Louise delos Reyes feels secure in relationship with boyfriend Enzo Pineda

Louise delos Reyes on three-year relationship with boyfriend Enzo Pineda: “Siguro po, dumating na rin kami sa point na ganun, yung security nandun na. Ang focus talaga namin ngayon is trabaho, kaya parang okay na lahat ng aspects.”


“Nag-i-start na rin po yung love story ni Alona ’tsaka ni Jun, so mahuhuli na ako ni Jun tapos itatago niya ako sa tatay niya,” pahapyaw na kuwento ni Louise delos Reyes sa ilang mahalagang kaganapan sa Kambal Sirena.

Si Louise ay gumaganap sa naturang GMA sirenaserye bilang kambal na sirena (Alona) at tao (Perlas), at si Mike Tan naman ay si Jun na isang mangingisda.

Dagdag pang kuwento ni Louise, “Siguro more on mame-mesmerize muna si Jun na nakakita siya ng totoong sirena ’tsaka yung character kasi ni Mike na si Jun, siya yung mabait na mangingisda na kapag nakahuli siya ng sirena, pinapakawalan niya, na against yung tatay niya."

Si Archie Adamos ang gumaganap na tatay ni Jun.

“Si Tito Archie yung tatay niya, na galit na galit sa mga sirena na gusto niyang mahuli at ibenta,” kuwento pa ng aktres.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise sa pocket presscon ng Kambal Sirena nitong nakaraang Huwebes, March 27, sa 17th floor ng GMA Network Center.

DEEP INTO HER ROLE. Tinanong naman namin siya kung saan siya mas nahihirapang umarte—bilang tao o sirena?

“Siguro po masasabi ko dun sa tao. Kasi hindi naman ako talaga soft-spoken tulad ni Perlas. Hindi ako ganung ka-ano... parang malambing."

Sa nasabing serye, si Perlas ay nagtatrabaho sa isang water park, habang si Alona naman ay lumaki sa piling ng kanyang lola, si Reyna Arowana. Hindi nagtagal ay naisip ng reyna na ibigay na ang kanyang korona at kapangyarihan kay Alona.

"Kasi parang mababa yung tono ng boses ni Alona... ako kasi, e... kilala n’yo naman ako, medyo matigas akong magsalita.

“Mas Alona ako, kasi ’yon, e, mas feisty yung character niya... Sabi nga nila for a leading lady, malaki ang boses ko,” at natawa si Louise.

Napag-alaman rin namin, isa lang ang buntot na ginagamit ni Louise sa taping ng Kambal Sirena; wala siyang back-up na costume o buntot sakaling masira o magkaproblema ang ginagamit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po. Kapag nasira po, on the spot tinatahi nila ’yon,” lahad niya.

May insidente na raw na nasira ang buntot niya.

Kuwento niya, “Nasira ko na po... nagkaroon ng punit kasi siguro, para po kasi akong tinataktak kapag sinusuot.

"So, kakabanat.

“Kasi ako rin naman ang gumagawa ng stunts ko kasi, e.”

Biro pa ni Louise, “Papagawa rin ako ng sarili kong costume para kahit nasa bahay ako, meron pa rin akong buntot!”

Lahat daw sila sa set ay inspirado tuwing may taping.

“Group effort talaga kaming lahat, ini-inspire namin ang isa’t isa na magtrabaho at saka isa po ito sa mga production na napuntahan ko na sobrang light.

“Kahit nagdadrama kami, kahit mahirap yung ginagawa namin, sobrang saya lang namin kasi inspired kami na gumawa ng isang show na magugustuhan ng mga tao,” dagdag pa niya.

NOT READY FOR SEXY PICTORIALS. Kumportable na si Louise bilang isang sirena. Sa kabila ng halos na topless niyang pangganap, pinaninindigan pa rin ng Kapuso actress na ayaw pa muna niyang mag-sexy pictorial para sa FHM.

Diin niya, “Hindi pa rin po. Sa ngayon po kasi ayaw ko pa pero I’m not closing my doors naman talaga. Siguro wala pa talaga sa plano ko ngayon pero kung... depende sa layout, like si Ate Marian, di ba?"

Ang tintutukoy niya ay si Marian Rivera na kamakailan lang ay naging cover ng FHM.

“Si Miss Marian, ang tagal din niyang niligawan at recently lang siya naging okay," patuloy ni Louise.

“Depende siguro sa layout, depende sa atake nila. Pero sa ngayon, talagang hindi pa kasi e, hindi pa.”

SUMMER PLANS. Tinanong naman namin si Louise kung saan niya balak magbakasyon ngayong tag-init.

Magkasama ba sila ni Enzo Pineda?

Sagot niya, “Hindi po. Family, family kami.”

Pero ayaw na raw muna ni Louise sa beach magbakasyon dahil ang taping nila sa Kambal Sirena ay laging sa beach.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahabol pa niya, “Gusto ko po sanang mangibang-bansa naman. Siguro mangingibang-bansa muna kami ng family ko. Baka po mag-Hong Kong kami.”

Natawa naman si Louise dahil baka sa Ocean Park sa Hong Kong sila magpunta, gayong sa isang ocean theme park sa Subic sila madalas mag-taping ng Kambal Sirena.

Dagat na naman?

“Kasi po may Tita po ako doon sa Hong Kong na tinutuluyan, so baka dalawin namin ulit. At saka ’yon nga, puro beach na kasi kami dito, e. Puro dagat na rin kami, so parang nag-a-outing na rin kami tuwing taping,” saad niya.

ON BOYFRIEND ENZO. Ayon kay Louise, secure ang boyfriend niyang si Enzo sa kanilang relasyon. Hindi ito nagseselos sa tambalan nila ni Aljur Abrenica sa Kambal Sirena.

“Siguro po dumating na rin kami sa point na ganun, yung security nandun na. Ang focus talaga namin ngayon is trabaho, kaya parang okay na lahat ng aspects.

“For the past two years, I think yung focus ko sa work hindi siya ganun ka-solid, since I have my boyfriend, my family... so ngayon it’s time for me to focus on my work,” sabi niya.

Husband material ba si Enzo para sa kanya?

Pagsang-ayon niya, “He is naman talaga, e... pero hindi pa ’yon talaga yung focus ko, e.”

Si Louise ba ay wife material?

“Hindi ko po alam,” at natawa si Louise.

“Hindi ko po alam pero understanding naman ako, caring naman ako.”

Tatlong taon na ang relasyon nila ni Enzo.

Uso ang break-up ngayon sa showbiz, baka maki-uso sila ni Enzo?

May balitang magkahiwalay na diumano ang “sirena” ring tulad ni Louise na si Anne Curtis sa boyfriend nitong si Erwan Heussaff.

Si Anne ay gumaganap na Dyesebel, isa pa ring serye tungkol sa serena sa ABS-CBN.

Nabalitaan na kaya ito ni Louise?

Pagtanggi niya, “Well, hindi ko alam kasi talagang ang mga relationship naman hindi mo masasabi, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang siguro ngayon sobrang in-love kayo, pero baka magkaroon kayo ng problema—mawala na lang ’yon.

“So hindi ko po alam. Pero as of now, I’m secure and I’m happy!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN