Vice Ganda posts photo with Senator Nancy Binay on Instagram

Vice Ganda posts photo with Senator Nancy Binay (inset) with this caption: “Love! Love! Love!”


Tila naayos na ang nakaraang isyu sa pagitan nina Vice Ganda at Senator Nancy Binay.

Patunay nito ang ipinost na larawan ni Vice, kunsaan kasama niya si Senator Binay, sa kanyang Instagram account (praybeytbenjamin) kagabi, March 25.

Ang larawan ay kuha mula sa birthday party ni Bernard Cloma, na kilalang malapit sa malalaking celebrities.

Inilagay pa ni Vice sa caption: "Love! Love! Love! Happy Birthday @bernardcloma !!! 💋💋💋@nancybinay"

Nagsimula ang isyu sa pagitan ng It’s Showtime host at ni Nancy nang magbigay ng komento noon ang una tungkol sa pagpasok sa pulitika ng huli.

Sa press conference para sa concert niya noong nakaraang taon, tinanong si Vice kung anong posisyon ang gusto niya sakaling pumasok siya sa pulitika.

Sagot niya, “Doon na ako sa President.”

Pagkatapos ay ipinaliwanag niya, “Yung walang background, puwedeng iboto.

“Parang yung mga pulitiko ngayon, wala ngang background [sa politics].”

Bilang halimbawa, binanggit ni Vice ang pangalan ni Nancy, anak ni Vice President Jejomar Binay at noo’y tumatakbo pa lamang bilang senador.

Dagdag pa ng Kapamilya comedian-host, “Walang political background pero senador agad. Puwede naman palang ganun.”

Read: Vice Ganda explains why he would prefer to run for President; cites Nancy Binay as example

Watch video: Flashback Friday: Vice Ganda’s Nancy Binay jokes

Sa kabila nito, nanatiling bukas naman si Senator Nancy na maayos ang isyu sa pagitan nila ni Vice.

Noong nakaraang panayam sa senadora, sabi niya, “I guess, matagal na rin namang tapos, ’di ba?

“Siguro may ilang bagay-bagay lang na hindi nalalaman ni Vice Ganda, so it’s high time to clear yung mga... ano ba yun? Yung misunderstanding kung bakit nasabi niya yung tungkol sa akin.”

Nabanggit din niyang posibleng maging kaibigan niya si Vice.

“Bakit naman hindi? In fact, we have common friends na nakakasama niya,” sabi ni Senator Nancy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Senator Nancy Binay willing to guest in Gandang Gabi Vice


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN