Max Collins on comparison of her show Innamorata and Mira Bella: "...hindi kami magkalaban, pero iba rin yung kuwento."

Max Collins on why people assume that she and Pancho Magno are in a relationship: “Kasi siya lang yung dine-date ko.”


Sa hiwalay na panayam namin kay Luis Alandy, nasabi nito na lahat ng leading ladies sa Innamorata ay “taken” na o may karelasyon na.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na may boyfriend sina Jackie Rice at Gwen Zamora.

Pero si Max Collins ay walang inaamin na may relasyon na sila ni Pancho Magno.

Kaya nang makausap namin si Max noong March 28, sa taping ng Innamorata sa Cainta, Rizal, idiniin niya na wala raw talagang namuuong relasyon sa pagitan nila ni Pancho.

Bakit may mga nag-aakala na sila na nga?

“Kasi siya lang yung dine-date ko,” sagot niya.

Pero inulit niyang hindi pa raw sila. Ano ba ang pumipigil kay Max para sagutin si Pancho?

“Kasi wala akong time ’tsaka bata pa po ako,” dagdag niya.

Twenty-one years old lang si Max.

“So parang hindi pa ako ready na mag-ano... magseryoso sa relasyon,” paliwanag pa niya.

ON LUIS. Wala bang posibilidad na mahulog ang loob ni Max kay Luis na leading man niya sa Innamorata, lalo na’t single din ito ngayon?

“Parang hindi po kami bagay. Masyado siyang matanda para sa akin,” at tumawa si Max.

Thirty-two years old si Luis.

Baka ma-hurt si Luis sa sinabi niya, lalo pa at magkatabi sila ni Luis habang kausap namin si Max.

Aniya, “Sanay na siya sa akin.

“Mas okay na ano, friends lang kami.”

ON DION. Isa pa sa mga male lead stars sa Innamorata ay si Dion Ignacio. Ano ang pagkakaiba nina Luis at Dion?

“Si Luis kalog, kalog ito ’tapos si Dion, ano siya... mas ano, mas reserved si Dion pero ano, parang batang seryoso,” pagkumpara niya.

Samantala, parehong talents ng PPL Entertainment, Inc. sina Max at Dingdong Dantes, at kailan lamang ay nagtapos ng kolehiyo si Dingdong.

“Nakakatuwa kasi after all this time, kasi lumilipad din siya sa Bacolod para mag-test so ang sipag-sipag niya,” tukoy niya kay Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Max rin daw ay nais tapusin ang kanyang business course.

“Gusto ko sa Enderun po kasi parang nag-a-adjust sila sa schedule, hindi ko kaya kasi yung schedule.

“Mag-a-apply ako ng scholarship. May scholarship programs din po sila,” dagdag pa niya.

HOLY WEEK. Hindi pa alam ni Max kung ano ang gagawin gayong Mahal na Araw.

Pero gusto raw nitong magbakasyon sa Boracay kung saan meron daw silang bahay. Doon kasi ang kanyang hometown.

“May regional show kami doon so isasabay ko na ang bakasyon, sa May pa yun,” saad niya.

SIMILARITIES BETWEEN SHOWS. Natanong din namin kay Max kung ano ang masasabi niya na halos magkahawig ang istorya ng Innamorata ng GMA at Mira Bella ng ABS-CBN. Si Julia Barretto ang bida sa huli.

“Opo, mas nauna kami pero yung Mira Bella parang mas bata po sila sa amin ’tapos wala silang Alejandra [Gwen’s character] ’tapos mas mystical yung sa amin.

“Yung sa kanila, I’d say mas fantasy pero iba din, narinig ko kasi yung kay Julia, ano po siya e parang paint lang na kahoy. Pero yung sa akin po, prosthetics talaga, so iba.”

Puwede siyang maikumpara kay Julia.

Mabilis niyang tanggi, “Hindi po, kasi parang, I mean, mas matanda po ako sa kanya.”

Challenge ba sa kanya ito ma may show na halos kahawig ng Innamorata?

Pahayag niya, “At least hindi po kami magkatapat so hindi kami magkalaban, pero iba rin yung kuwento.

“Kasi yun nga, may Alejandra po kami ’tapos parang mas for the older audience po kami kaysa sa kanila, mas for younger audience.”

Dagdag pang pahayag ni Max, “May past story siya, maganda yung past story nila, yung past ni Gwen at ng Lolo ni Luis. Andun din si Ryza Cenon.”

Ang character nina Luis (sa Innamorata) at ni Enrique Gil (sa Mira Bella) ay parehong bulag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman nagdalawang-isap si Max nang papiliin namin kung sino ang mas guwapo: si Luis o si Enrique.

Balik tanong niya, “Sinong mas guwapo, si Enrique Gil o si Luis Alandy?

“Siyempre love your own, si Luis, mas guwapo para sa akin!”

So far, ang pinakamahirap na eksena na ipinagawa kay Max sa Innamorata, “Prosthetics ’tapos yung pinalayas po ako ni Miss Pinky [Amador].

“’Tapos parang sa bahay niya ako ’tapos grabe kasi yung init dun.

"Sobrang init ’tapos naka-prosthetics pa ako, mainit ’tapos sobrang iyakan ang eksena, so iyon ang pinakamahirap para sa akin.”

Dalawang oras daw inilalagay sa mukha ni Max ang prosthetics, pero mas mabilis raw tanggalin.

“Ngayon mas mabilis, kaya nang tanggalin ng forty-five minutes. Dati an hour and a half tanggalin,” banggit pa niya.

LIPOSUCTION. Samantala, hindi tulad ng ibang artista, vocal si Max na gusto niyang magpa-liposuction.

“Pero wala akong time,” sabay natawa ito.

“Gusto kong magpa-lipo. Siguro lahat ng girls minsan, hindi maiwasan na gusto rin.

”Yung arms ko po ’tsaka yung legs ko, parang nalalakihan ako.

“Nag-e-exercise ako kaso big-boned talaga ako, e. Na kahit na maging anorexic ako siguro hindi pa rin liliit katulad nina Kim Chiu, ganyan.”

Nagda-diet din daw si Max. May iniinom din daw siya na nakakabawas sa hunger pangs o pakiramdam ng pagkagutom.

Pakli niya, “Tina-try ko rin kumain ng healthy.”

Hindi niya itinatago ang kagustuhan niyang magpa-lipo, hindi tulad ng iba na kahit ginawa na ay itinatanggi pa rin.

Dahilan niya, “Kasi malalaman at malalaman din yun, e. Parang ’di ba kung mawala ka nang matagal ’tapos...

“Ewan ko siguro like accepted na rin kasi, ’di ba. Magpaayos ka ng ilong, nakikita naman ng tao, alam nila so ganun din, e.

“Pag nagpa-lipo ako, makikita mo rin naman, ’di ba?

“Kaya okay kang kasi accepted na po yata sa time natin now, ’di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung puwede, why not?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN