Aljur Abrenica says Louise delos Reyes is a good kisser

Aljur Abrenica on being comfortable with Kambal Sirena co-star Louise delos Reyes: “Well, the good thing is, kami ni Louise thankful na sobrang kumportable na niya sa akin. Yung sarap nun is, yeah masarap siyang humalik din, e."


Sa trabaho nagdiwang ng kanyang kaarawan si Aljur Abrenica noong March 24.

Hindi raw natuloy ang plano niya na mag-long drive mag-isa bilang birthday treat sa sarili niya.

“Kasi Monday nasa taping ako ng Kambal Sirena.

“Sobrang saya kasi sinelebrate with the cast of Kambal Sirena. May surprise sila sa akin, tapos na-surprise din ako kasi pumunta yung parents ko, family, tapos may dala-dala silang pagkain.

“Konting salu-salo sa set, sa Pampanga,” kuwento ni Aljur sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa pocket presscon ng Kambal Sirena noong Huwebes, March 27, sa 17th floor ng GMA Network Center.

GREETING FROM KYLIE. Tumawag din daw ang girlfriend niyang si Kylie Padilla na kasalukuyang nagbabakasyon sa Australia.

Patuloy pa niya, “Ginreet niya ako, and sayang daw, sana nandito siya. Naintindihan ko naman kung bakit siya nandun and ayun, nagkuwentuhan kami about sa nangyayari sa amin.”

May regalo rin daw sa kanya si Kylie.

Aniya, “Meron, meron siyang surprise sa akin, meron siyang video greeting na ginawa before siya umalis, very touching. And some gifts, chocolates.”

Ano ang pinakamatamis na sinabi ni Kylie sa naturang video greeting?

“Sa akin na ’yon,” ang tumatawang sagot ni Aljur.

Biniro namin si Aljur na good boy ba siya habang nasa ibang bansa ang kasintahan niya?

Mabilis naman niyang sagot, “Yeah!

“Paano ako nagiging good boy na mag-isa lang ako? It doesn’t mean na dapat may kasama ka para maging better person ka or good boy.

“Yung kagandahan, individually. Buo ka, di ba? Hindi mo kailangan yung isa para mabuo ka. Iyon naman yung gusto ko e, sa amin, sa bawat isa sa atin.”

SECRET” MOVIE PROJECT. Sa April 25 raw ang balik ni Kylie sa Pilipinas.

Pagbalik ba ni Kylie ay magkakaroon sila ng bonggang summer vacation together?

Pakli niya, “Depende.

“Holy Week is work, may trabaho kami. Movie. Secret muna! GMA Films, tie-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I’m very honored sa makakatrabaho ko.”

Sino ang makakasama niya dito?

“Basta! Malalaman n’yo na kasi e,” at tumawa si Aljur.

FOCUS ON WORK. Isang buwan na silang nagte-taping ng Kambal Sirena, kumportable na ba magtrabaho ang cast?

Ano ang reaksyon niya sa katapat nilang serye na tungkol rin sa sirena, ang Dyesebel ni Anne Curtis?

Natakot ba sila nang tinapatan sila ng ABS-CBN?

Ayon kay Aljur, “We’re aware, aware kami sa nangyayari but nag-focus kami sa bagay na kaya naming gawin... our director, our EP or executive producer, kami ni Louise.

“What we do is ginagawa namin kung ano yung kaya naming gawin, kung ano yung ginagawa namin, mas pinag-iigihan namin ngayon.

“So plus na yung ratings e, thank you Lord, salamat sa mga bumabalik sa hard work.

“We’re just thankful na yung hard work namin nagpe-pay-off na.”

Medyo pumayat si Aljur ngayon.

“Kumakain ako lagi, it’s just that, alam n’yo naman kapag hindi ako nakakapagbuhat, pumapayat talaga ako. Two weeks na akong hindi nagbubuhat,” sabi niya.

LOUISE A GOOD KISSER? Sa isang panayam, sinabi ni Louise na masarap humalik si Aljur. May kissing scenes kasi sila sa Kambal Sirena.

Balik-tanong naman ni Aljur, “Seryoso, sinabi niya ’yon? Sinabi niya ba?”

Sinabi rin ni Louise na iniiwasan nito na tumingin sa hubad na katawan ni Aljur kapag nagte-taping sila, lalo na sa mga “bumabakat at bumubukol” sa wet suit ni Aljur.

“Sinabi niya yun? Hindi nga!” at tumawa si Aljur.

Bumaling pa ito kay Louise na nasa kabilang mesa at tumatawang tinanong ang leading lady niya ng, “Sabi nila iniiwasan mo raw yung Felix Bakat ko? Maniniwala ba ako? Kinu-corner nila ako!”

“Joke lang yun, sorry!” Tawa naman ang naging reaksyon ni Louise.

“Well, the good thing is, kami ni Louise thankful na sobrang kumportable na niya sa akin. Yung sarap nun is, yeah masarap siyang humalik din, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re driven by our emotions, di ba? Ng character, andun kami...

“Na kapag nakaharap na kami sa kamera, everything’s magical, e. Di ba?

“Pag nakaharap na kami sa kamera, wow! Ang sarap lang na katrabaho siya.

“And everything follows,” lahad niya.

Ano ang reaksyon niya na iniiwasan daw ni Louise na tingnan ang kanyang “Felix Bakat?”

Tumawa muna si Aljur bago sumagot, “Ang masasabi ko, well, given na ’yon. Sa costumes ko, and sa katawan ko, pero humahanga ako sa kanya sa pagiging isang dalagang Pilipina.”

KYLIE NOT JEALOUS. Hindi ba nagseselos si Kylie sa tambalan nila ni Louise?

Sagot niya, “No, no!”

Noon ay napabalitang nagselos diumano si Kylie sa tambalan nina Aljur at Kris Bernal.

Muli niyang tanggi, “No! Well, we all know naman na tao lang naman tayo and Kylie’s just starting lang, e.

“Nag-i-start lang, so may mga bagay pa siyang, I mean, yung mga time na ’yon, may mga bagay siya na hindi pa kayang i-handle and through experience, natututunan niya.

“Ngayon I’m proud to say na wow! Sobrang supportive siya sobrang supportive siya dito sa Kambal Sirena and ine-encourage pa niya ako.”

Mas mature ba siyang mag-handle ng relationship since mas bata si Kylie sa kanya?

Ayon sa Kapuso hunk, “Well, as a person... lalaki kasi tayo, e, and lalaki ang nagiging leader sa relationship. Lalaki tayo, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN