Nadine Lustre on upcoming movie Diary Ng Panget: “It’s a make or break for me but...kaya naming itawid ‘to."

" data-url="https://www.pep.ph/news/42927/nadine-lustre-on-upcoming-movie-diary-ng-panget-its-a-make-or-break-for-me-butkaya-naming-itawid-to" data-desc="Nadine Lustre on Diary ng Panget leading man James Reid: "Madali naman siyang pakiusapan” and "may pagkamahiyain.&qu" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/562368455.jpg">

Nadine Lustre says she has mixed emotions about the April 2 showing of her launching movie, Diary ng Panget: "Kinakabahan din po ako pero, at the same time, mas masaya ako, mas excited ako."

Kabilang si Nadine Lustre sa mga talents to watch for ng VIVA Entertainment.

Patunay dito ang movie version ng best-selling novel na Diary Ng Panget kung saan ipinagkatiwala ng VIVA kay Nadine ang lead role na Eya.

Ayon sa newbie, nakakaramdam daw siya ng pressure "since ako nga si Eya, ako nga ang lead, medyo kinabahan din ako.

"Pero nagtiwala na lang ako sa sarili ko at sa VIVA dahil parang may tiwala rin sila sa akin na ako ang pinili nila.

“Kaya nag-trust na lang din ako na ginalingan ko talaga para hindi ko sila ma-disappoint.”

Sa pahayag ni Nadine sa pocket presscon ng pelikula sa VIVA office noong March 27, tila may mixed emotions ito sa nalalapit nitong opening day sa April 2.

Saad niya, "Kinakabahan din po ako pero, at the same time, mas masaya ako, mas excited ako.

“More on excitement kasi nakikita ko yung mga comments ng mga fans sa Twitter, sa Facebook na excited sila para sa amin [ni James Reid].

"So mas more on excitement."

WHY HER? Sa kabila ng pagti-trending ng loveteam nina Nadine at James Reid sa Twitter, may mga nagtatanong kung paanong naging bida siya sa Diary ng Panget.

Nakangiting sabi ng dalaga, “May nababasa ako na sinasabi, ’Bakit hindi kilala ang kinuha nila?’

"Pero meron din nagsasabi na, ’Okay lang ‘yan para iba naman, para meron namang fresh faces, para maiba naman at hindi yung palagi nating nakikita.’”

Dugtong pa niya, “Yung mga nakabasa naman po ng book, sinasabi naman po nila na bagay naman daw po sa akin ang role.”

Sa totoong buhay, kabaligtaran daw siya ng karakter niyang si Eya.

Sa edad niyang 20, hindi raw siya mahilig magsulat sa diary, “Dati po noong Grade 3 ako, parang may diary po ako pero hindi po talaga ako yung nagda-diary.”

Hindi rin daw siya ma-senti na tao, “Hindi po, kapag nase-senti po ako, music lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JAMES. Kumusta naman ang kapareha niya sa movie?

“Okay naman po,” nakangiti niyang sabi. “Si James naman po kasi, nagkaroon na rin siya ng loveteam sa showbiz.

"At ako rin po, nagkaroon na ng loveteam, si AJ Muhlach, sa P.S. I Love You.

"So meron na po kaming background, hindi na po mahirap mag-connect.

"Madali naman siyang pakiusapan.”

May pagkamahiyain raw si James.

“Opo nga,” natatawang sagot ni Nadine pero nasasakyan naman daw niya ito.

“Like sa shooting ng Diary ng Panget, nanonood po kami ng Misfits, series po siya sa United Kingdom. Yun po ang bonding namin.

"Nahawa po kami kay James na manood nun, pati sina Andre [Paras] at Yassi [Pressman].”

REEL TO REAL? Biniro namin si Nadine, mahal na ba niya si James?

“Mahal na po talaga agad?” natatawa niyang sagot.

“Hindi ko pa po talaga naisip yung mga ganun.

"Medyo cliché siya pero mas focused po ako sa work ngayon dito.

"Noon po kasi, nagkaroon ako ng Bagets, P.S. I Love You, parang hindi siya nag-take off."

Paliwanag nito, ngayong may pagkakataong maipakita nito ang kakayahan niya bilang artista, "Parang na-grab ko na siya, ayoko na siyang palagpasin.

"At saka sabi rin ni Boss Vic del Rosario, mag-focus muna ko.”

HER FUTURE. Pumirma rin ng sampung taong management contract sa VIVA si Nadine.

Ano ang plano sa para sa kanya ng VIVA? Maging another Anne Curtis kaya? O Sarah Geronimo bilang kumakanta rin siya?

Wika niya, “Hindi ko po alam. I sing and dance po, whatever they plan…

“Si Anne po kasi, medyo may pagka-daring ang dating niya.

"Si Sarah naman, wholesome ang dating niya.

"Si Boss Vic, talagang ang gusto niya, wholesome kasi."

Naniniwala si Nadine na ang Diary ng Panget ay maaring makasira o makabuo ng showbiz career nito.

Ayon kay Nadine, “It’s a make or break for me but then, ang VIVA... and I believe kaya naming itawid ‘to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi naman ni Boss, kahit hindi masyadong bumenta as long as kilala siya, makilala kami.

“After this, hindi ko pa po alam ano ang susunod kong gagawin, pero, mukhang marami naman po silang plans.”

" data-url="https://www.pep.ph/news/42927/nadine-lustre-on-upcoming-movie-diary-ng-panget-its-a-make-or-break-for-me-butkaya-naming-itawid-to" data-desc="Nadine Lustre on Diary ng Panget leading man James Reid: "Madali naman siyang pakiusapan” and "may pagkamahiyain.&qu" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/562368455.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42927/nadine-lustre-on-upcoming-movie-diary-ng-panget-its-a-make-or-break-for-me-butkaya-naming-itawid-to" data-desc="Nadine Lustre on Diary ng Panget leading man James Reid: "Madali naman siyang pakiusapan” and "may pagkamahiyain.&qu" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/562368455.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42927/nadine-lustre-on-upcoming-movie-diary-ng-panget-its-a-make-or-break-for-me-butkaya-naming-itawid-to" data-desc="Nadine Lustre on Diary ng Panget leading man James Reid: "Madali naman siyang pakiusapan” and "may pagkamahiyain.&qu" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/562368455.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42927/nadine-lustre-on-upcoming-movie-diary-ng-panget-its-a-make-or-break-for-me-butkaya-naming-itawid-to" data-desc="Nadine Lustre on Diary ng Panget leading man James Reid: "Madali naman siyang pakiusapan” and "may pagkamahiyain.&qu" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/562368455.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42927/nadine-lustre-on-upcoming-movie-diary-ng-panget-its-a-make-or-break-for-me-butkaya-naming-itawid-to" data-desc="Nadine Lustre on Diary ng Panget leading man James Reid: "Madali naman siyang pakiusapan” and "may pagkamahiyain.&qu" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/562368455.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42927/nadine-lustre-on-upcoming-movie-diary-ng-panget-its-a-make-or-break-for-me-butkaya-naming-itawid-to" data-desc="Nadine Lustre on Diary ng Panget leading man James Reid: "Madali naman siyang pakiusapan” and "may pagkamahiyain.&qu" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/562368455.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/42927/nadine-lustre-on-upcoming-movie-diary-ng-panget-its-a-make-or-break-for-me-butkaya-naming-itawid-to" data-desc="Nadine Lustre on Diary ng Panget leading man James Reid: "Madali naman siyang pakiusapan” and "may pagkamahiyain.&qu" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/562368455.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN