Mayor Herbert Bautista assures Quezon City will be declared "City of Stars" within the next two years

Tiniyak ni Mayor Herbert Bautista na sa loob ng dalawang taon ay maisasakatuparan na ang pangarap ni German "Kuya Germs" Moreno na maging "City of Stars" ang Quezon City.


Magkakaroon na ng katuparan ang matagal nang pangarap ng Master Showman na si German “Kuya Germs” Moreno na maging “City of Stars” ang Quezon City.

Isa si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa showbiz personalities na dumalo sa inauguration-launch ng panibagong branch ng Walk of Fame sa GMA Network Center kahapon, March 23.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media, inilatag ni Mayor Herbert ang proyektong "City of Stars" sa pinamamahalaang lungsod.

Saad ng actor-politician, “Nagpapasalamat tayo kay Kuya Germs for the long-long, very long initiative.

“Sinimulan niya ito sa Eastwood [City] at ngayon, nandito na sa tapat mismo ng GMA-7.

“Si Manay Ichu, the Vera-Perezes [isa sa mga anak ng producers ng Sampaguita Pictures] are also working doon sa area nila doon sa malapit sa Valencia.

“Ang Quezon City government, nakaplano na parang isang Hollywood Boulevard from GMA-7 hanggang doon sa kabilang istasyon [ABS-CBN], papaayos natin ito.

“Kaya ginagawa na yung kalye, et cetera, et cetera.

“So, eto talaga yung magiging puntahan ng mga artista at ng mga turista—both domestic, mga tiga-probinsiya, at mga galing sa abroad.”

LONG PROCESS. Base sa nakaraang interview ni Kuya Germs, noong ‘90s pa niya inilapit sa Quezon City ang proyektong “City of the Stars.”

Kahit naamendiyahan na ito ng local government, hindi ito agad na-implement at ngayon lang ito matutupad.

Read: Kuya Germs reveals sentiments about proposal to make Quezon City the "City of Stars"

Bakit natagalan bago aksyunan ang project?

Tugon ni Mayor Herbert, “Programa kasi ‘yan, e. Hindi naman siya deklarasyon lang.

“Kailangan lang masusing pinag-aaralan, ina-identify kung saan.

“Hindi siya ganun kadali.

“So, pinu-programa ’yan, inaayos ‘yan, na-identify yung lugar.

“Una, etong part na ‘to, supposed to be sabi nila sa Tomas Morato.

“Na-identify itong Timog hanggang sa makarating sa dulo.”

Kailan maidedeklara ang Quezon City bilang "City of Stars"?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Within the next two years,” sagot ni Mayor Herbert.

Magkano kaya ang guguguling pondo para rito?

Saad ng alkalde, “Yun nga ang inilalapit namin sa local government. Inilalapit din namin sa iba pang mga sector.

“Siguro, ‘yan yung magkakatabi na buildings na ‘to [Timog area], they should also help us.”

SURPRISE FOR KUYA GERMS. Sa isang naunang panayam ay ibinulalas ni Kuya Germs ang maliit niyang himutok tungkol sa "City of Stars."

Aniya, naiinip na siyang magawa ang kanyang dream project para sa mga kapwa niya artista—ang bigyan ang mga ito ng tribute.

Kaya ikinagulat ni Kuya Germs ang naging deklarasyon o pagbabalita ni Mayor Herbert sa kanyang speech na pagma-materialize na ng project.

Paliwanag naman ni Mayor Herbert dito, “Hindi niya alam. Binubuo ko pa siya, e.

“Sabi ko sa kanya kanina, ‘We will invite you and show you what will happen in this part of Quezon City.

“’Then you can now encourage yung mga tao, yung mga negosyante, ‘etong GMA-7 at yung kabilang istasyon—ABS CBN and TV5, all the other TV stations—to invest into this part of the Quezon City.”

Nakausap niya na ba ang mga TV network na ito?

Sagot ni Mayor Herbert, “Hindi pa. Meron kami noong nakaraan, pero hindi pa buong programa.”

Paniniguro naman niya, “Definite na ‘yan. Kaya lang nakuha lang namin yung program niya three or four weeks ago…”

IMPLEMENTATION. Paano gagawin itong programa ito? Ano ang mga babaguhin sa paglalagyan ng Walk of Fame?

Sabi ni Mayor Herbert, “Siyempre, aayusin muna yung kalye. Maglalagay ng mga halaman.

“Mag-a-identify ka ng mga areas where na puwede kang maglagay ng istatwa… mga National Artists muna—Dolphy, FPJ…

“Meron kang lugar na pang-director. Nandun sina Lino Brocka. Nasa isang lamesa na parang nagmi-meeting sina Mike de Leon…”

Isa rin sa mga ninanais ni Kuya Germs ay ang isunod ang mga pangalan ng mga artista sa kalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ni Mayor Herbert, “Puwedeng gawin siguro ‘yan sa Kamuning.

“Kasi yung kalye diyan, K-1, K-2, mga ganun lang.

“Pero kunwari dito sa part ng Tomas Morato? Hindi puwede, kasi ‘yan yung Jamboree people, Boy Scouts ‘yan, e.”

Magiging mahirap ba ang proseso para magawa ang programa?

“Well, siguro kaya. But we have to indentify who.

“For example, ilalagay mo ba si FPJ, e, meron siyang kalye sa Del Monte. He’s a National Artist.

“Nagkausap kami ni Senator Grace [Poe, anak ni FPJ]. She would be working na ma-declare yung area na ngayong Del Monte, puwedeng tawaging Fernando Poe Jr. Avenue.

“E, national road yun, e, and he’s a National Artist.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN