Renz Valerio still gets projects from GMA despite "awkward stage"

Renz Valerio on his next acting project: “May niluluto na pong next project. And sabi po sa info, parang medyo mahirap yung role. As in mahirap daw, challenging po siya, kumbaga. Bawal pa po sabihin, e, niluluto pa lang po.”


Malaki ang pasasalamat ng Kapuso teen star at GMA Artist Center talent na si Renz Valerio sa kanyang fans dahil ang mga ito raw talaga ang nag-effort nang husto para manalo siya bilang Male Child Star of the Year sa PEPsters’ Choice Awards ng The PEP List 2013.

Sabi ni Renz, “Nakaka-overwhelm po dahil dito po, nalaman ko yung power ng social media and ng fans na talagang kaya nilang gawin yung… gagawin nila ang lahat para manalo ako sa isang kumpetisyon.

“Nag-push po talaga sila, sobra.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Renz sa presscon at announcement ng winners ng PEPsters’ Choice Awards na ginanap kahapon, Marso 27, sa Mango Tree Bistro, sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Aware naman daw si Renz na nominated siya sa pinanalunan niyang kategorya, pero hindi niya napagtuunan ito ng atensiyon para mangampanya.

“Noong nag-start po itong PEP List, nasabi na po sa akin ito.

“And hindi ko po siya masyadong napansin kasi nga po busy sa taping [ng Mga Basang Sisiw], may appointment ako every day, ‘tapos may school pa.

“Sabi po ng Renznatics, yung fans ko po, ‘Kami na ang bahala.’

“’Tapos nagulat po ako, bigla nga pong nag-text na ako na po ang nanalo.

“Wow, thank you po!

“Well, siguro po may ibang PEPsters din na bumoto kaya siguro talagang nakatulong.”



NEXT PROJECT. Nagsimula bilang child actor si Renz sa showbiz.

Pitong taong gulang siya nang gawin niya ang kanyang unang soap opera, ang Noel, na ipinalabas dati sa sister network ng GMA, ang QTV 11, na ngayo’y GMA News TV na.

Nakuha niya ang kanyang biggest break noong isang taon sa panghapong teleserye ng GMA, ang Mga Basang Sisiw, kung saan ginampanan niya ang panganay sa mga magkakapatid na bida sa serye.

Ano na ba ang susunod niyang project sa GMA?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Renz, “May niluluto na pong next project.

“And sabi po sa info, parang medyo mahirap yung role. As in mahirap daw, challenging po siya, kumbaga.

“Bawal pa po sabihin, e, niluluto pa lang po.”

Dahil mahirap nga ang susunod niyang role, anong paghahanda na ang ginagawa niya?

Ayon kay Renz, “Sa bawat role naman po na ibinibigay sa akin ng GMA, naghahanda po talaga ako na parang inaalam ko po bawat information na puwede ko pong makuha.

“Kasi kasama po yun sa pagiging aktor, e, parang check the background para doon sa character.”



AWKWARD STAGE. Natanong din ng PEP si Renz kung hindi ba siya nailang na Child Star Award ang nakuha niya kahit na teenager na siya sa edad niyang 14?

Sagot niya, “Hindi naman po, kasi marami pa naman po ang nagsasabi na mukha pa rin akong bata.”

Pero nararamdaman na ba niya yung pagtuntong niya sa tinatawag sa showbiz na “awkward stage” para sa mga child actor na ngayon ay teenager na?

“Opo, ‘eto na nga po yung awkward stage, e.

“Sabi nga po ng GMA Artist Center, nasa awkward stage daw po ako.

“And alam ko po na nasa awkward stage ako kasi hindi ko po alam kung matangkad na ba ako, maliit ba ako para sa age ko.

“Pero thankful po ako kasi kahit papaano, may show ako and nabibigyan po ako ng project.

“Thank you po sa Artist Center talaga.”

Siguro raw ay yung award niya sa PEP List 2013 ang huling award na makukuha niya bilang child actor.

“Kasi turning point po ito, e. So, itong award na nabigay sa akin, parang ito na yung sign na tama na sa pagiging tweetums, binata roles na.

“So, pagpapatangkad na, ganyan.”



LOVETEAM. Dahil gusto na nga niya ng binata roles, siyempre hindi maiiwasang magkakaroon na rin siya ng ka-loveteam. Sino ba ang gusto niyang maka-loveteam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Renz, “Loveteam? Ang gusto ko nga po sana si Ate Marian [Rivera]. Kaso nga po, hindi puwede.

“Siguro kahit sana makatrabaho ko na lang siya.

“Siguro po… ako naman po, kahit sino puwede kasi nasa chemistry po iyan, e.”

Sa mga kasabayan o kaedad niya, sino yung sa tingin niya may chemistry na siya?

“Sa mga ka-generation ko po ngayon? Hindi ko po alam, hindi ko po sure ito.

“Pero sa tingin ko po kasi, since may parang background na kami, may parang history na kami as friends, sila Bianca [Umali], Ashley [Samson], yun ang mga ka-batch ko po talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN