Maja Salvador on ending rift with Kim Chiu: "Gugulatin na lang namin kayo."

“Believe lang tayo…” sagot ni Maja Salvador tungkol sa posibilidad na pagkakaayos nila ng dati niyang malapit na kaibigan na si Kim Chiu. Dugtong pa ni Maja, “Kasi magkakasalubong at magkakasalubong lang kami.”


Wala raw problema kay Maja Salvador na makaharap si Kris Aquino.

Si Kris ay kilalang malapit kay Kim Chiu, na dating matalik na kaibigan naman ni Maja.

Nagkaroon ng hidwaan sina Maja at Kim noong 2013 nang maugnay si Maja sa dating boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.

Read: Kim Chiu on rumored romance of Maja Salvador and Gerald Anderson: "Parang nalungkot lang ako kasi yung taong sinabihan ko nung time na down ako dun sa… yung parang kinain niya lang yung sinabi niya.”

ON GOOD TERMS WITH KRIS AQUINO. Ani Maja, “love” niya si Kris at walang problema kung mag-guest man siya sa late-night talk show nitong Aquino & Abunda Tonight.


Dalawang linggo na ang nakararaan, nag-guest si Gerald sa talk show nina Kris at Boy Abunda.

Pinuri ni Kris si Gerald dahil alam niyang hindi madali ang pagharap ng aktor sa kanya dahil “panganay na anak” ang turing ng Queen of All Media kay Kim.

Pahayag ni Maja tungkol dito, “Totoo naman na close din si Tita [Kris] kay Kim, so walang dapat paglabanan sa kung sino ang mas close kay Tita Kris.

“Ang importante do’n, okay din kami ni Tita Kris.

"Yun nga lang, mas nakakasama talaga niya si Kim.

“Ako kasi, since every day ang taping ng The Legal Wife, hindi ako nakakapag-guest sa kanya.”

Bukod sa Aquino & Abunda Tonight, may morning program din si Kris, ang Kris TV, kung saan madalas maging guest si Kim.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Maja sa press conference ng kanyang upcoming album, ang Maja Believe, na ginanap sa Sir Boy’s Food Republique, sa Panay Avenue, Quezon City, kaninang tanghali, March 2.

POSSIBLE RECONCILIATION. Nang usisain si Maja kung nagkasundo na ba sila ni Kim mula nang magkaroon sila ng hidwaan, ang makahulugang sagot ng actress-turned-singer:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In time. Magugulat na lang kayo.

“Gugulatin na lang namin kayo, ’Ay, okay na pala sila!’”

Sundot na tanong ng PEP kay Maja: Nagbukas na ba muli ang komunikasyon sa kanila ni Kim?

Sagot niya, “Believe lang tayo, baka in time [magkausap na kami].

“Kasi magkakasalubong at magkakasalubong lang kami.

“Isang taon na ‘yon.

“Tao din lang kaming lahat na puwede kaming magpatawad at puwede kaming mag-start ulit, at puwede naming i-accept yung sitwasyon namin ngayon, ganun lang.

“Matatanda na rin kasi [kami].

"Ikaw mismo, alam mong piliin kung ano ang dapat mong i-let go at hindi."

Pinaghahandaan ba niya ang pagkakataong iyon?

“Oo naman, I was born ready,” ani Maja.

Ano ang una niyang sasabihin kay Kim?

“Hindi ko alam, hindi mo maiisip, ’di ba?

“Ang magagandang nangyari sa buhay, ang unexpected situations, at mga moments.”

J. LO OF THE PHILIPPINES. Samantala, inamin ni Maja na kailangan pa niyang patunayan ang sarili bilang isang singer ngayong may debut album na siya sa ilalim ng Ivory Music & Video.

Sabi niya, “May kaba. Kasi, parang, ’Karapat-dapat ba ako sa music industry?’

“Siyempre, may tanong din po, isang malaking step po sa akin ito.

“Isang malaking desisyon ang pagpasok sa music industry.”

Pag-amin din ni Maja, may mga taong hindi tanggap ang pagpasok niya bilang isang singer.

“Pero masaya ako na may na-discover ako na bago kong talent na kailangan kong ayusin at pagpraktisan talaga.

“Nakagawa ako ng album na maisi-share ko talaga.

“Masarap pala ang feeling na may album at may kanta ka na nagawa at masi-share mo sa ibang tao.”

Pakiusap ni Maja, “Sana pagbigyan niyo ako na, ’eto po ang sa akin.

"Di ko kayang bumirit, di po ako ang diva talaga.

"Pero I’m very happy sa ibinigay na single ng Ivory Music kasi ibinagay sa anong kakayahan meron ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inusisa rin ng PEP kung anong image ang gustong makamit ni Maja bilang isang singer.

Tugon niya, “Sinabi ko sa kanila, since kilala ako sa pagsasayaw, gusto ko sana danceable nga [ang music].

“Sabi nila, ‘Mag-step-by-step muna.’ Parang pag andun na, ano pa ang aabangan nila?

“So, eto, dahan-dahan muna.

"Pero isa pang sinabi ko, parang J. Lo [Jennifer Lopez]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN