Vin Abrenica on real score with Sophie Albert: "Ako ang unang aamin kapag napasagot ko na siya."

Vin Abrenica on Sophie Albert: “Si Sophie, talagang very special siya sa puso ko. Hindi naman magbabago ‘yon. Pero pareho kami na work muna ang priority.”


Nami-miss na raw ni Vin Abrenica na muling makatrabaho ang nali-link sa kanya at co-winner sa Artista Academy na si Sophie Albert.

Pero okey lang naman din daw kung sa ngayon ay may kanya-kanya muna silang pinagkakaabalahang trabaho.

Ayon pa kay Vin, regular pa rin naman silang nagkikita. Kapag parehong may time, lumalabas daw sila kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

Sila rin nga ni Sophie ang magkasamang dumalo sa 5th Golden Screen TV Awards na ginanap noong Biyernes, March 21, sa Teatrino, sa Greenhills, San Juan City.

“Great! Ako, I’m good dahil kapag kasama ko si Sophie, happy ako,” sabi ni Vin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang kumustahin sila ng dalaga.

Ano na ba ang real score sa likod ng closeness nila?

Tugon ni Vin, “Si Sophie, talagang very special siya sa puso ko. Hindi naman magbabago ‘yon.

“Pero pareho kami na work muna ang priority.”



LIKE HIS KUYA ALJUR? Ganito rin ang kadalasang nagiging pahayag noon ng nakatatandang kapatid ni Vin na si Aljur Abrenica kapag nauusisa tungkol kay Kylie Padilla.

Matagal bago nagawang aminin ng Kapuso hunk na mag-on na sila ng anak ni Robin Padilla.

Hindi kaya ganun din si Vin, na gusto muna niyang ilihim ang totoong estado ng relasyon nila ni Sophie?

Tugon ng Kapatid star, “Ako naman kasi, talagang gusto ko munang mag-focus sa work.

“Kasi magtu-two years pa lang ako sa showbiz, e.”

Kamakailan ay nagkaroon ng iringan sa pagitan nina Aljur at ni Geoff Eigenmann, pero nagkausap at nagkaayos na ang dalawa.

Ang pinag-ugatan ng nasabing alitan ay ang pagpapadala diumano ng text messages ni Geoff kay Kylie, na naging leading lady ng aktor sa katatapos na primetime fantasy series ng GMA na Adarna.

Labis diumanong ikinaselos ito ni Aljur, kaya sumama ang loob nito kay Geoff.

Ngunit tumangging magbigay ng pahayag tungkol dito si Vin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t wanna discuss it since it’s my brother’s private life.

“Pero, to think about it, I got hurt kasi he’s my brother.

“Ayoko naman sana na nasasaktan ang mahal ko sa buhay, or something like that.”

Nakikita naman daw naman niyang talagang mahal nina Aljur at Kylie ang isa’t isa.

Sabi ni Vin, “Si Kylie, she is so quiet. Tahimik lang talaga siya.

“’Tapos, ang gusto ko sa kanya, she’s always there for my brother.

“Nakikita ko na kapag may problema si Kuya or he’s going through something, kasama niya lagi si Kylie.”



EXCLUSIVELY DATING? Si Sophie kaya, kapag nabalitaan niyang may ibang aktor na pumuporma, sasama rin ang kanyang loob o magseselos siya?

Nakangiting tugon ni Vin, “No. Okey lang naman ‘yon sa akin, e. Wala namang problema sa akin, e.

“Hindi ako magtataka dahil alam kong marami naman siyang suitors, e.

“At saka hindi pa naman kami.

“We’re close because we’re friends.”

Are they exclusively dating?

Sagot ni Vin, “No, but we go out with friends.

“We make it a point to go out minsan, kahit mga once a week lang.”

Naipakilala na ba niya si Sophie kay Aljur at sa kanilang pamilya?

“Oo naman. Matagal na nilang kakilala si Sophie.

“Yes, matagal na. And, okey naman… okey naman.”

Bagay at mukhang compatible naman sila ni Sophie. Ano kaya ang nakakapigil para ang magandang samahan nila ngayon ay mauwi na sa seryosong relasyon?

Saad ni Vin, “Sa amin kasi, yung spark and magic, e.

“And siguro, ako ang unang aamin kapag napasagot ko na siya.

“Kaya lang, sa tanong mo kung ano ang nakakapigil, maybe it’s our work.

“Para sa akin, focus lang muna talaga sa work.”



BEKI BOXER. Bukod sa gag show na Tropang Unli, may bagong project si Vin sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay ang Beki Boxer kung saan siya ang magiging love interest ng bida ritong si Alwyn Uytingco.

Sabi ni Vin, “Ipapakita namin dito kung ano talaga ang buhay ng isang aspiring na boksingero, pero bading nga siya.”

First time niyang gumanap sa isang role na magkakaroon ng kaugnayan sa isang bading. Paano niya ito pinaghandaan?

“Ako naman naman kasi, sa story, hindi ko naman alam na bading siya. So, I don’t have to prepare for it.

“Ang role ko naman dito, may kaibigan nga ako na hindi ko alam na bading. Akala ko, lalaki rin siya.”

Ano kaya kung sa kanya in-offer yung role ni Alwyn bilang boxer na bading, maging game kaya siyang gampanan ito?

Sagot ni Vin, “Siguro I wanna establish myself first.

“Gusto kong ma-establish bilang si Vin Abrenica na ‘tulad naman ni Alwyn, na established na siya as Alwyn Uytingco.

“Gusto ko ma-establish muna rin ako bilang si Vin Abrenica bago ako gumawa ng ganung klase ng role.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN