Robin Padilla posts intriguing birthday message for mom Eva Cariño-Padilla

Tila ramdam sa mensahe ni Robin Padilla ang kalungkutan para sa inang si Eva Cariño-Padilla sa kaarawan nito, marahil dahil sa bagong gusot na kinasasangkutan ng nakatatandang kapatid ng aktor na si Royette Padilla.


Mukhang ramdam sa mensahe ni Robin Padilla ang lungkot para sa ika-78 kaarawan ng inang si Eva Cariño-Padilla noong March 23.

Marahil, ito ay bunsod ng panibagong gulo na kinasasangkutang ng nakatatandang kapatid ni Robin na si Royette Padilla.

Naaresto si Royette, 52, dahil sa reklamo ng mga kapitbahay nitong sina Efren David at Evelyn Bernardo.

Ito ay dahil dalawang beses daw na pagpapaputok ng baril ni Royette sa labas ng kanilang bahay sa Pasak Street, Redwood Villas, Clark, Pampanga.

Dahil dito, sinampahan ng mga ito si Royette ng reklamong grave threat at paglabag sa Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

Read: Royette Padilla arrested for alleged gun-firing incident

Mensahe ni Robin, 44, para kay Mommy Eva, na ipinost niya sa kanyang Instagram account (@robinhoodpadilla):

“Maligayang kaarawan sa iyo mahal na Ina, bagamat Wala man katapusan ang mga kalungkutan sa iyong kapalaran, ang Panginoong Maylikha ay hindi ka pinababayaang maghikahos sapagkat ang iyong pananalig sa Diyos ang iyong lakas at matibay na sandalan,hanggang sa kasalukuyan ay nag iisa mong itinatawid ang kalapastangan ng iyong mga anak patungo sa tama at moral na landas.

“Dasal ko sa kataastaasang nagiisang Dios na dumating din ang oras na tunay mong makamit ang bawat pangarap mong katahimikan sa lahat ng iyong mga Anak,Kapatid at mga Apo.mahal na mahal namin kayo @evacarinopadilla .......................Maraming maraming salamat sa iyo @marieltpadilla @rafaelsazon @kaye_garcia at Lola Mae sa pagsasaayos ng pagtitipon na ito para sa aming pinakamamahal na Ina.”

Kalakip nito ang larawan ng ina na nakatayo sa harap ng isang hapag-kainan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN