Louise delos Reyes "mesmerized" by Aljur Abrenica’s looks: "Weakness ko talaga mga moreno."

" data-url="https://www.pep.ph/news/42926/louise-delos-reyes-mesmerized-by-aljur-abrenica39s-looks-weakness-ko-talaga-mga-moreno" data-desc="Louise delos Reyes says boyfriend Enzo Pineda watches Kambal Sirena, and serves as her critic." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96959f8ca.jpg">

How does the mermaid in GMA’s Kambal Sirena fare with the mermaid in ABS-CBN’s Dyesebel? Louise delos Reyes dismisses the comparison; confident that their show will do swimmingly in the slippery ratings game.

Sobrang tutok raw si Louise delos Reyes sa twin characters niya sa pinagbibidahang Kambal Sirena sa GMA kaya’t wala na raw itong panahong indahin ang pagkukumpara ng serye niya sa Dyesebel ng ABS-CBN.

"Focused talaga kaming lahat sa trabaho, yung buong production.

"Ginagawa namin ang best namin every taping day.

“Actually, nakakatuwang sabihin na si Direk Dondon [Santos], sobrang tutok siya sa script, sa editing, sa characterization ng mga roles, lahat.

“Sobrang hands-on siya, pati yung buong staff talaga.”

Sa pocket presscon ng Kambal Sirena noong March 27, sa GMA Network Center, binanggit ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Louise ang pagkukumpara ng show niya sa Dyesebel.

Tumawa muna si Louise bago sumagot, “Parang kung iko-compare talaga namin yung show namin dun, parang iyon yung nagiging standard ng tao na manonood, which is hindi naman totoo.

“Parang mas maganda kung mai-o-offer namin yung sobrang gandang show na walang pagkukumpara kundi yung lang talagang best na ginagawa namin.”

Hindi pa rin daw nito napapanood ang serye ni Anne Curtis na kasalukuyan nang umeere.

ON THE SET. Samantala, isang buwan nang nagte-taping si Louise at sanay na raw siyang maging sirena, "Minsan nga wala na akong pakialam e yung sa costume,” saka natawa si Louise.

Wala rin daw itong takot na magkaroon ng wardrobe malfunction tulad ng nip slip.

Tatlong patong raw ang proteksyon sa kanyang dibdib, “Meron akong nipple tape, meron akong leukoplast ’tapos meron akong isang silicon."

Dagdag pa niya tungkol sa kanyang costume, "Kapag magsusuot nga po ako ng buntot, feeling ko talaga, isda ako.

"So minsan nagkakaroon ako ng nuances na parang kapag naapakan nila yung buntot ko, ‘Aray, aray!’ Yung mga ganun.”

Mas nae-enjoy ba niya ang papel niya bilang sirenang si Alona kaysa sa kakambal nitong taong si Perlas?

“Parehas ko silang nae-enjoy.

"Nae-enjoy ko si Alona kasi may buntot siya so parang nakakatuwang i-flip-flip, ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos si Perlas naman, nae-enjoy ko yung love story niya, nakakakilig kasi.

“Parang yung ginagawa kasing istorya kay Kevin ’tsaka kay Perlas parang, ‘Hmmm ang sarap namang magmahal!’

“Nakakakilig!"

Si Aljur Abrenica ang gumaganap na Kevin sa teleserye.

MESMERIZED. Dalawang beses na silang nagkaroon ng kissing scene ni Aljur sa Kambal Sirena, paano itong humalik?

“Okay naman po, nailang tuloy ako,” sagot ni Louise.

“Okay naman po, masarap naman siyang humalik, malambot naman yung labi niya.”

Nailang ba siya habang kinukunan ang kissing scene nila?

“Kayo talaga... pero sinasagot ko talaga ang tanong ninyo,” at muling tumawa ang young actress at ipinahayag na, “Hindi naman po, hindi naman po ako nailang.”

Madalas na naka-topless o nakasando si Aljur sa role nito dahil may-ari siya ng isang ocean park.

Pero iniiwasan raw ni Louise na tingnan ang katawan ni Aljur lalo na kung nakahubad ito o naka-wetsuit.

“Ayoko na lang pong tingnan,” at muling tumawa si Louise.

“’Tsaka guwapo naman siya, so tinitingnan ko na lang talaga ang mukha niya, name-mesmerize ako.

"Kasi ako ha personally, isa din sa mga weakness ko talaga mga moreno.

“Hindi ako maka-tisoy kasi, ako, more on Asian, moreno, mga ganun.”

Mas lalong naging moreno si Aljur dahil nakabilad sila paratin sa araw.

“Mas nauna nga po siyang umitim sa akin,” dugtong ng dalaga.

Tungkol naman sa dati niyang ka-loveteam, ang mestiso na si Alden Richards, “Para pong masyado siyang pogi,” at tumawa muli si Louise.

Tungkol naman sa abs ni Aljur at sa boyfriend nitong si Enzo Pineda, “Mas visible yung abs ni Aljur kasi ang tagal na rin niyang nagwo-workout.

"Si Enzo, medyo naghahabol pa siya sa abs.

“’Tsaka siguro nasa body built na rin.

"May ibang mga tao kasi na hindi talaga tinutubuan ng abs, meron naman na konting exercise lang, putok na agad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO ISSUE. Nagkaroon ng isyu ng selosan si Aljur kay Geoff Eigenmann na naging leading man ng girlfriend nitong si Kylie Padilla sa Adarna.

Si Enzo ba ay hindi nagseselos kay Aljur?

“Wala naman, wala naman po, hindi,” ang mabilis na sagot ni Louise.

Sa katunayan, pinapanood daw ni Enzo ang Kambal Sirena, "...kung meron akong mga pagkukulang na puwede pang gawin para mas mapaganda yung show, yung character ko.

“Supportive naman siya.”

Hindi rin daw pumupunta sa set ng taping nila si Enzo at kahit si Kylie ay hindi rin daw dumadalaw sa set ng Kambal Sirena.

" data-url="https://www.pep.ph/news/42926/louise-delos-reyes-mesmerized-by-aljur-abrenica39s-looks-weakness-ko-talaga-mga-moreno" data-desc="Louise delos Reyes says boyfriend Enzo Pineda watches Kambal Sirena, and serves as her critic." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96959f8ca.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42926/louise-delos-reyes-mesmerized-by-aljur-abrenica39s-looks-weakness-ko-talaga-mga-moreno" data-desc="Louise delos Reyes says boyfriend Enzo Pineda watches Kambal Sirena, and serves as her critic." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96959f8ca.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42926/louise-delos-reyes-mesmerized-by-aljur-abrenica39s-looks-weakness-ko-talaga-mga-moreno" data-desc="Louise delos Reyes says boyfriend Enzo Pineda watches Kambal Sirena, and serves as her critic." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96959f8ca.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42926/louise-delos-reyes-mesmerized-by-aljur-abrenica39s-looks-weakness-ko-talaga-mga-moreno" data-desc="Louise delos Reyes says boyfriend Enzo Pineda watches Kambal Sirena, and serves as her critic." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96959f8ca.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42926/louise-delos-reyes-mesmerized-by-aljur-abrenica39s-looks-weakness-ko-talaga-mga-moreno" data-desc="Louise delos Reyes says boyfriend Enzo Pineda watches Kambal Sirena, and serves as her critic." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96959f8ca.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42926/louise-delos-reyes-mesmerized-by-aljur-abrenica39s-looks-weakness-ko-talaga-mga-moreno" data-desc="Louise delos Reyes says boyfriend Enzo Pineda watches Kambal Sirena, and serves as her critic." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96959f8ca.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42926/louise-delos-reyes-mesmerized-by-aljur-abrenica39s-looks-weakness-ko-talaga-mga-moreno" data-desc="Louise delos Reyes says boyfriend Enzo Pineda watches Kambal Sirena, and serves as her critic." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/96959f8ca.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN