Andi Eigenmann explains contradicting statement of Jake Ejercito about their real score

Andi Eigenmann on Jake Ejercito: “Palagi ko pong hinihingi na respetuhin yung privacy namin ni Jake. E, hindi naman po siya celebrity. So, he’s not obligated to share his personal life to the world if he doesn’t want to, if he’s not comfortable.”


Hindi pa rin malinaw sa marami kung ano ang estado ng relasyon ngayon ng aktres na si Andi Eigenmann at ni Jake Ejercito.

Ito ay sa kabila ng pagpu-post nilang dalawa sa Instagram ng mga larawang sila ang madalas magkasama, maging sa pagbibiyahe sa ibang bansa.

Na tila nagkukumpirma na nagbalikan na nga sina Andi at Jake.

Sa panayam ni Boy Abunda kay Andi sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, March 23, tinanong agad ang young actress kung ano nga ba ang real score sa kanilang dalawa ngayon ni Jake.

Nakangiting sagot ni Andi, “Sabi niya, friends daw kami.

“I think, rather than answering, I would like to take this opportunity to, I guess, defend Jake somehow.

“Kasi ang akala ng mga tao, nagkaroon kami ng konting alitan noong sinabi ko na, ’Maybe, we’re considered a couple.’

“At the same night, sinabi niya na ’We’re just friends.’

“Gusto ko lang pong linawin na yung ganun po kasi, sa amin, kung ano ang nangyayari sa buhay namin, kung ano ang nangyayari sa aming dalawa, e, sa amin na po yun.

“Palagi ko pong hinihingi na respetuhin yung privacy namin ni Jake.

"E, hindi naman po siya celebrity.

“So, he’s not obligated to share his personal life to the world if he doesn’t want to, if he’s not comfortable.”

Si Jake ay anak ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Pero ayon kay Boy, sinasagot naman ni Jake ang mga tanong na ibinabato rito ng media.

Natatawang sabi ni Andi, “I know, but he’s like, ‘What’s happening, what’s happening?’”

Masasabi bang mas protective si Jake sa relasyon nila kaysa sa sarili nito?

“Yeah, and I believe, I would have to agree on that na hindi naman po sumama yung loob ko rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, para sa akin po, kung ano ang kumportable si Jake na sabihin at kung anuman po ang kaya ni Jake na ibahagi sa mga tao, kailangang respetuhin po natin yun.”

Tinanong ba niya si Jake o narinig lang niya ang sagot nitong “friends” lang sila?

Saad ni Andi, “No, I just found it in the news, but I didn’t take it against him.

“Kasi, para sa akin, yun nga, palagi niyang sinasabi ‘to na, ‘Sabi ko, friends tayo, pero nakikita rin naman ang mga post ko sa Instagram that we’re always together.’

“So, basically, it’s what you see, what you get.

“So, para sa akin po, ako lang, sadyang vocal lang ako na tao and it’s not hard for me to be open.

“Kaya yung mga sinasabi namin, hindi nagtutugma.

“Pero, in a way, yes, para sa akin, kung malito ang mga tao, pasensiya na.

“Para sa akin, yun nga, hindi madali na sasabihin ko lang ang side ko, sa kanya hindi…

“But it doesn’t mean na one-sided or anything.

“It’s just that na we’d like to keep it kung anuman ang meron sa amin po, sa amin na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN