Rica Peralejo does not miss showbiz: "I don’t know if I’ll ever go back."

Marami raw adjustments na pinagdadaanan si Rica Peralejo at asawang si Joseph Bonifacio sa pag-aalaga ng kanilang two-month-old baby na si Philip Nathaniel. Pero ang pinakamahalaga daw sa lahat,lumalaking malusog ang kanilang panganay na anak.


Magta-tatlong buwan na sa April 17 si Philip Nathaniel Peralejo Bonifacio, ang anak ng aktres na si Rica Peralejo at asawa nitong si Joseph Bonifacio.

Isang proud mommy nga si Rica sa kanilang baby ni Joseph, na makikita sa araw-araw niyang pagpu-post ng updates sa kanyang Instagram account (@ricaperalejobonifacio).

Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rica sa opening ng flagship store ng Old Navy sa The Fort, noong Biyernes, March 21.

Sabi niya tungkol sa pagiging full-time mom niya ngayon, “Okay naman, very happy.”

ADJUSTMENTS. Ano ang adjustments niya ngayong lumalaki na ang kanyang baby?

Sagot ni Rica, “Siyempre marami.

"First, baby... siyempre no sleep, ’tapos kailangan talagang pipiliin mo ang mga pupuntahan mo.

“I can’t even stay there because it’s too loud for my baby.”

Paano naman kaya si Mister?

Tugon niya, "Well, siya rin, kasi he works.

"Even after his work, he still has to attend to the baby, parang extra effort pa ‘yan.

“So, lagi kaming puyat.

"‘Yan yung mga adjustment for this season of our lives.”

Kasama ni Rica ang mister na si Joseph at ang kanilang baby nang makausap namin siya.

Habang nangyayari ang panayam ng PEP kay Rica, abala naman ang mister niya sa pag-alaga kay Philip.

Kumusta naman si baby Philip?

Pahayag ni Rica, “He’s fine, he’s growing really well.

"He’s very healthy, so salamat kay God, kasi that’s all you can ano lang naman, e, pray for around this time.

"That he will grow well, that he will be healthy."

May petsa na ba ang binyag ni Philip?

Ayon kay Rica, “Wala pa. Siguro our dedication will happen siguro months pa from now.”

May mga napili na ba silang ninong at ninang?

“A, meron na kaming mga naiisip, pero hindi pa talaga fully parang napagdedesisyunan.”



NOT MISSING SHOWBIZ. Sa pananalita pa lang ni Rica, sobrang fulfilled na ito sa kanyang pagiging ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ba ay wala pa siyang balak magbalik-showbiz?

Pag-amin ni Rica, “Yeah, ’tsaka kasi, parang showbiz for me is not anymore a priority talaga.

“I don’t know if I’ll ever go back.

"Maybe I will, maybe I won’t.

"Pero it’s not something na parang may plano ako.

“Hindi ko pinaplano na, ’O, sige, after a while, babalik ako, ganyan.’

"Parang I would rather write. Yun.”

Bukod sa pag-aalaga sa kanilang anak, nagsusulat din si Rica sa isang national daily, sa ilang magazines, at sa kanyang personal blog.

Hindi ba niya nami-miss ang showbiz?

Sagot ni Rica, “Hindi.

"Well, nami-miss ko yung mga katrabaho, yung craft, pero yung mismong the whole world, no, I don’t.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN