Jose Sarasola doesn’t get intimidated working with Julia Barretto in Mira Bella

Jose Sarasola doesn’t find it intimidating working with showbiz royalty Julia Barretto: “Hindi naman, kasi she’s cool din. Like, akala ng mga tao medyo ’yon nga, parang I speak a lot of English pero gusto ko nang baguhin. Marunong akong mag-Tagalog pero si Julia very maboka in English.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jose Sarasola noong Martes, March 19, sa presscon ng Mira Bella sa ABS-CBN compound.

Ang aktor ang gaganap bilang si Benson sa naturang Kapamilya summer serye na pinagbibidahan nina Julia Barretto, Sam Concepcion at Enrique Gil.

Panimulang kuwento ni Jose tungkol sa kanyang papel sa serye, “I’m a sculptor, mabait ako, parang kuya-kuyahan ni Mira, parang brother, so very protective kami sa kanya kapag may nanliligaw like si Enrique, si Sam. Medyo protective kami kay Mira.

“Si Julia, sa papel niyang si Mira, we raised her since she was a kid, so ayun.”

Sa totoong buhay ay nag-iisang anak daw si Jose.

Paano siya umarte bilang kuya sa serye?

Lahad niya, “Actually, this role is something new to me. Usually, my past roles would be like, sosyal or mayaman or kapatid ng bida, basta big time.

“But here, mahirap yung role and ’yon nga, kuya pa, so I just kinda incorporated things I see on TV and how older brothers act towards younger sisters na very protective...

“Mga nuances na iyon nga, na very bantay talaga sa bunso.”

Hindi naman niya kinailangan mag-aral ng sculpture.

Pahabol niya, “Hindi na, on the set na lang po, dun na lang po.”

Isang showbiz royalty si Julia, na anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, at pamangkin nina Claudine at Gretchen Barretto.

Hindi ba na-intimidate si Jose na makatrabaho ang young female star?

Sagot ni Jose, “Hindi naman, kasi she’s cool din. Like, akala ng mga tao medyo ’yon nga, parang I speak a lot of English pero gusto ko nang baguhin.

“Marunong akong mag-Tagalog pero si Julia very maboka in English.

“So yung mga biruan namin mga very funny na mga small talk na biruan pero puro English.

“Yung mga hirit niya sa English, e, mga hirit ko sa English din so she’s very ano, kuwela siya kasama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Produkto ng Fear Factor si Jose.

WAITING FOR BIG BREAK. Matagal na daw siyang walang regular show.

Ani Jose, “It’s been a long time since I’ve been part of a regular show. My last was Kapag Puso’y Masugatan with Jake [Cuenca] and Andi [Eigenmann]. And then between that, guest-guest sa Annaliza.

Hindi naman raw siya nag-demand ng project sa Star Magic kung saan siya nakakontrata.

“Well, siyempre everyone’s dream is to get a big break. I’ve been in showbiz for what—four to five years na rin, so I’m praying din for my big break soon.

“Pero siyempre I can’t naman complain sa work na nakukuha ko ngayon but hopefully, in the future maybe something big will come my way,” saad niya.

Wala raw siyang sama ng loob kahit wala pa ang break na inaasam niya.

Patuloy pa niya, “Wala naman, siyempre dito tayo nag-start.

“I just wanna be given kumbaga, a shot, a chance to prove na I can really act also.

“Hindi panay luto na lang, tingin ng tao mayaman ako but yung ending pa rin is my perseverance na maging good actor.

“That’s why I wanna be given a chance talaga. Hopefully, one of these days.”

CHEF’S HAT. Isang chef si Jose na solong nagmamay-ari ng isang resto bar sa BF Homes Parañaque, ang Avenue 75.

“And all the food there are recipes that I’ve learned.

“I’m the chef, I oversee evrything that’s being cooked, pero yung mga nagluluto dun, yung mga tinuruan ko na,” pagmamalaki niya.

Apat na taon na ang resto bar ni Jose.

“Actually, graduation gift siya from my parents,” kuwento pa niya.

Hands-on daw siya sa pag-aasikaso ng Avenue 75.

Aniya, “Yeah... habang walang taping, andun ako. Kailangan talagang tutukan yung business.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya si Jose dahil apat na taon na ang negosyo niya.

Pasasalamat niya, “Thankfully matagal na rin. For BF Parañaque, pag maka-one-two years ka, medyo okay ka na kasi there are so many establishments there.

“So ayun, okay naman, I show mga World Cup, Pacquiao [boxing fights], NBA, sports bar theme talaga.”

SHOWBIZ GIRLFRIENDS? Single si Jose, wala siyang girlfriend ngayon.

Tatlong taon na ang nakalipas mula noong huli niyang relasyon.

Nagkaroon na ba siya ng showbiz girlfriend?

“Date-date lang. Sila Danita Paner, si Sam Pinto, si Bangs [Garcia] rin I used to text before. Pero text-text lang, wala pang serious naman ngayon. Single ako.”

Ano ang naging reaksyon niya sa pagkaka-link nina Enrique Gil at Bangs?

“Ah wala, deadma lang, matagal na yung kay Bangs, siguro mga five years ago,” pagklaro niya.

Nagulat ba siya na na-link sina Enrique at Bangs?

Aniya, “Well yeah, nagulat lang kasi I never knew na may ganung tsismis. But then sinabi naman niya [Bangs] na iyon nga, from the past naman raw. Na parang meron naman raw work na nagkita lang sila dun, so deadma lang. Hindi naman ako na-ano.”

Nilinaw kasi ni Enrique sa presscon na nagkasama lang sila ni Bangs sa isang show abroad pero hindi naging sila.

LOOK-ALIKE IN SEX VIDEO SCANDAL. Bago pa nauso ang mga sex video scandals, si Jose ay naging biktima na nito ilang taon na ang nakakalipas. May kumalat na video ng isang hubad na lalaki na kamukha niya.

Tumawa muna si Jose bago nagkomento.

Paglinaw niya, “It’s funny kasi when the scandal came out, Fear Factor wasn’t airing yet, so people assumed talaga na ako yung guy sa video.

“But once Fear Factor came out and people saw what I really looked like—they realized na malayo.

“Pero sa unang tingin, pag hindi mo ako kilala, parang, ‘Uy kamukha, medyo!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero parang napansin ko, yung ilong, malayo. Hindi siya balbon like me, medyo talagang white na white siya... I never found out who that guy was sa video.”

Yung kumalat na sex video, solo yung lalaki. Pero sa mga uso ngayon, couples na nagtatalik ang napapanood. Ano ang opinyon ni Jose dito?

“I guess you have to be careful lang talaga, I’m not really a fan of those video-videos. I’ve never done it.

“Kasi it’s hard, e. You’ll never know what will happen, like kila... some very famous people are coming out with these scandals. Nananakaw yung ano nila, hindi mo alam, nananakaw yung files, yung laptop.

“So I think kailangan talaga maging safe, na talagang itago yung mga files kung meron man. But at the end of the day, huwag na lang mag-video para safe na lang, di ba?

“That’s my take on it.”

Bukod kina Julia, Enrique, Sam at Jose, nasa Mira Bella ng Dreamscape Entertainment Television rin sina Pokwang (bilang Osang), John “Sweet” Lapus (bilang Paeng), at sina Mylene Dizon, Mika dela Cruz, James Blanco, Liza Diño, DJ Durano, Arlene Muhlach, Alora Sasam, Diego Loyzaga, Nikki Bagaporo, Alexandra Macanan, Noemi Oineza, Ryle Paolo Tan, at si Miss Gloria Diaz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN