Anne Curtis: “If there is something bad or unfortunate that happens in my life, I won’t let it stop me.”

Malaki ang pasasalamat ni Anne Curtis na kahit nasangkot siya sa isang hindi magandang insidente noong nakaraang taon ay pinagkakatiwalaan pa rin siya upang mag-endorso ng iba’t ibang uri ng produkto.


Kabi-kabila ang endorsements at proyektong natatanggap ni Anne Curtis ngayong 2014.

Ito ay sa kabila ng “unfortunate event” na kinasasangkutan nito bago magtapos ang taong 2013.

Read: PEP EXCLUSIVE Anne Curtis survives embarrassing night out with friends; says sorry and is forgiven, all on the same day

Kagabi, March 26, inilunsad si Anne bilang bagong endorser ng CreamSilk conditioner, sa ginanap na CreamSilk @ 30 sa Puerta Real Garden, Intramuros, Manila.

Bakit napakaraming blessings pa ring dumarating sa kanya sa kabila ng isyung pinagdaanan niya?

Nakangiting tugon ni Anne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, “I don’t know, but I’m just very, very grateful.

“If there is something bad or unfortunate that happens in my life, I won’t let it stop me.

"I keep on pushing and striving to be the best person that I can be [in] pursuing my dream."

Sa lahat ng events na dinadaluhan ni Anne, palaging nauungkat ang hindi magandang pangyayari na kinasangkutan niya sa isang high-end bar sa The Fort noong November 23, 2013.

Pero very open na si Anne na sumagot kapag natatanong tungkol dito.

Aniya, “I guess I’ve always been open.

"It’s more of it’s over, so everyone’s moved on.

“And that makes me happy.”

Maituturing ba niyang isang “horrific” episode ito ng kanyang buhay?

Tugon nito, “Yeah, but you know, life goes on.

"And that’s what I mean when I say, you know, don’t let something like that put you down.

"You gotta keep on wanting to be the best person that you can be."

Natatawa naman ito nang mausisa tungkol sa mga leksiyong natutunan niya sa naturang “unfortunate event.”

Aniya, “You know, you’ve asked that already, so let’s move on.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN