Maui Taylor calls for probe into alleged Dubai concert scam

According to Maui Taylor (right, shown with Katya Santos), the Dubai-based concert promoter who allegedly duped them had also purportedly scammed other Pinoy celebrities, including Gerald Santos, the Sexbomb Dancers, Billy Crawford, and Iya Villania.


Dalawang linggo matapos makabalik ang VIVA Hot Babes na sina Maui Taylor at Katya Santos mula sa Dubai, patuloy pa rin nilang inaasikaso ang pagpapahuli at pagpapa-deport kay Engr. Mardilito Daya Go, ang promoter/producer na umano’y nanloko sa kanila.

Ayon sa Facebook post ni Maui, hindi raw sila nabayaran ni Katya sa show na ginawa nila sa Dubai noong March 8 hanggang March 12.

Nabanggit pa ni Maui na sa kontratang pinirmahan nila dito sa Pilipinas, babayaran sila in full pagkatapos ng pinakahuling show.

Pero walang nakarating na bayad sa dalawang aktres hanggang sa makauwi sila ng Pilipinas.

Ni-report nila ang umano’y panloloko sa kanila ni Go sa Al Raffa Police Station sa Bur Dubai.

Ang girlfriend daw ni Go na si Maria Kristina Aguirre ang siyang inimbestigahan ng mga pulis dahil ito ang pinasama ni Go kina Maui at Katya.

Sa ginawa naming follow-up kay Maui tungkol sa issue nuong March 28 sa pamamagitan ng private messaging sa Facebook, sinabi nitong nagtatago raw si Go ngayon sa Dubai dahil naungkat din daw ang mga reklamo laban sa kanya.

Ayon kay Maui, “Manloloko talaga siya!

“Nagtatago pa din siya. Lahat ng pinagkakautangan niya hinahanap din siya.

“Madami na siyang case sa Dubai including nung sa amin ni Katya.

“All [cellphone] numbers niya, naka-off na. Balita namin sa Sharjah siya nagtatago.”

Pinagdarasal ni Maui na mahuli na ito para ma-deport sa Pilipinas. Bukod sa mga ginawa nito kina Maui at Katya, wala rin daw itong legal na papeles para mag-produce ng show sa Dubai.

Napag-alaman rin daw nina Maui na expired na ang license ng company ni Go na Golden Lion Exhibition and Organizing.

“Like what Katya said nung nasa Dubai kami, dito kami sa Pilipinas pagka-deport sa kanya, hindi lang kami ang nag-aabang sa kanya. Marami kaming niloko niya.

“Walang konsensiya ang mga taong kagaya niya...” diin pa ni Maui.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OTHER VICTIMS. Noong kumalat sa social media ang nangyari kina Maui at Katya sa Dubai, marami raw ang nagpadala ng mensahe kay Maui sa kanyang Facebook account, kabilang dito ang mga niloko raw ni Go.

Kasama sa mga celebrities na hindi binayaran daw ni Go ay sina Gerald Santos, ang Sexbomb Dancers, Billy Crawford, at Iya Villania.

Hindi lang daw mga celebrities ang niloko ni Go.

Dugtong pa ni Maui sa Facebook, “What a smart a*s! He put Golden Lion Events under the name of his girlfriend, at expired ’to para nga naman pag nagkahulihan, hindi nga naman si Mardilito Daya Go ang makukulong...

“Busy lang kami but it doesn’t mean na we’re not doing anything about our Dubai incident."

May nagpaabot rin daw sa grupo nina Maui na itinanggi daw ni Go ang mga paratang nila, pati na ng ibang celebrities.

Dahil dito, mas naging maanghang ang recent post ni Maui sa Facebook (published as is):

“Lito Go, talaga?? Walang katotohanan? Paano kung magsalita isa-isa mga artistang pinagkakautangan mo?! Baka magbigti ka na diyan.

“Lahat ng linoko mo lumalabas na isa-isa. Akala mo [di] namin alam yung utang mo na 900,000 dirhams sa owner ng Mr Wok. Galingan mo magtago dahil pag nahanap ka ng CID at mga police diyan siguradong buong buhay mo nasa kulungan ka na!

“Maling-mali ka ng linoko mo. Pati yung kayabangan mo saying na wala kang pakialam sa utang mo kay Joy Cancio nasa akin. Magbayad ka ng utang mo! Kapal ng mukha mong mag post pa sa FB noh??”

Nag-react din si Maui sa nag-message sa kanya na magpapa-interview daw si Go sa Dubai para maipagtanggol nito ang sarili niya.

Heto ang reaction ni Maui sa FB:

“Style lang yan... paano papa-interview eh wanted nga sya... cge kamo lumabas sya at wag sya magtago magpa interview sya live... TAMA!!! lemme quote this person who’s been helping us with our Dubai ish... TAMA pa interview ka para mahuli ka na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP sa pahayag ni Go, Aguirre, at iba pang taong sangkot sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN