Mark Anthony Fernandez denies his marriage is on the rocks and he’s fallen back to drug use

With rumors flying that all’s not well in his marriage, Mark Anthony Fernandez, father of four, pleads for privacy as he and his wife are working out the hiccups in their union.


Hindi man umabot si Mark Anthony Fernandez sa mismong inauguration ng Walk of Fame na inilagay sa palibot ng GMA Network Center, sinikap pa rin ng aktor na makarating dito.

Pawisan at humahangos siya nang bumungad sa lobby ng GMA na siyang naging reception area ng nasabing okasyon noong Linggo, March 23.

Wala man daw ang kanyang pangalan sa orihinal na Walk of Fame sa Eastwood, Libis, Quezon City, kabilang naman siya sa Kapuso stars at iba pang personalidad na naging bahagi ng GMA na naroon ang pangalan sa palibot ng GMA compound sa Edsa at Timog Avenue.

“Sobrang saya! Sobrang saya! I’m honored and thankful. It’s a humbling experience,” saad ni Mark nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sabi pa ng aktor, “So talagang historic. Personally, for me, it’s historical.

“Na-late nga lang ako, pero at least, nakarating pa rin.

"Naipit kasi ako sa traffic dahil may nagbanggaang sasakyan."

Napapanood ngayon si Mark sa primetime series ng GMA na Rhodora X. Bida rito si Jennylyn Mercado, at tampok din sina Mark Herras at Yasmien Kurdi.

“Okey naman ang takbo ng taping. Maganda yung script at magaling yung direktor namin.

“Dito lang muna ako sa Rhodora X naka-focus.

"Kasi yung demand ng soap, medyo mabigat.

“Para sa sarili ko, mahirap kung may isasabay akong ibang trabaho.

"Kaya dito muna ako magku-concentrate,” pahayag ni Mark Anthony.

Ginagampanan ni Mark ang role ni Nicko Ledesma. Sa istorya ay in love siya sa character ni Yasmien, na kapatid naman ni Jennylyn.

ON THE ROCKS? Kuntento naman daw si Mark sa takbo ng kanyang acting career ngayon. Medyo lumungkot lang ang mukha nito nang matanong kung kumusta naman ang kanyang pagiging family man.

“Mabuti naman. ‘Yon nga lang, siyempre hindi kami….” at hindi na itinuloy ni Mark ang sasabihin.

Tila binawi na lang niya ito sa sumunod niyang pahayag: “Pero okey naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey naman yung apat na anak ko.

"Fifteen [years old] yung panganay, 14 yung pangalawa, 11 yung sumunod, ’tapos yung bunso… bago pa lang.”

Baby pa lang ang ibig niyang sabihin.

Napapabalita nitong mga nakaraang buwan na may problema sa pagsasama nila ngayon ng kanyang asawa. Totoo ba ito?

Tugon ni Mark, “Hindi naman. Okey lang.

“Natsitsismis lang na on the rocks na ang relasyon namin.

"Pero, tsismis lang ‘yon.

“There’s no truth to the matter.

"And… baka puwedeng huwag na lang nating pag-usapan ‘yon,” lambing niyang pakiusap.

Dagdag ni Mark, “Basta… medyo complicated ng konti. Hanggang dun na lang ang masasabi ko.”

OFF THE WAGON. May isa pang hindi magandang isyu tungkol kay Mark—bumalik diumano siya sa pagda-drugs.

Sabi niya tungkol dito, “Napag-uusapan nga namin ‘yan ng kapatid kong si Vandolph, e.


"Sabi ko, sana malinaw ko yung mga ganyang bagay.”


Hindi ba sumasama ang loob niya na sa kabila ng nasimulan niyang pagbabagong-buhay, heto at nagkakaroon na naman ng ganitong negatibong usapin tungkol sa kanya?

“Hindi naman.

"Basta ang sa akin, malinaw ko lang ang tungkol dito.

“Hindi ako affected, oo.”

Okey rin daw ang relasyon nila ng kanyang inang si Alma Moreno at nagkakausap sila.

Sabi ni Mark, “Hindi kami masyadong nagkikita, pero nagti-text kami lagi.

“Nagku-confide ako sa kanya minsan ng tungkol sa mga nagiging problema ko.”

Naisi-share din ba niya sa ina ang nagiging problema nila ngayon ng kanyang asawa?

Tugon ni Mark, “Yung mga iba kong problema, pero hindi yung tungkol sa amin ng wife ko.

“Pagdating sa anumang problema namin ng asawa ko, mas gusto kong sa aming dalawa na lang ‘yon.

"Kaming dalawa na ang mag-aayos nun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN