Aljur Abrenica now on good terms with Geoff Eigenmann

Aljur Abrenica also wants to apologize to Geoff Eigenmann’s manager Perry Lansigan who begrudges Aljur for his utterances that put Geoff in a bad light.


Nagkausap at nagkaayos na sina Aljur Abrenica at Geoff Eigenmann matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan dahil sa text messages na ipinadala diumano ni Geoff sa kasintahan ni Aljur na si Kylie Padilla.

Sabi ni Aljur, “Yeah, nakapag-usap kami, nasabi ko na din ito before.

"Nag-usap kami at natapos din yung usapan bilang magkaibigan.



“’Tsaka magkaibigan naman kami before pa."

Wala rin daw taasan ng boses nang magkausap ang dalawa.

“Wala po, wala pong away.

“Wala po akong sama ng loob ngayon, wala pong hinanakit.

"Wala po, okay na okay na po.

“Wala na po akong galit na nararamdaman, wala na,” saad ni Aljur.

Sino ang gumawa ng first move?

“Ako na po. Ako po yung gumawa ng first move.

“Tapos na po ito,” sabi ni Aljur bilang pag-iwas na sa mga katanungan pa tungkol sa isyu.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa pocket presscon ng Kambal Sirena kahapon, March 27, sa 17th floor ng GMA Network Center.



HARD FEELINGS. Saan ba nangggaling ang parang sama ng loob niya kay Geoff?

Paglilinaw ni Aljur, “Well, it’s not sama ng loob, e. I just have to say it, e.

“As a person, ’di ba, nadala ako ng emosyon ko.

"But I’m sorry, I’m sorry, kasi medyo nabigla ako, e.

“Kahit po ako, nabigla po ako sa sarili ko, e.

"Sa mga nasaktan ko, pasensiya na po, nadala lang ako ng emosyon ko.

"But ang pinakaimportante sa nangyari is, ako, may natutunan ako sa nangyari.

“Sana lahat may natutunan kami, and ang importante ngayon, nagmu-move kami, move on na.”

Ano nga ba ang natutunan niya sa nangyari?

“Ang natutunan ko, experience ko yun, sa akin na yun.

“We all learn from our mistakes, iyon naman ang importante.

“But I think, sana hindi na ako nagsalita.

"Pero hindi ako nagsisisi na nagsalita ako kasi ako yun, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng tao dumadaan sa ganung stage, e, bawat isa sa atin, e.

“So ako, hinarap ko siya. Yeah, hinarap ko, and sa moment na yun, kasi pinag-isipan ko talaga, e.

"Talagang sa tingin ko, tama naman yung ginawa ko, but sana hindi na ako nagsalita."



KYLIE’S REACTION. Ano ang naging reaksiyon ni Kylie sa pagsisiwalat niya ng kanyang hinaing?

“Puwedeng sa amin na lang po yun?” pag-iwas ni Aljur.

Hindi siya inaway ni Kylie?

“Wala pong away.”

Dahil daw ito sa mas mature na silang dalawa.

Naging mas matibay ba ang relasyon nina Aljur at Kylie o nagkaroon ng lamat?

Pakli ng aktor, “Ang masasabi ko lang diyan, after ng nangyari, I’m thankful na marami kaming natutunan sa nangyari.”



BAD BLOOD. May balitang ang manager ni Geoff na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment Inc. ay sumama ang loob kay Aljur dahil sa isyu.

Ano ang reaksiyon dito ni Aljur?

Saad niya, “Bilang isang tao, sorry, pero babanggitin ko na rin.

"I know it’s showbiz, pero nabasa ko rin kasi yung mga sinabi niya, and I know na nasaktan ko siya.

"So, I’m saying sorry. I haven’t texted him, siyempre nahihiya din ako, e.

“Actually, nahihiya ako sa nangyari, pero I learned from it.

"Buti nabuksan ninyo. Every night naiisip ko ’yan, every day, but I wanna say sorry to him.”

Wala pa rin daw silang komunikasyon ni Perry hanggang ngayon.

“Pina-process ko pa, e.

"Lalaki lang tayo, ang babae mabilis mag-ano ’yan, e.

"Ako, magpa-process pa ako, e, kung paano ko iha-handle.

“Pero I wanna say sorry. I wanna say sorry.”



ENZO PINEDA. Kung sina Kylie at Geoff ay naging magkapareha sa Adarna, sina Aljur at Louise delos Reyes naman ay magkatambal sa Kambal Sirena.


Ano naman ang magiging reaksiyon ni Aljur kung si Enzo Pineda, na boyfriend ni Louise, ang magselos sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ever since naman, sa lahat ng nakakatrabaho ko, I make sure na nandun yung respect.

“I always make sure that my loveteam is comfortable.

"First, I’m the guy. Ang lalaki kasi yung nagiging leader, e, sa pagiging magkaibigan, pagiging magkarelasyon.

“I’m not saying na I’m perfect, na magaling akong leader, I also make mistakes.

"But sinisiguro ko na bawat galaw ko is good leadership, lalung-lalo na sa ka-loveteam ko na may karelasyon ngayon.

“I respect that.”

Hindi rin daw siya nanghihimasok sa relasyon ng iba.

“I don’t! I even give, as much as possible, advice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN