Erwin Tulfo on alleged ’pork’ payoff: “Meron po bang suhol na reresibuhan? Hindi naman ho suhol ‘yon, e.”

Erwin Tulfo on the Philippine Daily Inquirer report that insinuates that he received pork payoffs: “Sabi ko kung iri-retract ng Inquirer, wala na tayong kaso, e. Or baguhin lang. I-rectify lang nang konti. Kahit naman hindi i-retract ng Inquirer, e. Sabihin lang ng Inquirer… what we meant it wasn’t a pay-off but rather it was a payment. I-rectify lang nila one word, e.&


Si Erwin Tulfo at ang mga kapatid niyang sina Ben at Raffy ang ginawaran ng Lifetime Achievement Award sa 5th Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society o ENPRESS na ginanap kagabi, March 21, sa Teatrino sa Greenhills, San Juan.

Kita sa mukha ng tatlong hosts ng public service show na T3 ng TV5 ang sobrang kaligayahan sa nasabing parangal na iginawad sa kanila.

“Masaya ako dahil nakita at napansin ang aming pinaghihirapan,” sabi ni Erwin nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Yung nakataya ang buhay mo and yet nakita na seryoso ka sa trabaho mo na gusto mong makatulong.

“Masarap na yung nakakatulong ka and then suddenly may grupo pa na gaya ng ENPRESS na magsasabi na, ’Good job on what you’re doing… heto ang award n’yo.’

“Mas doble yung sarap. Mas doble yung saya.”

Kilala sa pagiging fearless na broadcaster silang magkakapatid na Tulfo. Basta may ginagawang kamalian, walang habas sila kung pumuna at manita kaya naman inuulan sila ng death threats mula sa kampo ng kanilang mga natatamaan.

“Totoo yun. It’s part of life, e.

“Pero kung minsan, kapag mahina ang loob mo, then… maling propesyon o trabaho ka.

“E, kasama na sa buhay ‘yon, e. Kaya kami, to protect ourselves, we have security to cover us.

“Kasi lalo na yung likod namin, hindi natin alam kung sino na ang kalaban namin,” pag-amin niya.

THE VOICE OF THE OPPRESSED. Sa kanilang public service show sa TV5 na T3 o kahit sa kanilang radio programs, diretsahan sila kung bumatikos. Masaktan na kung masasaktan pero talagang sapul ang kanilang mga binabanatan.

Saad niya, “Kasi kausap namin ang mga complainant, e. Kaharap namin na umiiyak yung anak, o yung tatay, o yung misis.

“Ramdam namin, e. So parang naibabahagi sa amin yung pain.

“E, ’di ba ikaw, kapag galit na galit ka sa tao e masasabihan mo na ng masama, e?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So nata-transmit yung agony nila, yung pain, yung galit sa amin. Kaya naku-course through ‘yon.

“Nailalabas namin sa tao; na kagaya nung isang matanda sa aming istorya na sa paupahan niya, ayaw umalis nung pulis.

“Ayaw magbayad. ’Tapos kinasuhan pa siya.

“Paano naman yun? Matandang babae, 65 years old, may pinatuloy na pulis sa paupahan niya ’tapos hindi siya binayaran at kinasuhan pa siya.

“Wala tayong magawa kundi banatan yung may maling ginagawa na inirereklamo, e.

“Ngayon kung mali ka, e, tanggapin mo na lang. Tatahimik naman kami kapag sinabi mong… ’I’m sorry, sige aayusin namin.’

“Mahirap tumira, kaya sinisiguro muna namin na may complainant. Na itatanggi mo e heto at sinasabi na winalanghiya mo siya, e.

“Gano’n kami, kinukumpronta namin. Pero kung sabi-sabi lang, no… we don’t do that.

“Mahirap naman ‘yon. Masama naman ‘yon.”

BEHIND THE TOUGHIE IMAGE. Napamahal na sa kanya ang nalinyahang public service. Hindi ba pumapasok sa isip niya to also run for public office?

Ayon kay Erwin, “Napakarami nang nag-offer sa akin na tumakbo. Pero wala talaga sa linya namin.

“E, sanay ho kaming bumatikos. Baka mabatikos tayo, ser!” natawang sabi pa niya.

Naging tatak na nilang Tulfo brothers ang pagiging matapang kaya kinatatakutan ng marami. Pero sa likod ng camera, may mga katangian silang malayo sa astig na imahe nila.

Nangiti nga si Erwin nang matanong kung sino nga ba siya sa totoong buhay?

“Isang typical na family man na may magandang asawa!” tawa niya.

“Na may dalawang anak. At sabi nga ng mga kapatid ko, Mama’s Boy daw.

“Uhm… God-fearing. At the end of the day before I go home, nagdadasal ako.

“Nagpapasalamat dahil una, nakauwi ako nang buhay. Ikalawa, may natulungan kahit papano.

“Ikatlo, napakapalad natin na… Ito lang kasi yung propesyon na may power ka na, kinatatakutan ka pa, sikat ka pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All rolled into one, e. Dito sa media, may power ka, sikat ka, nakakatulong ka.

“Kaya nagpapasalamat ako na ito ang napasok ko na trabaho.”

Sa loob ng kanilang bahay, istriktong ama ba siya sa kanyang dalawang anak na babae?

“I am very…. Ayokong iparamdam sa kanila yung nararamdaman ng ate ko dati sa tatay ko. Kasi yung tatay ko sundalo, pati sila napapalo.

“I don’t do that. I don’t want them to feel that.

“Kinakausap ko. And then sumusunod naman. So, this is a matter of communication.

“Yung panganay ko is ten years old. Yung pangalawa naman is five.”

Kapag nagdalaga na ang mga ito, mangingilag kaya sa kanya ang mga gustong manligaw sa mga dalaga niyang anak?

“Siguro!” sabay tawa ni Erwin.

“Pero sasabihin ko naman… basta ba maayos sila, e. Basta ba naman mabait sila.

“It doesn’t matter kung pangit sila o mahirap sila, basta mabait sila. Kung saan masaya yung anak ko, e.”

Kahit stressful ang kanyang trabaho bilang broadcast journalist, napapanatili pa rin ni Erwin na maaliwalas ang kanyang mukha at fresh ang aura niya.

Paano ba niya napapanatili ang kanyang good looks at tikas ng pangangatawan?

“Nag-i-exercise. And then proper diet, ‘ika nga.

“And then, rest. At saka yung… not to worry too much.

“Ngayon medyo nagwu-worry ako dahil nga do’n sa pagsubok na dinadaanan ko ngayon!” tawa ulit niya.

“Pero I know na malalagpasan ko nga ‘yon.

“And what I am saying is… My promise to everybody, ke sumusuporta sa akin, ke kalaban, I promise and I swear na hindi ko sila bibiguin at hindi masisira ang kanilang tiwala.

“Hindi ko ‘yon sasayangin. I promise.”

READY TO FACE ACCUSATION. Ang tinutukoy na pagsubok ni Erwin ay ang news report na lumabas kamakailan sa Philippine Daily Inquirer na tumanggap umano siya ng suhol mula sa NABCOR o National Agri-Business Corporation na isang ahensiya ng Department of Agriculture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Yung pera do’n na ibinigay sa akin e galing daw sa PDAF. Sinasabi ng Inquirer na suhol daw iyon at pinapalabas na… pinalabas ko na ito raw ay advertising o advertisement.

“Pero iyon naman ho ang totoo, e.

“’Yong sinasabi nilang suhol, bayad iyon sa advertisement ng DA [Department of Agriculture] sa aming opisina noon sa RMN [Radio Mindanao Network] sa DZXL sa pamamagitan po ng isang premium.

“Para po sa mga hindi nakakaalam kung ano ang premium, legitimate po ito. Sanctioned po ito ng KBP [Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas] at saka ng broadcast industry.

“Na bibigyan ka ng timeslot ng radio station… ng management, para mapuno mo yung three minutes mo no’n, iyon ang suweldo mo.”

Kaugnay ng usaping ito, wala ba siyang planong gumawa ng anumang legal action?

“Pinag-aaralan ko pa po right now. Hanggang sa Lunes [March 24] siguro.

“Pero may mga evidence na ho kami. Tinanong nga ako kanina kung magdidemanda ako.

“Sabi ko kung iri-retract ng Inquirer, wala na tayong kaso, e. Or baguhin lang.”

“I-rectify lang nang konti. Kahit naman hindi i-retract ng Inquirer, e.

“Sabihin lang ng Inquirer… ’What we meant it wasn’t a pay-off but rather it was a payment.’ I-rectify lang nila one word, e.

“Hindi na yung bawiin ang report nila. Magkakapatid naman tayo sa industriya, e.

“Sa diyaryo, sa radio, sa TV… magkakapatid naman tayo lahat. Ke sa news ka, columnist ka, showbiz ka, we’re all… brothers and sisters, ’di ba?

“Pero siguro po, kapag hindi binago ng Inquirer ang kanilang pahayag, mapipilitan ako na dalhin namin ito sa korte. Let the court decide.

“And may mga ebidensiya kami na advertisement talaga iyon. May kontrata ho, e.

“Meron talagang advertisment. Nagsalita talaga, nag-voice over si Secretary [Arthur] Yap dati, e.

“Kumpleto ho, e. Meron pong kontrata. ’Tapos yung tseke. At saka yung resibo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron po bang suhol na reresibuhan? Hindi naman ho suhol ‘yon, e,” mariing pahayag ni Erwin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN