep in my heart at saka nung mga malalapit sa amin pati na yung mga katrabaho niya na walang katotohanan kung anuman yung iniisip ng iba or kung anuman yung lumalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You know, the perfect person to ask about it? Yung director nila, P.A. nila, make-up artist nila… kung sino talaga yung kasama nila, ’di ba?

“Kung sino yung mga nakakatrabaho nila. At kung sino ang mga nakakakita sa kanila every day.

“Iyon yung mga dapat ninyong tanungin. Hindi kami.

“Pero siyempre ako, I stand by my belief that there’s really no truth to it, ’di ba?

“At saka hindi lang naman… I guess na-misinterpret lang siya. Dahil si Geoff kasi, sobrang nag-enjoy siya do’n.

“Naging family na niya halos lahat ng cast members ng Adarna; na talagang… nagba-basketball silang mga boys, nagba-biking sila.

“May mga times silang gano’n, na never kong nakita kay Geoff before.

“Na hindi naman siya nakakapag-bonding with his castmates, e. Nami-interpret lang do’n si Geoff kasi gano’n siya na kapag nag-enjoy siya talaga, makikita mo.

“Ipaparamdam niya sa ‘yo. So… ‘yon!”

DOWNPLAYING KYLIE ISSUE. So hindi pala si Kylie ang dahilan ng naging problema nila ni Geoff sa kanilang relationship?

“No, not at all. My gosh!” nangiting muli si Carla.

“Kung nasa… Let’s say there are ten things that we are dealing with, that’s not even in the list, siyempre. Wala ‘yon.”

Sabi rin naman ni Aljur sa isang panayam na lumabas kamakailan na nagkausap na sila ni Geoff.

Pagsang-ayon ni Carla, “Nagkausap na nga sila sa Sunday All Stars. Do’n ko nga nalaman na… ’Ah, meron palang issue at nag-usap na pala sila, ano ba ‘yun?’

“Hindi ko nga alam. Hindi ko pa malalaman kung hindi… ’di ba?”

Nabanggit din ni Aljur sa nasabing interview na ayos na raw sila ni Geoff.

“O… di ayos na rin!” muling nangiting sabi ni Carla.

“Iyon ang maganda. Kasi nga sabi ko, ang tawag sa amin ni Aljur at ni Kylie… Ate at Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So parang… okey, ’di ba? Dapat laging nandiyan ang respect.”

Ang ina ni Geoff na si Gina Alajar, nababalitaan din daw ang nangyayari sa aktor at kay Carla. Nag-wish nga ito na sana raw ay ma-patch up na kung anuman ang nagiging problema nila.

Dagdag ni Carla, “Siyempre mother siya. Hindi lang siya mom ni Geoff pero in a way parang mommy ko na rin siya.

“So kahit sino namang nakakakilala sa amin ni Geoff, at sa mga nakakakita kung paano kami as a couple, talagang maghu-hope naman din sila na maayos.”

Kung sabagay, pareho naman silang strong ni Geoff, ’di ba?

“Sana. Tingnan natin, ’di ba?” tawa ulit ni Carla.

“I mean… matagal na kaming magkasama. So, tingnan natin kung together e naging malakas kami o naging strong kami para sa isa’t isa.”

NO WEDDING PLANS YET. Agaw-pansin ang suot na singsing ni Carla sa ring finger ng kanyang kaliwang kamay. Engagement ring na ba ‘yon mula kay Geoff?

“No. My gosh… I worked very, very hard for that!” sabay tawa niyang paglilinaw.

“Just because it’s in the ring finger doesn’t mean it’s an engagement ring.”

Hindi pa talaga nila napag-uusapan ni Geoff ang tungkol sa kasal?

“No. Not anytime soon!” tawa na naman niya.

“Hindi muna. Huwag muna.

“Not anytime soon. Sa dami na rin ng mga nagpapakasal sa ngayon, ’di ba?

“Parang fad siya! Parang nagiging uso.

“Hindi pa muna. Hindi pa,” tanggi pa muli niya.

Meron na ba siyang naihandang gift para sa nalalapit na birthday ni Geoff?

“Wala pa. Wala pa talaga akong gift.

“Ah… hopefully by tomorrow makabili ako kapag may naisip na ako. But I will definitely be there sa kanyang birthday party,” giit niya.

NEW MOVIE. Masaya rin daw si Carla na finally ay natapos na niya ang shooting ng bago niyang pelikulang So It’s You kung saan kapareha niya si Tom Rodriguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya niyang kuwento, “Malapit na ang showing. We’re targeting mga third week of April or if not baka first week of May.

“Sa wakas tapos na siya. Nakapag-photo shoot na kami for the poster kanina.

“So, reding-ready na kami. Super excited na kami na mapanood ng lahat yung pelikula.

“I play the role of Lira, isang happy-go-lucky girl na kengkoy, makulit, nakakatawa, baduy na babae pero maganda yung puso.

“’Tapos alam niya kung ano yung gusto niya. At kung paano niya makukuha yung gusto niya na gagawin niya lahat.

“Sa story kasi, yung pamilya ni Lira, biglang yaman sa lotto. So parang very dyologs na walang class, gano’n.

“Light lang yung pelikula. Noon ngang umpisa, nahirapan kami kasi coming from a heavy drama, nag-adjust kami na biglang romantic-comedy yung gagawin namin.

“Pero nung bandang patapos na kami sa pagsu-shoot nung movie, sobrang enjoy na lang kami. Kulitan na lang.

“’Tapos hindi mo na nararamdaman yung pagod. So okey naman.

“Sobrang comfortable na kami sa isa’t isa. Masaya.”

May bagong soap na rin ba siyang gagawin sa GMA?

“Wala pa po. Pero I believe naman na meron na pong inaayos para hopefully e the next few months ay makapag-start na ng bagong soap opera,” pahabol pa niya.

SUMMER PLANS. Ano naman ang plans niya ngayong summer?

Lahad niya, “Yun nga, e. ’Eto, inaayos ko pa.

“Nag-uusap pa kami ng family ko kung ano ang gusto nila. Kasi wala pa po talagang plans.

“Hopefully makapag-out of town kami. Makapag-relax.

“Unless magsu-showing na ang So It’s You, e… mag-i-stay ako rito.

“Pero kung may time, gusto kong makapagbakasyon out of town with my family. And with Geoff din, of course, kung ano din ang plans ng family niya.

“Next week meron akong mga libreng araw. Kaya sana makapag-out of town kami ng family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang init! Kaya gusto kong mag-beach.

“Basta sa beach. Kasi more than one year na akong hindi nagbibilad sa araw.

“Ang puti-puti ko na! Ha-ha-ha!

“Hindi na ako nakatikim ng beach! More than one year na.

“So, sana makapag-swimming… ganyan. Out of town.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN