Kris Aquino turns down indie film; reacts to comments by her Instagram followers

Pinanghihinayangan ni Kris Aquino na hindi niya matanggap ang panibagong alok na indie project sa kanya dahil sa kanyang schedule. Ito na ang pangalawang indie film na tinanggihan ng Queen of All Media. Nauna na rito ang Barber’s Tales na napunta kay Eugene Domingo.


Pinanghihinayangan ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang indie movie na inalok sa kanya ng radio and TV personality na si Arlyn dela Cruz.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (@krisaquino214), ibinigay ni Kris ang kanyang rason kung bakit hindi niya tinanggap ang naturang indie movie, kahit na sa tingin niya ay isa itong napakagandang obra.

Saad niya, “I was offered a beautiful, moving & powerful material for an indie film slated to join the Barcelona Film Festival. Last year I was offered an excellent role but it required me to shave my head.

“Over the weekend @ramsayderek11 [Derek Ramsay] called me because he had spoken w/ Ms Arlyn & he loved her pitch & wanted to connect us because the project felt like a worthwhile challenge. Boy [Abunda] & I met w/ her last night & her script was superb.

“Unfortunately the movie’s production timing is immediate & there’s no way to juggle my schedule to make shooting possible...

"I am extremely grateful to have been considered & it would have been memorable to share the screen w/ Derek... Hopefully another opportunity will come.

“Best of luck to Maratabat! 👍👏🙏”

Kaakibat ng mensaheng ito ni Kris ang litrato ng working script ng Maratabat (Dangal at Karangalan).

Ang tinutukoy naman ni Kris na “excellent role” na inalok sa kanya noong nakaraang taon ay ang pelikula ng award-winning writer-director na si Jun Lana, ang Barber’s Tales.

Napunta ang role kay Eugene Domingo.



“I’LL KEEP MY FINGERS CROSSED.” Labis ding pinanghihinayangan ng Kapatid star na si Derek Ramsay na hindi umayon ang schedule ni Kris para sa nasabing pelikula.

Katunayan, nakipagkita pa si Derek kay Kris noong nakaraang linggo para sa naturang proyekto.

Komento niya sa post na ito ni Kris: “It would have been a great experience to work with you @krisaquino214.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Kris: “@ramsayderek11 I agree! I look forward to seeing your Dad on Friday. Enjoy your family bonding today! J J

Sagot ni Derek: “I really want to do this project. I told my manager to make it a priority.

“It’s a project with so much meaning!

“I’ll keep my fingers crossed that my sked will permit me to do it and I hope your sked will open up for you to do it. J @krisaquino214”



“NAKAAPAK SA LUPA BUT NOT HUMBLE…” Marami ring mga tagahanga sina Kris at Derek na nanghinayang sa hindi pagtanggap ng TV host-actress sa proyekto.

Pero may ilang fans na nagparating ng kanilang mga komento tungkol kay Kris na sinagot naman nito.

Ayon kay @tessgemini: “I’m 1 of ur million fans miss kris,,,,always watching ur shows everyday…but feeling disappointed when I watch k@a tonight,,,pls don’t make laugh and dpa tinuloy.. comment about the guy who jumped(MRT)…ordinary people have a lot of stress and problems everyday in their lives… not like u,,,you born rich and famous…sorry for this comment.”

Tugon ni Kris: “Yes @tessgemini I shall be better & more compassionate today.”

Ayon naman kay @bonzileng: "@krisaquino214 people say you’re humble so please show your humbleness. It really shows in the way you talk and your facial expression that sometimes you’re not. Don’t get me wrong, I like you and your personality but just saying…"

Sagot ni Kris, “@bonsileng nope, not humble. Naka apak sa lupa but not humble, hehehehe”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN