Angeline Quinto on current status of her lovelife: “Ang alat!”

Angeline Quinto admits she hasn’t fully recovered from a bad breakup two years ago: “Halos two years din. E, nagkasabay din sa pagkamatay ng tatay ko.”


Nag-uumapaw ang nararamdamang kaligayahan ni Angeline Quinto nang manalo sa kategoryang Breakthrough Artist sa katatapos na 5th Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (ENPRESS).

Ginanap ito noong Biyernes ng gabi, March 21, sa Teatrino sa Greenhills, San Juan.

Nakuha ni Angeline ang nasabing parangal para sa mahusay niyang pagganap sa Kahit Konting Pagtingin, ang ABS-CBN serye na pinagbidahan niya kasama sina Sam Milby at Paulo Avelino.

“Sobrang happy ako. Ang feeling ko po ngayon ay… breakthrough po talaga!” masiglang pahayag ng singer-actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media na nakasaksi sa pagtanggap niya ng nasabing award.

“Sobra po talaga akong masaya. Kasi hindi ko po ito inasahan.

“At ito po ang kauna-unahang parangal na natanggap ko sa larangan po ng pag-arte. So sobra po akong thankful.

“Sana marami pa akong awards na matanggap sa mga darating pang panahon. Kasi dream ko talaga ‘yon.

“At huwag kayong mag-alala, kapag inimbitahan ko kayo sa bahay ko, makikita n’yo lahat ng mga awards ko. Naka-display lahat doon,” sabay biro pa niya.

HOUSE BLESSING. Labis din nga raw ang kasiyahan ni Angeline ngayong natapos na ang ipinagagawa niyang bahay.

“Hindi pa po nabi-bless. Wala pa pong napipiling date para sa house blessing.

“Yes po, nakalipat na po ako. No’ng February 20 po na… third anniversary ko sa showbiz.

“Magkakasama kami roon ni Mama Bob, ako, at saka yung kapatid ko. Yung tatay ko rin, sana nando’n!” tawa ulit niya na ang tinutukoy ay ang pumanaw niyang ama.

Sa napanalunan niyang award sa Golden Screen, mai-engganyo kaya siyang muling sumabak sa pag-arte? Nitong mga nakaraang buwan kasi ay muli siyang tumutok sa pag-awit.

“Dahil yung pagkanta naman po talaga ang gusto kong gawin. Nasa ABS naman po ’yon kung bibigyan nila ako ulit ng chance sa acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At kung sakaling mabigyan po akong muli ng pagkakataon... siyempre po, go ako sa lahat talaga,” saad niya.

STILL REELING FROM BAD BREAKUP. Nang mag-guest siya kamakailan sa Gandang Gabi Vice, marami ang naintriga nang biglang naiyak siya matapos tanungin ni Vice Ganda ang status ng lovelife niya sa ngayon.

May mabigat ba siyang pinagdadaanan na may kinalaman sa usaping pampuso?

Pag-amin niya, “Actually, before po kami mag-usap ni Ate Vice doon sa GGV po, talagang alam niya po yung pinagdadaanan ko.

“So naintindihan niya naman kasi, about po ito sa past ko talaga na non-showbiz po, e.”

Gaano katagal na ba mula noong maghiwalay sila ng non-showbiz niyang nakarelasyon?

“Two years po. Halos two years din.

“E, nagkasabay din sa pagkamatay ng tatay ko. So talagang hindi ko…” biglang nalungkot at hindi na naituloy pa ni Angeline ang kanyang sasabihin.

Base sa kanyang reaksyon, mukhang “bad breakup” talaga ang pinagdaanan ni Angeline para indahin pa rin niya ito hanggang ngayon.

Pagkumpirma niya, “Yes po. Nasaktan lang ako siguro.

“Kaya hanggang ngayon, gano’n. Pero alam ko namang maaayos ito.”

ROMANTIC BREAKTHROUGH. Sarado pa rin ba ang puso niya para sa pagkakaroon ng bagong lovelife?

“Uhm… hindi na. Hindi na.

“At saka… ang alat!” sabay tawa niya ulit.

“Ang alat!” muling pagdidiin ni Angeline habang hinihila-hila na ito palayo ng babaeng kasama niya para makaiwas sa miyembro ng media na nag-i-interview sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN