Marvin Agustin admits having no time for love: “Sad to say, my lovelife has to take a back seat for now.”

Marvin Agustin explains why he has no time for love: “Kung sa mga anak ko nga, nagkukulang na ako, magdadagdag pa ba ako? Tama na yung business, family, and career. Ang lovelife, madali na siguro ‘yan.”


Bagamat busy sa kanyang mga restaurant business, nagtitira pa rin daw si Marvin Agustin ng malaking oras para sa kanyang mga anak na sina Santiago at Sebastian na parehong siyam na taong gulang na ngayon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa actor/ entrepreneur noong March 20, sa pagbubukas ng 48th restaurant niyang Boqueria, aniya, “Ang bilis ng panahon, ‘di ba?

"Before, kinakarga ko lang ang mga kambal ko, ngayon puwede na nila akong kargahin!” tawa pa niya.

Tuwing weekends lang daw nakakasama ni Marvin nang buong araw ang kanyang kambal. Pero kahit nga raw weekends ay nagiging busy rin minsan si Marvin sa kanyang business.

“Yun ang naging arrangement ko with their mom, Tet. Weekdays and school days ay sa kanya ang mga bata at weekends, sa akin naman.

“Maayos naman lahat. Kapag hindi naman ako busy on a weekday at wala namang masyadong school work ang mga bata, pinapasyal ko sila.

“Bumabawi lang ako sa mga times na hindi ko sila makasama parati. Naiintindihan naman ng kambal ang mga ginagawa ko. Para sa kanila itong lahat na pinaghihirapan ko,” diin pa niya.

Inamin ng aktor na minsan ay nagi-guilty siya dahil pakiramdam niya, kulang ang panahon na naibibigay niya sa kanyang mga anak.

“Kapag naglambing na ang mga anak ko, sila ang uunahin ko.

“Kapag tinatawagan ako ng mga boys ko in the middle of a meeting, sinasagot ko kaagad kasi alam kong maglalambing na ang mga ‘yan sa akin.

“Minsan lang naman silang ganyan sa akin at kailangan pagbigyan ko sila.

“They are growing up very fast at sa susunod na pasukan, nasa Grade 5 na sila.

“Ang bilis talagang lumaki ng mga bata ngayon and we need to spend as much time as we can habang maliliit pa sila,” saad pa niya.

ENJOYING VILLAIN ROLE. Sa ngayon, ang pag-arte ang least of priorities ni Marvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman daw niya kinakalimutan ang kanyang hilig, na siyang dahilan para makilala siya. Kapag tumatanggap daw siya ng acting job, kailangan daw ay yung natsa-challenge siya para masulit naman ang oras na ibubuhos niya rito.

Kaya naman enjoy si Marvin sa pagganap niya bilang si Dr. Ramon Mendoza sa teleserye ng TV5 na Obsession.

Ayon kay Marvin, “Iba ang kaligayahan natin kapag umaarte tayo. Paminsan-minsan na lang tayo umarte ngayon, pero kapag may nagustuhan akong role, 100 percent ang commitment ko.

“Parag nasa ibang mundo naman ako. Iba ang mundo ng business at iba ang mundo ko with my kids.

“Tulad nga sa Obsession, it’s the baddest and the most challenging role I’ve done in a long time. Kaya kapag taping namin, excited ako kasi ibang trabaho naman ito.

“Bihira naman akong gumanap na kontrabida, e. Mga natatandaan kong mga villain roles ko before sa GMA-7 was in Asian Treasures, Beauty Queen, and Panday Kids.

“Itong sa Obsession, marami akong puwedeng gawin sa character ni Dr. Ramon kasi psychotic, neurotic, at sobra siyang obsessed talaga.

“Magagawa niyang manakit ng tao at hindi siya nakakaramdam ng anumang guilt sa katawan niya.

“Ganitong mga roles ang gusto ko. Tapos na tayo sa mga dating roles na ginagawa natin noon. We’ve all matured sa trabaho natin.”

LOVE "TAKES A BACK SEAT." Sa tanong kung may panahon pa ba si Marvin sa kanyang personal life, “zero” ang sagot nito dahil wala raw siyang maibibigay na panahon kung sakaling may girlfriend siya ngayon.

“It’s better na wala muna. Kasi isa pa siyang na ikaka-guilty ko kung wala akong maibigay na panahon.

“Kung sa mga anak ko nga, nagkukulang na ako, magdadagdag pa ba ako? Tama na yung business, family, and career. Ang lovelife, madali na siguro ‘yan.

“But I’ve gone out dating a couple of times. Okey naman pero alam mong hindi na mauulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s either I’m too busy to call her again or hanggang one date lang.

“Sa buhay naman, hindi lahat ibibigay ni Lord sa iyo.

“You can’t have it all. Meron ka pa ring isasakripisyo.

“Sad to say, my lovelife has to take a back seat for now,” pagtatapos ni Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN