Was Kim Chiu’s tweet a reaction to Maja Salvador’s feeler on ending rift with her?

Ilang oras pagkatapos nailathala ang panayam kay Maja Salvador (inset) at sinabing bukas siya sa pakikipag-ayos kay Kim Chiu, isang tweet ni Kim ang pinag-usapan ng netizens na sinasabing reaksiyon niya umano sa naging pahayag ni Maja.


Mainit ngayong pinag-uusapan ng Netizens ang tweet na ito ni Kim Chiu sa kanyang Twitter account (@prinsesachinita) kahapon, March 25:

“Cge lang “promo” “promo” din pag may time…”

Ikinakabit kasi ng ilang Netizens ang tweet na ito ni Kim sa naging pahayag ng dati niyang kaibigan at kapwa Kapamilya na si Maja Salvador tungkol sa pagiging bukas niya sa posibilidad na magkaayos na sila.

Sinabi ito ni Maja sa launching ng kanyang debut album na Maja Believe mula sa Ivory Records, kahapon, March 25, at agad na nailathala rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pahayag ni Maja tungkol sa posibilidad na magkasundo na sila ni Kim:

“In time. Magugulat na lang kayo Gugulatin na lang namin kayo, ’Ay, okay na pala sila!’”

Dagdag pa ng actress-singer, “Believe lang tayo, baka in time [magkausap na kami].

“Kasi magkakasalubong at magkakasalubong lang kami.

“Isang taon na ‘yon.

“Tao din lang kaming lahat na puwede kaming magpatawad at puwede kaming mag-start ulit, at puwede naming i-accept yung sitwasyon namin ngayon, ganun lang.

“Matatanda na rin kasi [kami].

"Ikaw mismo, alam mong piliin kung ano ang dapat mong i-let go at hindi."

Read: Maja Salvador on ending rift with Kim Chiu: "Gugulatin na lang namin kayo."

Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa nang maugnay si Maja kay Gerald Anderson, na ex-boyfriend naman ni Kim.

Read: Kim Chiu on rumored romance of Maja Salvador and Gerald Anderson: "Parang nalungkot lang ako kasi yung taong sinabihan ko nung time na down ako dun sa… yung parang kinain niya lang yung sinabi niya.”



“PROMO”. Ilang oras lamang pagkatapos mailathala sa PEP ang pahayag ni Maja ay nag-post nga ng maikling mensahe si Kim sa kanyang Twitter account.

Inisip tuloy ng ilang nakabasa ng post na reaksiyon ito ni Kim sa pahayag ni Maja na bukas na siyang makipag-ayos sa dating matalik na kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabura na ang nasabing post ni Kim sa kanyang Twitter feed, subalit bago pa man ito mawala ay may entertainment websites nang nakapansin at ibinalita ang nasabing post.

MIXED REACTIONS. Iba-ba naman ang naging reaksiyon ng Netizens sa kontrobersiyal na tweet na ito ni Kim.

Pero karamihan sa kanila ay nag-isip na patama ito ni Kim kay Maja.

Sa Instagram account ni Kim (@chinitaprincess), may mga nagkomento na kumampi at tumuligsa sa dalawang panig.

Sabi ng ilang kritiko, hindi sila pabor sa ginawa ni Kim, at sa ginawa raw niya ay siya ang mapapasama.

Ipinagtanggol naman si Kim ng kanyang mga tagasuporta at pinayuhan na huwag na lang mag-react sa nasabing isyu upang hindi siya magamit para sa publicity stunt ng ibang artista.

May mga nagkomento ring huwag na lang sanang banggitin ni Maja ang pangalan ng ibang artista upang hindi maakusahang gumagamit ng ibang tao para sa promotion ng kanyang album.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN