Businesswoman Cristina Decena on why she would rather remain single: ??Kasi akala ko 'pag guwapo, lolokohin ka. 'Pag pala hindi guwapo, lolokohin ka rin!??

IMAGE Ruel J. Mendoza

Cristina Decena says being thankful for her life's blessings more than makes up for her singlehood: "Everytime na nagpapasalamat ako kay Lord, iisipin ko magpa-flashback sa akin lahat ng mga taong nanloko sa akin. 'Tapos sasabihin ko, 'Lord bawing-bawi na ako dun sa lahat ng binigay mo sa aking security.' So ayoko nang maghinanakit kahit kanino."


Personal choice daw ni Cristina Decena si Venus Raj para maging co-host niya sa bagong travel show na Business Flight.

“Kasi marami siyang pinagdaanan na parang ako.

“'Tapos yung pagmamahal niya sa nanay niya na kahit nandidiyan siya sa kinaroroonan niya, sobrang humble pa rin. Namumupo.

“At saka nagkasama na kami sa Japan pero lagi pa rin siyang parang merong paggalang at respeto,” pagmamalaki niya sa co-host

Ang Business Flight ay ipapalabas na simula sa March 23, Linggo, 9 am sa GMA News TV.

Natanong si Cristina na bakit sa kabila na pagkakaroon ng pagtatangka sa buhay niya ay pinili pa rin niyang mag-host ng isang travel show na kung saan-saan siya nakakarating.

Sagot niya, “Kasi mula nung lumabas yung Powerhouse, kahit saan ako magpunta para bang yung mga tao nagiging inspirasyon yung buhay ko.

“So, sabi ko hindi lang naman ako ang may inspirational story, marami pa rin iba.

“So, gusto kong makita ng ibang tao na marami pang puwedeng tularan.”

Sa tanong kung sino ang peg niya bilang TV host, mabilis na sagot niya, “Siyempre si Kris Aquino!”

ON PHILLIP SALVADOR. May common denominator sila ni Kris—pareho nilang nakarelasyon ang aktor na si Phillip Salvador.

Hindi pa raw sila nagkita ni Kris.

Saad niya, “Kaya lang nung time na kami ni Ipe [Phillip], lagi siyang nagpapasalamat sa akin dahil si Joshua lagi kong inaalagaan, 'di ba?”

Ayon pa kay Cristina, nung sila pa ni Ipe ay nadadalaw ni Ipe si Joshua.

Sabi pa niya, “Oo, minsan iniiwan sa akin ni Ipe, ako ang nag-aalaga kasi nahihiram ni Ipe si Joshua. In fairness kay Kris, gusto rin naman niya na napapaalagaan kay Ipe yung bata.”

Okey pa ba sila ni Phillip?

Pagbabalik-tanaw niya, “There was a time nagkita kami, nung humihingi siya sa akin ng tawad.

“Iyon ang pinaka-last namin na pagkikita, sa [Hotel] Rembrandt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ang sinabi ko sa kanya, hindi na ako sasagot sa Court of Appeals para ma-default ako, pero hindi ko pupuwedeng gawin yung recantation na sinasabi niya, na babawiin ko lahat ng sinabi ko.

“Hindi puwede kasi mawawalan naman ako ng kredibilidad.”

Kaya nandun pa rin ang kaso niya laban sa aktor.

“Nandun pa rin kaya lang hindi na ako, ide-default ko na lang. Kasi nung humingi siya sa akin ng tawad personally 'tapos sabi ko, sige na lang tutal naman marami naman akong natutunan.

“'Tapos nakilala naman ako as Cristina Decena, nakakapagbigay ako ng inspirasyon sa mga tao, so okey na rin sa akin.

“Nakapag-endorse ako ng ilang produkto dahil nagkaroon ng kredibilidad. So lahat ng nawala sa akin, naibalik sa akin ni Lord sa ibang paraan,” pagpapasalamat niya.

Kung ipi-feature siya sa show ni Kris ay ayos lang daw kay Cristina.

“Okey naman sa akin, kasi basta nung time na may relasyon kami [ni Ipe], dahil kay Joshua, inaalagaan ko, lagi siyang nagpapasalamat sa akin, ina-acknowledge niya.

“On national TV, ha! Yung lahat ng ginagawa kong maganda kay Joshua.

“At saka yung bata na yun 'pag nakita ako, kilala pa rin ako. Kasi lagi niyang sinasabi, 'I love my Tita Cristina!'” kuwento pa ni Cristina.

LOVELESS. Ngayon daw ay loveless si Cristina.

Hinaing niya, “Parang ano, ang gusto ko na lang, ako na lang mag-isa ngayon, iyon ang natutunan ko sa buhay.

“Everytime na nagpapasalamat ako kay Lord, iisipin ko magpa-flashback sa akin lahat ng mga taong nanloko sa akin.

“'Tapos sasabihin ko, ‘Lord, bawing-bawi na ako dun sa lahat ng binigay mo sa aking security.’

“So ayoko nang maghinanakit kahit kanino.

“'Tapos yung isang bagay na wala ako, yun ngang makakasama mo, pagtanda, sabi ko, ‘Maisasakripisyo ko na po yun sa sobrang daming ibinigay ninyo sa aking blessing!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kapag may dumating, hindi naman niya mapipigilan ang pag-ibig?

“Parang wala akong suwerte dun, e. Ayoko na.

“Kasi parang 'pag hindi ka suwerte dun, parang tama na. Marami na, e.

“Parang, dito sa huli, dito ako naano, dun ako nagising na parang tama na,” deklara niya.



ON ARIEL VILLASANTA. Ang comedian at host na si Ariel Villasanta ang huli niyang nakarelasyon.

Aniya, “Kasi akala ko 'pag guwapo, lolokohin ka. 'Pag pala hindi guwapo, lolokohin ka rin!”

Niloko ba siya ni Ariel? May third party bang involved sa naging hiwalayan nila?

“No comment na lang dun, no comment na lang dun,” pag-iwas niyang pakiusap.

Pero dati, sa interview sa kanya matapos nilang maghiwalay ni Ariel, ang sabi niya ay walang third party?

Ngayon ba ay nadiskubre niya na may third party?

Sagot niya, “Oo. Magaling lang magdala.”

Ang mga kasal ba nila sa iba-ibang bansa dati ay null and void?

“Kasi yung sa Hong Kong, talagang ikinasal kami dun. May dokumento, kaya nga nag-Villasanta ako, 'di ba? Kaya lang dahil ako lang naman ang annulled, siya naman ay hindi annulled, hindi iyon valid.

“Lahat pala ng kasal namin ay hindi pala valid, hindi valid sa Pilipinas pero valid sa Hong Kong.

“Kasi hindi siya annulled,” paliwanag niya.

Magkaibigan pa rin daw sila ni Ariel kahit nung nadiskubre niyang may third party sa side nito.

“Kasi lagi ko na lang sinasabi, I’m glad I’m not in that mess, 'di ba?

“Kasi, at least siya na yung umalis, hindi ako naloko nang matagal,” sabi pa ni Cristina.

May pre-nuptial agreement ba sila ni Ariel?

“Wala! Kasi hindi naman kami talaga kasal,” lahad niya.

Pero nung nagpakasal ba sila ay alam na niya na hindi valid ang kasal nila dito sa Pilipinas?

Pahayag niya, “Alam ko naman talaga na hindi siya annulled sa Pilipinas. Kaya sa Hong Kong kami nagpakasal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya hindi siya kabado noon kahit wala silang prenup?

Pahabol pa niya, “Oo, hindi ako kabado kasi alam ko kung ano yung legalities, 'di ba?”

Pero sa Hong kong ay valid ang kasal nila.

“Sa Hong Kong, kasal kami,” banggit niya.

Pero ayon kay Cristina ay wala siyang properties sa Hong Kong.

Sa Japan ay kasal din sila.

“Sa Japan pinapaayos ko na. Pinaayos ko na—na mapawalang-bisa.”

Kakabili lang daw niya ng property sa Japan.

“Ngayon lang ako bumili, e. E wala na, hindi na valid yung kasal namin dun.”

Kung gagawin daw na istorya sa Magpakailanman o Maalaala Mo Kaya ang buhay niya, si Eula Valdes ang nais ni Cristina na gumanap bilang siya.

“Kasi nakaka-relate ako sa kanya, e. Parang very powerful, 'di ba? Amor Powers.”

Hindi pa raw sila magkakilala ni Eula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN