Sarah Geronimo inspired by love story of Yeng Constantino and fiancé

Sarah Geronimo on the engagement of close friend Yeng Constantino: “Nakaka-inspire ang love story nila, naiinggit talaga ako.”


Aminado si Sarah Geronimo na naiinggit siya sa love story ng malapit niyang kaibigan na si Yeng Constantino.

Kamakailan ay ipinaalam ni Yeng sa publiko ang engagement nila ng kanyang boyfriend na si Victor Asuncion.

Read: Yeng Constantino is engaged!

Nang tanungin tungkol dito, bahagyang natawa si Sarah at sinabing, “Naiinggit ako.”

Paliwanag ng Pop Princess, “Siyempre, naiinggit ako sa love story nila, first boyfriend niya si Yan at first girlfriend niya si Yeng.

“Pareho silang Christian, pareho sila ng paniniwala sa Diyos.

“Nakaka-inspire ang love story nila, naiinggit talaga ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Sarah sa Pyromusical Competition sa Seaside Boulevard, SM Mall of Asia, Pasay City, noong Sabado, March 22.

Nang banggitin ang iba pang ikinasal na sa mga mainstay ng ASAP, napaisip si Sarah, “Napakabilis ng panahon.

“Hindi ko nga naiisip na marrying age na pala ako, 25.

“Pero siyempre, kailangan pag-isipan talaga nang mabuti dahil lifetime commitment ’yan.

“Ipinagdadasal naman ’yan.”

Handa na ba si Sarah magkaroon ng sariling pamilya?

“Siyempre naman darating at darating tayo sa pagkakataon na magkakapamilya and, hopefully, mabibiyayaan ng sariling anak.

“When? Siguro, sana in my early 30s or before mag-30.

“Siyempre, lahat naman po yata… Kanya-kanya ‘yan.

“Ako, oo naman, I’d like to have my own family.”

Pag-uulit pa ni Sarah sa huli, “Hindi mo naman masasabi kung kailan darating. Bahala na si Lord.”

Sa ngayon, may usap-usapan na magkarelasyon na sina Sarah at Matteo Guidicelli, subalit nananatiling tikom ang bibig ng parehong Kapamilya stars.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN