Liza Diño and Aiza Seguerra sorting out wedding details

About their wedding sponsors, the betrothed couple had so far approached one person, the one Aiza Seguerra and Liza Diño want most, the one who will choose their ring, Sylvia Sanchez, whom Aiza fondly calls Nanay Ibyang. Aiza says, "Ever since and even before I proposed, she was really there talaga. She gives us advice."


Isa si Liza Diño sa cast members ng bagong primetime series ng ABS-CBN na Mira Bella.


Sa press conference ng programang ito last week ay sinamahan si Liza ng kasintahan niyang si Aiza Seguerra.

Sa pagbahagi ni Liza sa entertainment press tungkol sa kanyang dream wedding, hindi naiwasan ni Aiza na isingit ang sarili sa masayang kuwentuhan.

Plano ng dalawa na magpakasal sa US sa susunod na taon, 2015.

Umpisa ni Liza, "I know this is gonna be so cheesy, pero pareho talaga kami ng gusto... "

Singit ni Aiza sabay tawa, "Akala ko pa naman sasabihin mo, ’Basta kasama ko si Aiza!’"

Excited na patuloy ni Liza, "Sinabi ko sa kanya, ayoko ng masyadong stiff, yun din ang gusto niya.

"Ang dream wedding ko is just to be with family na happy sa akin, nakuha ko na yun.

"Gusto ko, intimate."

Pabirong sabat ni Aiza, "Three hundred, intimate ba yun? Ang intimate sa akin, fifty!"

Natawa rin si Liza bago sinagot si Aiza: "Hindi yung wedding, yung reception na yung 300.

"Yung wedding, as much as naging public yung relationship namin, we wanna be with people who really support and really love us.

"Sa awa ng Diyos, napakarami naman ng taong ganoon sa amin."


DETAILS. Mahusay raw ang kinuha nilang wedding coordinator at may ideya na raw sila kung saan ang venue ng wedding nila at hindi ito sa beach.

"Gusto ko nature, very natural surroundings.

"Even nga my flowers, ayoko nung parang nasa sa vase, gusto ko yung parang binungkos lang siya.

’’Yung para lang nakita ko siya sa tabi, ’Ay, mga halaman!’"

Magkano ba ang budget ni Aiza sa wedding nila ni Liza?

"A, sikreto," ngiti ng singer-actress. "Sabihin natin mga P20,000... joke lang.

"Siyempre yung mga ganoong detalye, sa amin muna."

Salo naman ni Liza, "Basta kami, we’re very specific with what we want.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si ’Groomsy’ na ang tawag ko sa kanya [Aiza], siya kasi yung partikular, e.

"Kasi ako, I never experienced being proposed to.

"I never experienced going down the aisle na talagang buong pamilya.

"I got married in Las Vegas, so talagang it was very different."

Ano ang napili nilang motif sa wedding?

Saad ni Liza, "Earth tones, pero siyempre I love the flamenco.

"That’s one of the things I’m very passionate about.

"That’s also one thing that describes us both so may touch of red."

Wala pa naman daw ideya si Liza kung sino ang gagawa ng gown niya.

"Pero may mga suggestion na yung malapit sa akin."

At si Aiza, kanino siya magpapagawa ng suit niya?

Biro nito, "A, sa SM siguro!

"Hindi, hindi ko pa alam.

"Like what she said, may mga peg naman na kami kung ano’ng mga gusto namin.

"Nagte-text ako sa kanya kung anong ilaw ang gusto ko, kung anong bulaklak."

Singit ni Liza, "Pati centerpiece, meron ’yan [peg] si Aiza, souvenirs, anong look.

"I think pareho kasi naming pangarap ’to, e, to have this really happen."

Seryosong saad ni Aiza, "More than anything, it’s not just the getting married part that I am excited about.

"It’s me getting married to her."

NANAY IBYANG. Sino ang principal sponsors na kinuha nila for their wedding?

Sabi ni Liza, "A, meron na kaming kinausap."

Singit ni Aiza, "Mga isa."

Pero hindi raw ito si Vic Sotto, na kilalang malapit sa dating child star.

Ayon kay Liza, "May mga tao na, ever since, nandiyan sila nung start pa ng relationship namin.

"Hindi maiiwasan na yung iba, taga-showbiz, dahil kay Aiza."

Pahayag naman ni Aiza, "Isa pa lang talaga ang nakausap namin, si Nanay Ibyang [Sylvia Sanchez].

"Siya rin ang pipili ng ring.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ever since and even before I proposed she was really there talaga.

"She gives us advice."

Si Sylvia ang gumaganap na ina ni Aiza sa daily soap ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart.



EXPOSED. Paano nila hina-handle ang relasyon na masyadong napapag-usapan in public?

Ayon kay Aiza, "Well, we are very public with each other, siguro yun’yung kaibahan, e.

"We are public not because gusto naming maging public yung relationship namin.

"Kasi kapag nagpo-post kami ng Instagram sa isa’t isa, dedication namin yun para sa isa’t isa.

"Parang competitive kaming dalawa, ’A, nag-post ka ng ganyan, ha. Ako rin magpo-post.’

"Yun yung practice namin and it works so much.

"Kasi ganoon pala yung feeling kapag araw-araw sinasabi mo sa taong mahal mo yung nararamdaman mo at that very moment.

"Hindi kami ganoon ka-showy."

Binalingan ni Aiza ang kasintahan sabay halakhak, "So, gaano mo kamahal si Aiza?"

Mabilis na tugon ni Liza, "Beyond words.

"I guess that’s why it’s easy for us to post on social media.

"Alam ko na talagang lahat ng mga tao, nagbabasa noon.

"At ang pinakagusto kong magbasa noon, siya [Aiza].

"So, yun. Yun talaga ’yon."



AMARA. Samantala, kasama nina Aiza at Liza sa iisang bubong ngayon ang anak ng huli na si Amara.

Lahad ni Aiza, "We made sure na she understands na hindi kumonti yung mga taong nagmamahal sa kanya kundi dumami pa.

"Sa mom side niya, sa dad side niya. And now she has another side, my side.

"So, kumbaga dumami, mas masaya."


Saan nanggaling yung ganoong klase ng level of understanding ng anim-na-taong-gulang na bata?

Natatawang sagot ni Aiza, "Well, I think it came from the mouth!"

Seriously, "No, no, because I think Liza is very understanding.

"Never niya akong bineybi na kausapin, even we fight, they fight like adults, too."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad naman ni Liza tungkol kay Amara, "Umpisa pa lang, pinaintindi ko sa kanya na hindi ibig sabihin pinapalitan na ni Aiza yung role ng dad niya.

"I tell her, ’You can only have one dad, pero puwede ka to have more than one parent.

"’Kasi ang parent, ang ibig sabihin noon, yun ang nagpro-provide, nagmamahal sa ’yo, binibigyan ka ng care

"’And it doesn’t necessarily have to be your biological parents.’

"Kasi siyempre, may mga tanong siya, e.

"Mararamdaman mo yun na biglang mag-iiba yung reaksyon niya kay Aiza."

Dagdag naman ni Aiza, "We sat down witth her also and she asked and I knew that time medyo ano pa siya...

"I talked to her. I said to her, ’You know what, I will never replace your dad. But I want you to know that even if you are not my real daughter, I love you the same.’

"Kumbaga, yun lang, we always shower her with love."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN