Boots Anson-Roa and Atty. King Rodrigo’s pre-nuptial blessing highlights MOWELFUND 40th anniversary celebration

Father Larry Faraon, who officiated the pre-nuptial blessing, describes romance between Boots Anson-Roa and Atty. King Rodrigo as timeless: “Hindi ho pinag-uusapan ang edad dito, hindi pinag-uusapan ang puti ng buhok, hindi rin pinag-uusapan ang kulubot ng mukha dahil silang dalawa ay wala, walang kulubot.”


Ang pre-nuptial blessing ni Fr. Larry Faraon kay MOWELFUND Executive Director/President Boots Anson Roa at sa fiancé nito na si Atty. King Rodrigo ang highlight kahapon ng 40th anniversary celebration ng Movie Workers Welfare Foundation na itinatag ni former President Joseph Estrada noong March 1974.

Bago binasbasan ni Fr. Faraon ang dalawa, sinabi niya sa kanyang opening statement na bilang pangulo ng MOWELFUND, gustong ibahagi ni Boots Anson Roa sa mga miyembro ang kaligayahan na nararamdaman sa nalalapit na pagpapakasal nila ni Atty. King sa Archbishop’s Palace sa June 14, 2014.

Sabi ni Father Larry, “Mahal na mahal kayo ni Tita Boots.

“Alam n’yo, sa bawat kalungkutan ninyo, sa bawat pangangailangan ninyo ay tila baga ang kanyang puso ay natutunaw kaya naman kung siya man ay magiging maligaya at masaya, nais niya na maging bahagi kayo ng kasiyahan.

“Siguro napapanood ninyo sa telebisyon, sa mga interview at mga balita, meron pa nga yung drama [Wagas ng GMA News TV], na si Tita Boots ay umiirog na muli sa isang lalake na umiirog din.

“Hindi ho pinag-uusapan ang edad dito, hindi pinag-uusapan ang puti ng buhok, hindi rin pinag-uusapan ang kulubot ng mukha dahil silang dalawa ay wala, walang kulubot.

“Kaya itong araw na ito, gusto ko rin na maramdaman ninyo ang kaligayahan nitong dalawang ito. Sa darating na Hunyo, sila po ay mag-iisang dibdib.

“Medyo natagalan lang nang konti dahil alam ninyo, si Atty. King, ay very strict ang parents. Hindi ako nagbibiro, buhay pa ang nanay niya, buhay pa po.

“Ninety-nine years old kaya medyo natagalan si Atty. King.

“Hindi niya malaman kung anong diskarte ang gagawin para pumorma sa kanyang mahal na ina at magpaalam na siya’y magpapakasal. Finally, okey naman.

“Pumayag na ho kaya sa June 14, ay silang dalawa ay mag-iisang dibdib kay Cardinal Tagle.

“Si Tita Boots po at saka si Atty. King ay bahagi ng MOWELFUND. Hindi nila maalis sa sarili na sila ay maisama sa ganitong okasyon kaya sa mga sandaling ito, e, nais ko pong tawagin ang dalawa at sa inyong harap sila ay ating dadasalan. Nang sa ganoon, e, maging handang-handa na po sila sa kanilang kasal sa June 14 at lalong-lalong na sa kanilang honeymoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos basbasan ni Fr. Faraon, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Boots at Atty. King tungkol sa kanilang nalalapit na pagpapakasal.

SELFLESS. Sinabi ni Boots na ang pagiging selfless ng kanyang magiging asawa ang isa sa mga ugali na nagustuhan niya.

Pagmamalaki ng dating aktres, “Siguro ito ay isa sa mga simbolo ng pagmamahal ni King ay yung kanyang pagiging selfless. Hindi siya maramot.

“Siya yung unang-unang nagsabi sa akin na huwag mong i-give up ang pangalan mong Boots Anson-Roa. Huwag mong i-give up.

“Huwag mong i-give up ang career mo. Huwag mong i-give up ang MOWELFUND. Kung ano yung nagbibigay sa ’yo ng kasiyahan bilang tao, kung paano ka nakakatulong, ipagpatuloy mo.

LOVE FOR KING. Patuloy pa ni Boots, “Alam mo hindi ako expressive, e. Hindi ako ’I love you’ person pero isa ’yan sa mga itinuro ni King sa akin na sambitin ang ’I love you’ dahil it’s not enough na ipakita mo sa action, dapat sabihin din.

“Baligtad kami. Yung iba, sabi lang nang sabi, hindi ipinapakita sa action. Pero ako, una sa action, ipinapakita ko. Pero sabi niya, ’Kailangan sambitin mo rin yung I love you.’ I love you!"

THANKFUL FOR SPONSORS. Hindi naman nakalimot magpasalamat si Boots sa mga kaibigang makikibahagi at mag-aalay ng kani-kanilang mga regalo sa kanyang nalalapit na “special day.”

Lahad niya, “Gusto kong pasalamatan yung mga kaibigan namin na hindi nag-atubili na mag-alay ng kanilang wedding gift sa pamamagitan ng gown, mga cake, mga light and sound facilities.

“Ang wedding band namin, Miladay. Dalawa yung cake namin. Yung kotse na gagamitin namin, kay Willie Soong.

“He will lend us his antique Jaguar para sa mga antique tulad namin. Saka ang photography, Charice Tinio ng Nice Photography. Sila yung gagawa ng album at AVP [audio-visual presentation].

“Ang aming cord at veil, regalo rin. Yung aming invitations, regalo rin. Mga giveaways namin—compilation ng mga tula ni King, kasi 17 poems na ang ginawa niya—ilalagay sa isang maliit na libro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung rehearsal dinner na sinasabi ko, sa Aristocrat gagawin ’yon, pero yung reception namin, sa The Plaza sa Wack Wack.”

NO PRE-HONEYMOON. Nilinaw nina Boots at Atty. King na walang katotohanan ang lumabas na balita na magkasama sila sa iisang kuwarto sa kanilang paglalakbay sa Holy Land kamakailan. Binasbasan din sila ng mga pari sa Holy Land para sa kanilang nalalapit na kasal.

Paglinaw ni Boots, “Nagkaroon din ng pre-nuptial blessing na ganito at hindi kami same room. Ang room mate ko, yung kapatid ni King, si Mrs. Pempe.

Ayon naman kay Atty. King, “Ang room mate ko yung assistant ni Fr. Concepcion. So wala pang honeymoon.

“Aba! Namanhikan ang nanay ko. She’s very happy about it. Siya ang namanhikan at humingi ng kamay ni Boots.

“Of course, it was my brother who spoke but my mother was there. Magmamartsa siya. She will walk me down the aisle.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN