Kathryn Bernardo’s dad gives nod of approval to Daniel Padilla

"Sabi nga niya [Daddy Teddy], so far, so good. Marami pang time si DJ [Daniel Padilla] para maging good shot siya forever," says Kathryn Bernardo, who at 18, is not rushing to get into a romantic relationship. In photo are Daniel and Kathryn during the latter’s debut party on March 29 at Blue Leaf Filipinas in Pasay City.


Sa ginanap na 18th birthday ni Kathryn Bernardo, inihayag ng kanyang ama na si Teddy Bernardo na aprubado at may tiwala ito kay Daniel Padilla, na kilalang masugid na manliligaw ng young actress.

THUMBS UP FOR DANIEL. Special mention si Daniel sa "Thank You" speech ni Daddy Teddy bago natapos ang programa.

“Kay Daniel, so far, so good. Thank you, Daniel for looking after her,” saad ng ama ni Kathryn.

Kung ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo ang tatanungin, noon pa man ay pabor na ito sa panliligaw ni Daniel sa kanyang anak basta huwag lang silang papasok sa relasyon agad.

Halatang ikinatuwa naman ni Kathryn ang positibong pagtanggap ng kanyang ama kay Daniel, lalo pa’t bukas ang una sa pagsasabing espesyal ang turing niya sa kanyang perennial leading man.

“Sabi nga niya [Daddy Teddy], so far, so good. Marami pang time si DJ para maging good shot siya forever.

“As long as okey naman ang intentions ni DJ, walang problema,” nakangiting saad ni Kathryn nang makapanayam siya ng entertainment media kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng event.

Ganunpaman, ayaw ni Kathryn na magmadaling pumasok sa isang relasyon kahit na nasa tamang edad na siya.

"Well, sinabi ko nung last na na-interview n’yo ako, hindi ko pa na-feel na 18 na ako. Pero ngayon, parang nag-sink in na sa akin.

"Pero gusto ko lang mag-enjoy talaga ngayong 18 na ako. Ayoko madaliin. Let’s see what will happen."

Nagbigay din ng mensahe si Kathryn kay Daniel na nanatili sa kanyang tabi mula umpisa hanggang sa matapos ang program.

“Thank you for being my escort tonight. I’m always here for you. Parang ikaw sa akin,” saad ng debutante.

Si Daniel ang pinakamatagal na nakasayaw ni Kathryn kumpara sa lahat ng lalaking nakasayaw ng dalaga sa kanyang 18 Roses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod dito ay kinantahan ni Daniel ng “Till I Met You” si Kathryn habang sila ay magkatabi sa stage para sa program finale.

Sabi ni Daniel kay Kathryn bago natapos ang naturang production number, “Eighteen ka na! Dati napapanood lang kita sa Goin’ Bulilit, ngayon partner na kita. Grabe! Ang galing!”

Maiksi lang ang programa ng debut ni Kathryn dahil mas gusto nito ng simple at walang masyadong arte na production numbers.

Ngunit kahit na walang cotillion dance ang napiling 18 Roses ni Kathryn, halatang pinaghandaan ang visual presentation ng mga larawan ni Kathryn kasama ang iba pa niyang kaibigang lalaki tulad nina Enrique Gil, Khalil Ramos, at Sam Concepcion.

KATHRYN’S DEBUT PARTY. Enggrande ang selebrasyon ng 18th birthday ni Kathryn na ginanap sa Blue Leaf Filipinas sa Pasay City kagabi, March 29.

Tatlong area ng venue ang nakalaan para sa naturang event: dessert bar na matatagpuan sa garden, main ballroom para sa program proper, at sa roof deck para sa after-party na restricted sa media.

Dumating sa venue si Kathryn sakay ng isang luxury car na naaayon sa napili niyang modern-vintage theme.

Mula sa red carpet hanggang sa makapasok siya ng ballroom ay isa-isa siyang hinarana nina Richard Poon, Erik Santos, Matteo Guidicelli, at Sam Milby.

Pagkatapos ay sinalubong siya ni Daniel sa harap ng stage bago sila magkasamang nagpa-picture sa bawat mesa ng mga bisita ng debutante.

Isa sa mga guest of honor ni Kathryn sa kanyang debut ay si Gretchen Barretto na nakatrabaho niya sa teleseryeng Princess and I (2012).

Kasama ni Gretchen na naki-party ang kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco.

Dumating din ang Kapuso star na si Marian Rivera bilang surprise guest at isa mga nagbigay ng mensahe para sa debutante.

Matatandaang gumanap si Kathryn bilang batang version ni Marian sa teleseryeng Endless Love (2011-2012).

“Happy ako sa lahat ng blessings na dumadating sa ’yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naniniwala ako na dumadating yun dahil napakabait mong bata at napapalibutan ka ng mabubuting tao. Kaya stay humble,” sabi ni Marian, na kabilang sa 18 Candles and Treasures ni Kathryn.

Naging emosyunal naman si Julia Montes, na siyang best friend ni Kathryn.

Bata pa lang sila ay nagkatrabaho na ang dalawa sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit at parehong nabigyan ng big break sa showbiz sa teleseryeng Mara Clara.

Pahayag ni Julia, “Nagsisimula pa lang tayo sa Mara Clara... yung dreams mo eto na, they’re coming true.

“Sabi nga nila special friends are rare to find. But I know that it’s not true because I have found a friend like you.”

Ilan pa sa mga dumating na guests ay ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, at pati na rin sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.

Sa huli, nagpasalamat si Kathryn dahil nakasama niya ang lahat ng mga itinuturing niyang malapit na kaibigan sa kanyang 18th birthday celebration.

“Grabe, ang saya! Sobrang overwhelming. Sobrang salamat sa lahat ng pumunta at nagbigay ng oras para makapunta rito. Sobrang memorable ng 18th birthday ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN