Daniel Padilla warns Kathryn Bernardo’s future suitor: "Walang mangyayari sa kanya."

Daniel Padilla on his lovelife: "Sabi ko nga, wala ako dun sa hintay nang hintay na inaabangan ko. Ako kasi, kung ano ang moment ngayon, dun lang ako. Ayokong minamadali ang mga bagay. Kasi pag minamadali ang mga bagay, maraming mga hindi magandang nangyayari.”


Noong March 26 ay nagdiwang ng kanyang 18th birthday ang ka-loveteam ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo, pero ang aktuwal na selebrasyon ay magaganap bukas, March 29.

Isang aso ang iniregalo ni Daniel kay Kathryn para sa kaarawan nito.

“Aso ang binigay ko sa kanya, si Snow.

"Ang gusto niya talaga, Golden Retriever. Bibilhan ko sana siya e ayaw naman niya, kasi may nagbigay na pala sa kanya, isa yata sa endorsement niya.

"Dog lover talaga siya. Nakokonsensiya talaga siya pag di niya naaalagaan.

"Sabi ko, ’Sige, hindi ko na ibibigay,’ umiyak siya kasi baka daw yung aso nag-expect na makukuha na siya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Daniel sa presscon para sa kanyang concert kahapon, March 27.



RELIGION. Sa debut presscon ni Kathryn ay napag-usapan ang tungkol sa pagiging Iglesia ni Cristo ng young actress.

Malaking bagay sa mga kasapi ng INC na kapareho ng relihiyon ang magiging boyfriend o mapapangasawa nila.

Katoliko si Daniel kaya marami ang nagtatanong kung handa ba siyang magpa-convert ng relihiyon kung sila ang magkakatuluyan ni Kathryn.

Sagot ng young actor, “Kailan naging isyu ang relihiyon? Hindi naman issue ‘yan.

"Hindi lang tayo puwedeng magdesisyon ngayon.

"Sinabi nga sa relihiyon, hindi puwede, dahil hindi puwede, bawal ang ibig sabihin nun.

"So, hindi pa talaga puwede.

“Darating nga ‘yan, depende yan sa desisyon at mga pangyayari.”

Sa debut presscon din ni Kathryn ay sinabi nitong bagamat espesyal sila ni Daniel sa isa’t isa, hindi pa sila.

Puwede pa raw makipag-date sa ibang babae si Daniel kung gusto nito.

Pero ayon kay Daniel, wala sa bokubularyo niya ang mag-date o magkagusto pa sa iba.

Sabi niya, “Hindi, paano ka pa manliligaw, hindi na tama yun.

"Parang ibinigay mo na ang sarili mo sa isang babae, ’tapos manliligaw ka pa ng iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi gawain ng matinong lalaki yun."

Si Daniel ba ay payag kung sakaling may manligaw na iba kay Kathryn?

Sagot niya, “Okay lang naman, kaso masyadong maano na yung lalaki na yun kung liligawan pa niya si Kathryn.

"Walang mangyayari sa kanya [manliligaw], wala naman talaga.

“Binabakuran ko? Matagal na, matagal na rin nila itong maririnig.”

Hanggang kailan ba niya kayang maghintay para kay Kathryn?

Sagot ni Daniel, "Sabi ko nga, wala ako dun sa hintay nang hintay na inaabangan ko.

"Ako kasi, kung ano ang moment ngayon, dun lang ako.

"Ayokong minamadali ang mga bagay.

"Kasi pag minamadali ang mga bagay, maraming mga hindi magandang nangyayari."

SECOND CONCERT. Pagkatapos ng matagumpay na unang concert ni Daniel sa Smart Araneta Coliseum nung 2013, isa na namang concert ang pinaghahandaan muli ng young actor, ang Daniel Padilla Live in Araneta, na gaganapin sa April 30.

Sinabi nitong masaya siya sa pagkikita nilang muli ng supporters niya.

Sabi pa niya, "Kahit yung mga relatives na di ko masyadng nakikita, kaya excited ako, sobra.

"Parang mas sexy ito, e. Hindi ako yung sexy, yung mga kanta ang sexy."

Pero nagpauna na ang Kapamilya teen idol na mas maganda kung hindi na lang mag-expect nang sobrang taas ang kanyang fans para hindi na rin sumama ang loob ng mga ito pag hindi niya naabot ang inaasahan sa kanya.

“Wala naman akong balak higitan yun.

"Maganda yung una, mas gagandahan ko, gagalingan ko na lang.

"Ayoko lang yung baka mag-expect masyado, para hindi na rin kayo masyadong masaktan."

Isa sa special guests ni Daniel sa second concert niya ay si Rico Blanco. Bilib na bilib daw ang young actor dahil sa kahusayan nito sa pagkanta.

“Oo, grabe, talagang napakagaling niya.

"Ayoko ngang kumanta, gusto ko lang manood.

"Nung rehearsal, nanonod lang talaga ako.

"Wala namang tips, tinutulungan lang niya ako sa kinakanta namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN