Matapos ang dalawang indie starrers, kung saan parehong markado ang naging pagganap niya (Hanna Espia's Transit at Mike Alcazaren's Puti), heto na naman si Jasmine Curtis Smith sa ikatlo niyang pelikula, ang Dementia.
Ito ang unang pelikula ni Perci Intalan bilang isang direktor.
Hindi si Jasmine ang main star sa Dementia, pero malaking sorpresa sa lahat ang pakikipag-trabaho niya kasama ang beteranang aktres at tinaguriang Superstar na si Nora Aunor.
Unang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine, sa teaser/trailer shoot ng Dementia nuong simula ng taong ito.
Silang dalawa lang ni Ate Guy ang kinunan noon ni Direk Perci kasama ang kanyang creative/technical team, kabilang sina Mackie Galvez, director of photography; Poppo Diaz, production designer; at Erwin Sanchez, art director.
Naging paborito sa online sites ang Dementia "sizzle reel" ni Nora at Jasmine.
The promotional preview generated a lot of positive comments and "likes."
Dahil dito'y malaking pasasalamat ni Jasmine. Kaya sobrang ganado ang dalagang aktres sa tuluyang pagta-trabaho para sa mismong pelikula na isang psychological horror-drama.
Nuong isang linggo ay nasa Batanes ang grupong kinabibilangan ni Jasmine, kasama si Nora at Direk Perci, para sa shooting ng Dementia.
PEP was able to talk to Jasmine in between takes last Monday, March 24, on location in Barangay Sinakan, on the island of Sabtang in Batanes.
Jasmine, a relative newcomer to showbiz, is cheerful, accommodating and friendly.
"Okay naman po, sobrang casual lang," bungad niya sa PEP nang kumustahin ang pakikipagtrabaho niya kay Ate Guy.
WORKING WITH THE SUPERSTAR. Tulad din ng iba pang kabataang aktor at aktres sa Dementia gaya nina Chynna Ortaleza at ng GMA-7's Protege grand champion na si Jeric Gonzales, itinuturing na rin ngayon si Jasmine na isa sa mga "anak-anakan" ni Ate Guy.
Biro nga ng marami sa Superstar, "Parami na nang parami ang mga 'anak' mo, Ate Guy!"
Na masayang tinutugon ni Ate Guy, "Basta mabait, anak ko!"
Mabait at malambing si Jasmine kay Ate Guy, kaya napalapit din ang loob ng beterana sa kanya.
Kuwento naman ni Jasmine, o Jas, tulad ng gusto niyang itawag sa kanya, "At first, siyempre, na-intimidate po ako kay Ate Guy.
"Tulad na lang the other day, nung kailangang sigawan ko siya in one scene."
The scene with the Superstar required a character transition—from good to evil—which Jas did quite successfully.
"Ninerbiyos po ako... opo, nahirapan ako!" sabi pa niya.
"Kasi, of course, iba na po ang status ni Ate Guy.
"Very slight po, na nailang ako sa kanya.
"Pero bilang trabaho ko po talaga 'yon, siyempre, 'yon na lang po yung unang inisip ko.
"After doing the scene, medyo nahiya po ako kahit na, I'm sure, professional naman si Ate Guy.
"Naisip ko, sana okay lang 'yon, kasi for a role lang naman. I wanted to say, 'Sorry, hindi ko gustong sigawan ka,' parang gano'n."
Agad ngang lumapit si Jas kay Ate Guy at bago pa masabi ang gusto niyang sabihin, agad naman siyang niyakap nito, sabay sabing, "Okay lang yon, anak..."
Kaya naibsan ang agam-agam ni Jas. "'Yon naman po ang nangyari after... so masaya naman po.
"Mapagbiro lagi si Ate Guy, walang ka-ere-ere!" sambit pa ng mestisahing aktres.
Asked to describe her experience working with the legendary actress and would be National Artist for Film and Broadcast Arts, Jasmine came up with one word: "Super!"
HAPPY WITH TV5. Tulad ni Ate Guy, contract artist ng TV5 Kapatid network si Jasmine, at masaya naman daw siya sa kanyang “pangalawang tahanan.”
"Of course! Oo naman po. Happy naman po, basta may trabaho po, masaya!"
Sa TV5 ay kasalukuyan ding nagte-tape si Jasmine ng mga episodes para sa kanyang weekly show. Ito ang Jasmine (The Series), na sisimulang isahimpapawid sa darating na Mayo, 2014.
"Tungkol po ito sa buhay ng isang artista... may mystery ang kuwento," pagtukoy ni Jas.
Jasmine starred in two indies which garnered positive reviews: Transit, Cinemalaya 2013 award-winning entry, and Puti, also an award-winning entry to Cine Filipino Filmfest 2013.
Jasmine hopes Dementia will be another important film.
"Kailangan, siyempre... I think people remember you better pag sa movie," Jas said.
"Kasi, teleseryes come and go. But movies, they make statements, they are shown internationally, they could also win awards."
Jasmine seems cut out for so-called "prestige" movie projects.
"Sana naman... thank you!" she smiled.
ON BOYFRIEND SAM CONCEPCION. Para maiba naman, tinanong ng PEP si Jasmine tungkol sa kanyang young singer-actor-boyfriend na si Sam Concepcion.
"Well, busy siya sa trabaho," nakangiting sambit ng dalagang aktres.
Kasisimula pa lamang ng teleseryeng Mira Bella ng ABS-CBN at si Sam ay isa sa mga kapareha ng young actress na ni Julia Barretto.
"Ang ganda, di ba?" tukoy ni Jasmine sa bagong serye.
May TV naman sa Batanes, ang malayong island-location ng Dementia, kaya napapanood ni Jasmine ang ilang episodes ng tinatampukang serye ng boyfriend niya. Isang high school student ang papel ni Sam.
"Correct, kasi bagets pa rin ang hitsura niya," sabi pa rin ni Jas.
Hindi ba sila magtatambal ni Sam sa isang pelikula?
"Pag pinagbigyan po kami ng mga network namin... pero parang hindi pa puwede," aniya.
At nagbanggit si Jasmine ng ilang bagay tungkol sa kanila ni Sam.
"Matagal na po kaming magkakilala," simula ni Jas.
"Ever since I was 11 years old, na-meet ko na po si Sam."
The actress is now in her early 20s.
Steady dates ba sila?
"Matagal na rin," sambit pa niya.
As PEP recounted, in April 2011, Sam and Jasmine were together during the wake of close friend AJ Perez, who died in a tragic vehicular accident in Tarlac. The ABS-CBN talent was only 18.
Sa palagay ni Jas, si Sam kaya ay isang one-woman man?
"Well, I'd like to believe... parang naman..." sagot niya.
She also sees her current boyfriend as "sobrang bait, wholesome, and a good dancer!"
Jasmine adds that Sam is a fine actor and singer who recently staged a successful concert at the Music Museum.
"Yeah... really proud of him!"
ON JERIC GONZALES. Samantala, kasama naman ni Jasmine sa Dementia ang baguhang aktor na si Jeric Gonzales.
Jeric is the 2012 Grand Champion of the reality show Protege on GMA-7.
He will be introduced in Dementia. Jeric plays Vincent, an Ivatan native, who befriends Rachel (Jasmine) and Elaine (Bing Loyzaga).
Bagay si Jasmine at Jeric; puedeng silang maging loveteam. Ano ang masasabi ni Jas sa bago niyang kapareha?
"Masungit siya!" walang gatol na sambit ni Jas tungkol kay Jeric.
Paano naging masungit si Jeric sa babaeng singganda ni Jasmine?
"Hindi siya namamansin. May sariling mundo palagi..." sagot ni Jasmine na nangiti rin, sabay-sabing, "Chos!" tanda ng pagbibiro.
Nagkataong lumapit si Jeric sa kinaroroonan ni Jasmine at ng PEP habang masayang nagbibiro ang aktres tungkol dito.
Ngumiti si Jasmine nang sulyapan niya si Jeric, na nagtataka sa kanyang narinig.
"Wala, okey lang. Easy lang naman... easy siyang kausap," bawi ni Jasmine.
"Tulad kahapon, nagpunta kaming lighthouse... yung grupo namin. Wala kasi kaming magawa..."
Isa 'yon sa maraming pagsasama ni Jasmine at Jeric, bago ang mismong shooting nila sa nasabing parola sa Barangay Malakdang, Sabtang island.
Kung wawariin, nakapag-bonding nang husto ang dalawa.
Aminado si Jas na naging maganda rin ang pagtatrabaho nila ni Jeric.
"Opo naman. Minsan lang, hindi siya namamansin," pag-ulit ni Jasmine, na narinig uli ni Jeric.
"Siya din, hindi namamansin," ganting-pahayag ni Jeric.
"Oy! Hindi naman po..." sagot uli ni Jasmine.
Parang may "lovers' quarrel" na sila, hindi pa man? Natawa pareho sina Jas at Jeric.
How well do they know each other?
"Well, okay lang. We're still getting to know each other," sagot ni Jasmine.