Marian Rivera breaks own record of most-attended FHM autograph-signing session

Marian Rivera on breaking her own record in having the most number of autgraphed FHM magazines: “Siyempre nakakataba ng puso kasi sinabi nila na na-break ko ulit yung record... ang dami ko uling napirmahan ’tapos mixed yung tao.”


Hindi inalintana ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang pangangalay ng kanyang kamay matapos pirmahan ang halos isang libong kopya ng March 2014 issue ng FHM Philippines.

Bilang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya, nagpaunlak muli si Marian ng isang autograph-signing session na ginanap noong Sabado, March 22, sa Robinson’s Movieworld sa Ortigas, bago tumulak sa FHM Bikini Heaven pool party sa Solaire Resorts and Casino sa Parañaque City.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Marian, ikinatuwa nitong hindi lang mga kalalakihan ang pumila para makapagpa-autograph sa kanya.

Maging ang mga babae at nakababatang fans ay matiyagang naghintay upang makakuha ng kanyang autograph.

Wika ni Marian, “Yun ang nakakatuwa, kasi last year sa FHM, siyempre ine-expect mo men’s magazine, so halos lahat ng pupunta, lalaki.

“Pero last year, mixed din siya, e.

"So, nangyari ulit siya ngayon—may bata, matanda, mga babae, lalaki—so mixed din siya.

“So, nagpapasalamat ako na ganun yung nagmamahal sa akin, na hindi lang specific na dahil men’s magazine siya ay panglalaki na.

“So, thank you sa mga nagtiyaga at sa mga pumila na mapirmahan ko yung magazine nila.”

Paliwanag pa ng aktres, “Siguro depende sa ginagawa, like ngayon, ginagawa ko yung Carmela, so iba naman yung crowd nun.

“So, nakakatuwa na nagmi-mix silang dalawa [babae at lalaking fans].”



BREAKING RECORDS. Nasira ni Marian ang sarili niyang record sa pinakamaraming napirmahang kopya ng magazine.

Nitong Sabado, tinatayang humigit-kumulang 800 fans ang matiyagang pumila para sa kanyang autograph at mahigit 1,000 kopya ng magazine ang napirmahan ni Marian.

Aniya, “Natuwa ako, kasi sabi, breaking the record ulit ako ngayon.

“Siyempre nakakataba ng puso kasi sinabi nila na na-break ko ulit yung record.

“’Tapos ang dami ko uling naprimihan ’tapos mixed yung tao.”

Unang nag-pose si Marian sa FHM noong January 2013 para sa 150th issue nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umabot sa mahigit 700 fans ang pumila para makapagpa-autograph sa kanya.

Naitala ng men’s magazine na noon daw ang pinakamaraming tao na pumunta sa autograph session ng kanilang cover girl.



SEXIEST WOMAN. Biniro rin ng press si Marian kung nangampanya na rin ba siya para maging 2014 FHM’s Sexiest Woman.

Natatawang sagot ni Marian, “Very light lang!”

Pero aniya, wala siyang balak i-promote ang sarili upang iboto bilang pinakaseksing babae sa Pilipinas para sa 2014.

Ibinibigay na raw niya sa readers ng FHM Philippines ang desisyong ibigay muli sa kanya ang titulong ito.

Ani Marian, “Naku, sila na’ng bahala kung iboboto nila ako.”

Ready na ba siyang rumampa muli kung sakaling siya ang tanghaling FHM’s Sexiest for 2014?

Maiksing tugon ni Marian, “Depende.”

Tinanong din ng press kung ano ba ang ginagawa ni Marian upang mapanatili ang kanyang sexy figure.

Sagot ng Carmela star, “Well, nagmu-Muay Thai ako, nagzu-Zumba ako.

“Ako, sumayaw lang ako, okay na ako.”



THE ENGAGEMENT. Samantala, inusisa rin ng press kung engaged na nga ba si Marian sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

Matagal-tagal na ring umiikot ang balitang ito, ngunit ayon kay Marian, hindi pa sila engaged ni Dingdong.

Hindi naman daw niya ipagkakait sa fans na ipaalam ang espesyal na bagay na ito.

Aniya, “Pag nangyari yun, hindi ko naman ipagkakait ’yan sa inyo. Sasabihin namin iyan.”

Gaya nang huling panayam kay Marian, naghihintay lang siya ng tamang panahon dahil may nais pa raw siyang gawin bago sila magpakasal ni Dingdong.

“May mga gagawin lang muna ako, pero pag nagawa ko na yun, masasabi kong okay na.”

May plano na ba sila ni Dingdong na bakasyon sa darating na Holy Week?

Sagot ni Marian, “Wala pa. Depende sa Carmela kasi naghahabol kami ng taping, e.

“Pero for sure ’yan meron, at if ever meron kaming lakad, nasa Instagram ko naman yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi naman akong nagpo-post.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN