Mike Tan compares his abs with Aljur Abrenica’s: “Oo, abs-olutely nothing!”

Mike Tan compares his physique with male co-stars of Kambal Sirena: “Meron naman pero hindi katulad nung sa kanila, ang hirap ngang habulin. Kapag nag-uusap nga kami, ang pinaka-pinupuri namin sa katawan si Pancho, e.”


Nakausap namin si Mike Tan sa pocket presscon ng Kambal Sirena nitong nakaraang Huwebes, March 27 sa 17th floor ng GMA Network Center.

Ang tungkol sa madalas na paghuhubad ng aktor sa Kambal Sirena ang isa sa mga napag-usapan namin.

“Maghuhubad ako dahil kailangan.

“Sa ngayon dahil yung character ko mangingisda, kailangan talaga yung katawan ko maganda at maayos," paliwanag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Dahil kapag tinitingnan ko nga yung mga mangingisda dun sa Morong, Bataan, parang katawan ni AJ,” pagtukoy ni Mike sa leading man ni Louise delos Reyes sa Kambal Sirena na si Aljur Abrenica.

“Parang katawan ni AJ, ganun ang pangangatawan nila. So, kailangan ko talagang humabol,” dagdag pa niya.

Nape-pressure nga raw siya dahil ang katapat niya sa paghuhubad ay isang hunk na tulad ni Aljur.

“Siya nga yung motivation ko e,” at natawa si Mike.

“Challenge siya, siyempre.”

Hindi siya nai-insecure sa katawan ni Aljur?

“E, kung tatabi ako, oo, mai-insecure ako,” at muling natawa si Mike.

May abs rin naman siya.

“Oo, abs-olutely nothing!” pagbibiro ni Mike.

“Meron naman, pero hindi katulad nung sa kanila, ang hirap ngang habulin. Kapag nag-uusap nga kami, ang pinaka-pinupuri namin sa katawan si Pancho, e.”

Isa rin sa mga male stars ng Kambal Sirena si Pancho Magno.

Pakli niya, “Iba yung katawan talaga ni Pancho.”

Ano ang mga ginagawa ni Mike para mapanatili ang magandang porma ng katawan niya?

Aniya, “Puro gym lang, gym, running, swimming, hangga’t kaya.”

Minsan daw ay hindi siya nakakapag-exercise, lalo na kapag pagod at puyat sa taping.

Malayo rin daw kasi ang taping nila—sa Bataan.

Si Mike ay tulad rin ni Mark Herras na Male Ultimate Survivor ng StarStruck.

At kailan lamang ay naging malaking balita ang pag-amin ni Mark na may anak na siya sa pagkabinata.

NO KIDS. Si Mike ba ay may itinatagong anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabilis niyang pagtanggi, “Wala, wala ako. Sasabihin ko sa iyo kaagad!”

Gaano siya kasigurado na wala siyang anak?

Dagdag pa niya, “Wala, wala naman, oo wala naman.”

Halimbawang biglang may lumabas na babae na nagke-claim na si Mike ang ama ng anak niya?

“Sure ako na wala. Sigurado ako sa sarili ko na wala akong anak na hindi ko alam,” giit niya.

Pinabulaanan naman ni Mike ang balitang nagli-live-in na sila ng non-showbiz girlfriend niya.

Diin niya, “Hindi, hindi po.”

NETWORK COMPETITION. Hindi ba siya nape-pressure sa katapat nilang show na tungkol rin sa sirena ang kuwento?

Ayon kay Mike, “Basta ang sa akin naman po, ginagawa namin nang maayos ang trabaho namin, pinaghihirapan namin.

“Pressure siguro, ang pressure na lang sa akin nun kailangang mas maayos ko yung trabaho ko, mas ma-deliver ko yung lines ko nang mas maayos, mas ma-portray ko nang maayos yung karakter ko kasi kahit anong mangyari, kompetisyon pa rin yung ginagawa natin.”

So kahit mas paghubarin pa si Jun, ang karakter ni Mike sa serye, ay ayos lang sa kanya?

“Oo, kasi iyon din naman yung karakter niya, e. Hindi ko na kailangang kuwestiyunin na, ‘Bakit po kailangang maghubad dito?’

“Hindi e, nakikita ko talaga sila, naglalakad yung mga mangingisda, lahat sila nakahubad lang, wala lang.”

READY TO BARE. Rarampa ba siya sa Cosmo Bachelor Bash ngayong taon?

Lahad niya, “Wala, wala pa po akong balita, wala pa rin po sa aking nasasabi pero kung paparampahin tayo, bakit hindi?”

Nakarampa na si Mike dati sa Cosmo.

Naging underwear model na rin si Mike ng isang brand.

Pagkumpirma niya, “Yung Guitar po, kasama ko dun si Carlos Agassi.

“’Tsaka sa Bench noon, iyon, rumampa na ako naka-underwear sa kanila, with wings!”|

Wala raw namang problema kay Mike na rumampa ng naka-underwear lamang.

Saad niya, “Okay naman po wala namang problema. Basta mapapaghandaan ko lang kasi nakakahiya naman kapag tinawag ka nila tapos pagrampa mo hindi ka handa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon yung nakakahiya.”

Kung indie movie na may butt exposure ay papayag si Mike.

“Okay lang, tingin ko okay lang, wala naman akong problema.”

Kung pumping scene?

“Okay lang din.”

Kung may frontal nudity?

“Hindi ko pa po alam. Kukuha ako ng body double. Amerikano,” at tumawa si Mike.

Hanggang butt exposure at pumping scene lang daw ang kaya niya.

“Opo, opo. Siguro baka gano’n pa lang,” amin niya.

TWISTS AND TURNS. Masaya ba si Mike? Sigurado kasi sa ending ng Kambal Sirena ay may mapupunta sa kanya. Kambal kasi ang karakter dito ni Louise delos Reyes bilang sirenang si Alona at taong si Perlas.

Kaya tiyak na ang isa ay kay Aljur, bilang Kevin, at mapupunta ang isa kay Mike, bilang Jun.

Paglinaw naman ni Mike, “Hindi natin alam kung iyon talaga yung mangyayari.

“Hindi pa, hindi pa natin alam. Hindi pa naman din kasi tapos yung script, e.”

Kaya maaaring magkaroon pa ng mga twists ang kuwento ng kanilang sirenaserye.

“Oo, hindi natin alam talaga. Ako rin, honestly, hindi ko alam ang mangyayari hanggang dulo, e.”

Sa tunay na buhay ba ay kaya niyang magmahal ng isang sirena?

Balik-tanong niya, “Totoong sirena, magkakaroon ng totoong sirena?

“Ang lagi naman kasing pagpapakita sa mga sirena ay talagang sobrang ganda e, talagang kumbaga, mahi-hypnotize ka sa kagandahan nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN