Royette Padilla arrested for alleged gun-firing incident

Ayon sa sinumpaang salaysay ng complainant na si Evelyn Bernardo, hindi niya pinansin si Royette Padilla nang kausapin siya nito dahil tila nakainom ang dating aktor. Ngunit tila ikinagalit daw ito ni Royette kaya bigla itong nagwala, nagpaputok ng baril, at pilit siyang kinukompronta noong Sabado ng hapon, March 22.


Arestado ang dating aktor na si Royette Padilla, 52, matapos itong ireklamo ng kapitbahay, sanhi ng diumano’y pagpapaputok ng baril ng aktor.

Sa ulat ng Journal Online ngayong araw, March 24, inilahad nina Efren David, 64, at Evelyn Bernardo, 34, sa kanilang sinumpaang salaysay na dalawang beses nagpaputok ng baril si Royette sa labas ng kanilang bahay sa Pasak Street, Redwood Villas, sa Clark, Pampanga.

Bunsod nito, sinampahan nila si Royette ng reklamong grave threat at paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Si Royette ay nakatatandang kapatid ng action star na si Robin Padilla, ng aktor na si Rommel Padilla, at ni Rustom Padilla, na ngayon ay kilala bilang BB Gandanghari.

THE INCIDENT. Ayon kay Bernardo, bandang 5:40 p.m. noong Sabado, March 22, nang bigla siyang kausapin ng kapitbahay na si Royette habang ito ay nasa labas ng kanilang bakuran.

Noong mga oras na iyon ay nasa kusina si Bernardo kasama ng dalawa niyang anak na babae, na may edad 8 at 11 taong gulang, at isang kasambahay.

Lahad niya, “Parang lasing siya kung magsalita. Ang ginawa ko, hindi ko siya pinansin dahil takot po kaming kausapin siya dahil alam na namin na nagpapaputok ng baril.”

Tila ikinagalit ni Royette ang pagsasawalang-bahala sa kanya ni Bernardo kaya bigla umanong nagalit at nagwala ang aktor.

Kuwento pa ni Bernardo, sinubukan niyang umiwas sa gulo kahit pa pinagbantaan siya ni Royette na ilalagay siya nito sa loob ng sako.

“Umiwas na lang ako at pumasok kami sa dining room. Nang uupo na kami sa table, nakarinig kami ng putok ng baril…

“Nakita namin na pumasok siya sa garahe at nagpipilit na pumasok sa screen door at malakas na sumisigaw ng ‘Labas ka! Magpakita ka!’”

Pagkatapos ay muli umanong nagpaputok ng baril si Royette at tumama ang bala nito sa screen door ng bahay ni Bernardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa puntong ito, agad na nagtago sina Bernardo, ang dalawa niyang anak, at isang kasambahay sa sala.

Tumawag si Bernardo sa Clark Development Corp. (CDC), na agad nagpadala ng grupo ng public safety personnel upang magbigay ng saklolo.



ROYETTE’S DETENTION. Nadatnan ng mga opisyal ng CDC si Royette sa harap ng bahay nito at inakosta ang aktor, hanggang sa dumating ang mga awtoridad na umaresto rito.

Isang walang lamang bala ng 9mm na baril at isang baluktot na bala ang natagpuan sa labas at loob ng bahay ni Bernardo.

Sa kabila nito, mariing itinanggi ni Royette ang alegasyong nagpaputok siya ng baril sa bahay ng kanyang kapitbahay.

Hindi pa rin nahahanap ng pulisya sa ngayon ang diumano’y ginamit na baril ni Royette.

Ngunit base sa pagsisiyasat ni City Prosecutor Mark Oliver Sison noong Linggo ng umaga, March 23, mayroong probable cause upang arestuhin si Royette.

Inirekomenda rin ng prosecutor na manatali si Royette sa ilalim ng kustodiya ng awtoridad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN