Angelika dela Cruz on the travails of playing a mermaid: “Buti pa si Darna...”

Angelika dela Cruz says playing the role of a mermaid is not easy: “Sabi ko nga, buti pa si Darna, naka-harness lang siya kapag lumilipad at saka fight-fight. Pero ang sirena, umiiyak ka, naka-harness ka, nakabitin ka.”


Hindi raw madali gumanap bilang isang sirena.

Sa buong acting career ni Angelika dela Cruz, ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataon na gumanap bilang isang sirena.

Siya si Reyna Arowana sa primetime series ng GMA-7 na Kambal Sirena.

“Mahirap siya, mabigat ang headrest ko. Pero okay lang.

“Masaya naman siya kasi, eenjoyin mo ang mga tao sa set. Pero mahirap, kasi mabigat pati ang buntot,” umpisang kuwento ni Angelika nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Cucina ni Bunso restaurant, malapit sa Tomas Morato Ave., Quezon City, noong March 27.

Dugtong pa niya, “Tapos kapag nasa-studio, naka-harness kami.

“Sabi ko nga, buti pa si Darna, naka-harness lang siya kapag lumilipad at saka fight-fight. Pero ang sirena, umiiyak ka, naka-harness ka, nakabitin ka.

“Ito pa ang nakakatawa... yung una kong eksena, naka-harness tapos break-down scene.

“Iyak, iyak, ganyan… e, kailangan kumakampay-kampay ka. Biglang, ’Cut! Puwede po ba nating ulitin, nakalimutan pong kumampay.’

“Ay, oo nga! Noong inulit, nakalimutan ko namang umiyak!” natatawang kuwento niya.

“Pero ngayon, sanay na.”

AGELESS LOLA. Lola ang role ni Angelika bilang si Reyna Arowana. Siya ang lola ni Alona, isa ring sirena na ginagampanan ni Louise delos Reyes.

Pumayag na siyang gumanap na lola?

Paliwanag ni Angelika, “Hindi kasi ako tumatanda rito.

“Ganoon din ang reaksiyon ko noong una. ’Ano ang role ko rito? Lola! Niloloko niyo ba ’ko? Nagkakalokohan na ba tayo?’

“’Hindi ka kasi tumatanda.’ Hmmm…”

Noong gumanap siya bilang nanay ni Louise sa Mundo Mo’y Akin, ang alam namin, parang nag-alangan pa siyang tanggapin ang role.

“E, kasi naman doon, parang nagka-anak naman ako ng eight years old.

“Pero, niloloko nga nila ’ko sa set, kasi si Yul Servo ang anak ko rito.

“Sabi nila, ’O Yul, lapit ka na sa nanay mo.’

“Sabi ko, ’Huwag mo ‘kong matawag-tawag na Mommy Konsehal ha!’ Nagbibiruan na lang kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HANDS-ON BARANGAY CAPTAIN. Noong nakaraang barangay elections (October 2013), nanalo si Angelika bilang barangay captain sa Longos, Malabon City.

Kung sa trabaho, marami raw trabaho ang isang kapitan ng barangay na tulad ni Angelika sa kanilang lugar sa Malabon.

Ang daming kuwento ng aktres tungkol sa mga nagawa at ginagawa niya ngayon bilang isang kapitana.

Sabi nga niya, “Feeling ko sa lahat, ang kapitan ang pinakamaraming trabaho.

“Kasi, sa matataas na posisyon, nasasala na ang nagpupunta sa kanila. Sa amin, wala, open talaga.

“Kahit sino puwedeng pumasok, kahit na anong problema.

“Kapag nagdi-disaster, ang unang responde, kami. Kaya ang mga equipment namin, mga training, seminar lahat ‘yan.

“Ang seminar ko siyempre tungkol sa batas kasi, ang mga tanod, may power ‘yan na manghuli.

“Kailangan lahat alam mo. Kailangan alam mo ang batas kaya bago ako mag-start, basa-basa. Mahirap pumasok na wala kang alam.”

Ngayong nagtatrabaho siya bilang kapitang barangay, nakakatulong ba na isa rin siyang artista?

Sabi niya, “They see me, nagtatrabaho. Pero siyempre, minsan may nakakalimot, kinukurot ako, hinahatak ako.

“Tapos sabi ko, ’Beh, kapitan ako ngayon, hindi artista.’ Dyinu-joke ko na lang na gano’n.

“Respetuhin mo naman ako nang konti.

“Magtatawanan naman sila, pero gano’n lang. At least, icebreaker. At least, hindi naman yung formal na formal.”

Kuwento rin niya, “Pero ako talaga, naka-heels ako ha, naka-dress ako.

“Nakita ko, may truck na illegal na nagpaparada. Bumaba ako. Naka-dress, naka-heels.

“Sabi ko, ’Kuya, alam mong bawal magparada rito. Hindi po kayo puwede dito, kalye po ito.’”

BODYGUARD. Kinailangan naman daw ni Angelika na kumuha ng bodyguard dahil noong nakaraang eleksiyon, nalagay sa panganib ang buhay niya.

Ayon kay Angelika, “Di ba, noong eleksyon, muntik nang may sumaksak sa akin? So, after no’n, talagang binigyan ako ng asawa ko ng bodyguard.

Kasal kay Orion Casareo si Angelika; isa ang kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kay Orion, walang problema. Gusto mong mag-ikot, gusto mong tumulong, sige, walang problema. Basta raw kasama ko ang bodyguard.

“Alam niyo sa iba, madali sa kanila because they don’t work. Ako lahat, pinupuntahan ko.

“Ultimo patay, lahat ng responsibilities ginagawa ko. Pero kakapirma ko lang din ng bagong contract sa GMA. Kaya sa akin, time management talaga.”

LIFE LESSONS. Hindi nakakapagtaka kung pagkatapos niyang maging kapitan, mas mataas na posisyon naman ang susunod niyang tatakbuhin.

Mayora naman kaya?

“Grabe naman! Wala pa, wala pang ganun. Dito muna, ayusin muna natin ‘to kasi mahirap, e. Dito muna.”

Ano ang binago sa kanya ng pagiging kapitana?

Pag-aanalisa niya, “Mas magiging sensitive ka—sa tao, sa buhay ng tao, sa mga pangangailangan ng tao. Hindi mo lang nakikita, hindi mo lang naririnig, na-e-experience mo siya.

“Siguro ako, ang i-a-advice ko sa mga pulitiko na pumapasok agad sa mataas na posisyon—kasi kilala ang pamilya, may pera—barangay muna kayo para alam niyo ang totoong problema.

“Nandoon ang totoong problema e, kita mo agad.

“Hindi yung nasa opisina ka lang. Ako kasi, hindi ako ganun, umiikot ako.

“Ultimo paglilinis ng kanal, de-clogging para hindi magbaha, nandoon ako. Para maintindihan ko rin kung gaano kahirap.

“Ang hirap! Ang bigat! Five minutes pa lang, pawis na pawis na ’ko.

“Imadyinin mo kung ’yon ang trabaho n’yo araw-araw, dapat may understanding ka. Kailangan mong i-try.”

NO TIME FOR SPORTS. Kung may nami-miss man daw si Angelika ngayon, ito ay ang sumali sa triathlon race na dati niyang nagagawa.

Sabi nga niya, “Hindi ako nagri-race, tumatakbo-takbo ’ko at nag-bike.

“Pero for two weeks pahinga muna ko. Taping, barangay, taping.

“Pero, nami-miss ko ang pagri-race. Ang sarap kaya ng adrenaline ng triathlon.”

WORKING ON SECOND BABY. At kung may gusto raw siyang gawin ngayon, ito ay ang mabigyan ng kapatid ang nag-iisang anak nila ni Orion na si Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Angelika, “Naku, ’yon nga ang gusto kong gawin, kaso sobrang busy ’ko.

“Pero, magbabakasyon kami sa Europe, magha-honeymoon kami.”

Sa June daw ng taong ito sila aalis ng mister.

Doon na sila gagawa ng asawa niya ng bagong baby?

“Sana, sana mabiyayaan,” natatawang sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN