Elmo Magalona and Janine Gutierrez admit mutual attraction to each other

Elmo Magalona is asked to describe his relationship with Janine Gutierrez like it were in Facebook. Single, in a relationship, or it’s complicated? "Happy, happy," he replies from his own script.


Live na nag-guest sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona sa StarTalk kahapon, Linggo, March 23.

Diretso agad silang tinanong kung ano ang status ng relasyon nilang dalawa ngayon.

Sagot ni Elmo, “Well, we’re both happy naman.

“We’re both happy and ini-enjoy namin yung time namin together.”

Sinegundahan naman ito ni Janine.

Kung ikukumpara sa FaceBook, ano ang status nila? Single, in a relationship o it’s complicated?

“Happy, happy,” sagot ni Elmo.

May balita na kapag nasa Sunday All Stars silang dalawa ay lagi raw si Elmo sa tabi ni Janine, kahit na magkaiba ang dressing rooms nila.

Depensa naman ni Elmo, “Teka, ide-defend ko lang ang sarili ko.

"Same dressing room kami and siyempre, andun sila Lovi [Poe], sila Heart [Evangelista], meron din silang sarili nilang puwesto dun.

“So ako, pumuwesto ako kasama si Janine.”

MUTUAL ATTRACTION. Nagsimula lang nga ba ang lahat sa tuksuhan?

Sabi ni Elmo, “Hindi naman. Nagsimula siya siguro nung mas nagkakausap kami and I got to know her more.”

"Yes" agad-agad ang sagot ng binata kung attracted na ba siya kay Janine bago pa sila tuksu-tuksuhin ng mga tao sa paligid nila.

Mutual ba ang feeling?

“Yes” din ang sagot ni Janine.

Sabi pa ng dalaga, “Kasi siyempre, we got to know each other more when we were spending a lot of time with each other sa show.

"So, ayun, nakilala ko nga siya nang mas mabuti ngayon.”

Sa Party Pilipinas pa lang daw noon ay magkakilala na sila, ayon pa kay Elmo.

“Dito lang talaga sa Villa Quintana kami mas nagkaroon ng time magkausap and iyon.”



BEYOND PHYSICAL. Ano ang pinakagusto ni Elmo kay Janine bukod sa physical looks?

Sagot niya, “She’s easy to be with ’tsaka masaya siyang kausap.

"She’s funny, she’s caring, mabait din siya.”

Ano naman ang nagustuhan ni Janine kay Elmo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng dalaga, “I like that he’s spontaneous.

"’Tsaka yung attitude kasi niya medyo go with the flow na yung masu-surprise ka.

“’Tsaka no matter what you’re doing, for sure it’s gonna be fun kung magkasama kayo.”

Pinilit ang dalawa na umamin na sila na nga.

Pero sabi ni Elmo, “Siguro, we’re just happy.

“For me, ako, gusto ko pang makilala si Janine.

"And iyon, mas ine-enjoy ko lang talaga yung time na nakakasama ko siya sa work and outside.

“And I’m just lucky to be doing Villa Quintana with her.”

STOLEN KISS. Sa isang panayam sa direktor ng Villa Quintana na si Gina Alajar, nabanggit nito na nakita niyang magka-holding hands at sweet sina Janine at Elmo.

Natatawang sagot naman ni Elmo, “Nagre-ready lang naman kami sa eksena! Ganun lang talaga kami ka-close.”

Paano naman maipapaliwanag nito na sa isang malungkot na eksena sa Villa Quintana ay nahuli ng kamerang napangiti si Elmo matapos halikan sa lips si Janine habang comatose?

Gumaganap sila bilang sina Isagani at Lynette sa naturang GMA drama series.

Pahayag ni Elmo, “Hindi ko napigilan, e.

“As in, hindi ko alam may kamera sa gilid ko.

"Eksena, pero hindi naman ako kita from behind, pero nakita, e!”

Napangiti siya dahil nagustuhan niya ang paghalik kay Janine?

Tumawa lamang si Elmo bilang reaksiyon. “Paano ba i-describe yun?”

Ano ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon kaya siya napangiti?

“Siguro hindi niya aakalain na gagawin ko yun, na na-surprise ko siya.”

Paano niya ide-describe ang lasa ng labi ni Janine?

“Paano ba? Sweet, sweet, sweet just like her. Sweet.”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Janine nang nakita niyang napangiti si Elmo matapos niya itong halikan?

Sabi ni Janine, “Natatawa ako, natatawa talaga ako nun.

"Talagang sinusubukan ko na lang na hindi mag-smile kasi nga malungkot dapat yung eksena.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baka naman sinadya ni Elmo iyon para inuulit-ulit ang take ng naturang eskena?

“Wala, ganun na, e, naipalabas na!” at tumawa ang young actor.

From one to ten, ten being the highest, ano ang posibilidad na maging sila?

Pahayag ng young actress, “Siyempre mataas, mataas.

"I mean, ayaw naman namin na pangunahan ang kahit ano.

"Kasi we’re just enjoying our time together.

“Mataas talaga.”

Para naman kay Elmo, “Ten! Kung ako lang, ha, ten!”



FAMILY. Naipakilala na raw ni Elmo si Janine sa ina niyang si Pia Magalona at mga kapatid.

Kuwento ng binata, “Nagkita na sila, my mom and then some of my siblings, nagsama na kami before.

"Ayun, nagustuhan naman nila how Janine is.

"And natutuwa sila na most of the time, siya yung nakakasama ko.”

Ayon naman kay Janine, nakilala na rin ng pamilya niya si Elmo.

“Yes, they like him and masaya sila na kami ang magkasama sa show and that we get along, so ayun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN