Aiko Melendez admits to entertaining thoughts about possible reconciliation with ex-husband Jomari Yllana

Aiko Melendez on entering politics again: “You know, honestly, that’s what I’m praying for. Kasi, ‘di ba, when you’re Godly, there’s some system in politics that you cannot touch anymore because it’s very sensitive. I still have yet to pray for it.”


Masaya at at peace daw ang actress-politician na si Aiko Melendez sa kanyang buhay ngayon.

Saad niya, “I’ve found God and, at the end of the day, it’s just me and my God.

“No matter how big my problem is, I know God’s just there.

“So, sobrang happy ako sa buhay ko.”

Miyembro na ngayon ng Victory Christian Fellowship si Aiko.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa story conference ng Cinemalaya 2014 entry na Asintado noong March 28, Biyernes, sa Uncle Cheffy, Promenade, Greenhills, San Juan City.

FRIENDS WITH HER EX-HUSBAND. Sa Instagram at Facebook account ni Aiko, madalas siyang mag-post ng mga larawan nila ng kanyang ex-husband na si Jomari Yllana.

Kaya ang nasa isipan ng karamihan ay nagkabalikan silang dalawa.

Pero paglilinaw ni Aiko, “No, we are at a state of our relationship na sobrang okay at relax kami sa isa’t isa, that we can talk about anything.

“In the sense na, kahit wala kaming relasyon, parang yung relasyon namin lagi, tatanungin nung isa yung desisyon o opinyon ng isa, kasi bina-value.”

Ang relasyon daw nila ni Jomari ay hindi lang dahil may anak sila, si Andrei Yllana, kundi magkaibigan daw sila talaga.

Paano nauwi sa pagiging malapit na magkaibigan ang relasyon nila pagkatapos ng marami nilang pinagdaanan noon?

Sagot ni Aiko, “It comes with maturity talaga.

“And it benefits your children to see that their parents are in good terms.

“You can be separated, you can be annulled, but you can be the best parents pa rin naman sa mga anak niyo kahit hiwalay kayo.

“So, yun ang motto namin ni Jom.”

UNTIL THE END? Kapag nag-uusap sila ni Jomari, hindi ba sumasagi sa kanila na baka sila pa rin pala bandang huli?

Sabi ni Aiko, “Last week, nag-usap kami.

"Sabi niya, ‘Mama, lahat ng tao gustong magkabalikan tayo. Kaya lang, kapag nagkabalikan tayo, kailangan wala ka nang topak sa ulo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka mamaya may magawa akong mali, magba-backout na naman ang isa. Hindi na puwede.

“Lalong masasaktan si Andre at si Marthena. Sobrang mahal niya yun, pati si Marthena.

“Kaya sabi ko, ‘Oo nga, we really have to be sure kung ano ang gusto natin.’”

Si Marthena ay ang anak ni Aiko sa kanyang naging pangalawang asawa na si Martin Jickain, na nakahiwalayan niya rin.

“Mama” pa rin ang tawag ni Jomari sa kanya?

“Oo, ako naman Dada,” sagot ni Aiko.

Hindi ba niya naiisip minsan na baka sila pa rin pala talaga?

“Meron, meron,” pag-amin ng dating konsehala ng Quezon City.

“Lalo na when we’re together, kasama niya pati ang anak ko, si Marthena. And lahat kami, family.

“And whenever there’s occasion sa bahay nila that needs family, ako pa rin ang ini-introduce niyang ‘my wife.’

“Like sa Bicol, gathering ng family niya, reunion, dinala niya ako dun at ang pakilala pa rin niya sa akin sa mga Yllana, ‘Si Aiko, asawa ko.’”

Ano ang nararamdaman niya pag ganun?

“Noong una, naaano ako, parang, ‘Teka lang, nakakailang, hello, hiwalay na tayo!’

“Pero ang sagot sa akin ng lolo mo, ‘Oo nga, hiwalay na tayo, pero hindi tayo annulled sa church.’ Natameme ako.”

Ang civil wedding pa lang daw nila ang naa-annul.

Wala na silang planong ipawalang-bisa ang church wedding nila?

Sabi ni Aiko, “E, sinabi ko sa kanya, ‘Puwedeng ikaw na ang makipag-annul?’

“Ang sabi niya, ‘Hindi ako ang gagawa niyan. Kung gusto mo, ikaw. Pero hindi kita ia-annul dahil ‘yan na lang ang huling ipinangako ko sa Diyos.’”

Sa dalawang nakahiwalayang asawa ni Aiko, mas nakikita raw niya na mas may posibilidad na madugtungan ang relasyon nila ni Jomari.

Ayon kay Aiko, “Martin is taken already, he’s married na.

“Siyempre, I respect naman relationship and, I think, ang gusto ko talaga now, in my own hearts of heart now, what I pray for is a guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, he’s not even part of my prayer.

“Ang prayer ko talaga ngayon is for my kids.

“‘Di ba, sabi nila, when you pray, you have to be specific? You have to enumerate everything.

“Lovelife, hindi ko muna siya ipinagdadasal.”



BASHERS. Hindi rin nakakaligtas si Aiko sa bashers.

Madalas din siyang naba-bash ng haters sa kanyang Instagram at Twitter account.

Ano ang ginagawa niya tungkol dito?

Sagot ni Aiko, “I pray for them.

“Honestly, it’s hard to pray for somebody who’s bashing you, but I think the more followers you have, the more critics you get.

“That’s the price you have to pay for being public.

“But now that I have God in my life, I’m open to criticism, kasi I know myself.

“My God knows me better than anybody.

“I just pray for them.”

May sinagot o pinatulan na ba siyang basher?

“May sinagot ako one time.

“Kasi, it says there, noong ma-baptize ako as Christian, it says there that ‘you just joined a cult.’

“I had to react because I have to correct him that Victory is not a cult. Everybody knows that it’s a Christian fellowship.

“I had to answer lang at that point in time, the rest, hindi pa nga ako marunong mag-block.

“Last week lang ako natuto kaya binabasa ko talaga.

“Sabi ko nga, ‘Hala, bakit may ganun? Grabe naman.’

“’Tapos one time, natsismis pala ako sa taong yun at doon ko lang din nabasa.”

Ang ayaw lang daw ni Aiko ay kapag ang pamilya na niya ang nadadamay.

“Ang style nila kasi sa pangba-bash, yung mapapaisip ka.

“Parang hindi nila alam na, ‘Hello, mas alam ko ang istorya.’

“Ayaw ko lang talaga ang isama nila ang mga anak ko.

“One time, isinama nila si Andrei. Sabi nila, ‘I think you’re gay.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sabi ko talaga kay Andrei, ‘Andrei, please don’t reply. Just don’t mind it.’

“Sabi niya, ‘Do I look gay in this picture?’

“Sabi ko, ‘No, you’re confident and you’re assured of your gender, so you don’t have to be worried.’

“Sabi niya, ‘Why this basher have to say this?’

“So, sabi ko, ‘That’s the price you have to pay for going public and you have to prepare yourself when you get into showbiz.’

“Sabi niya, ’It’s really hard.’”

Gusto rin daw ng anak nila ni Jomari na mag-artista. Pero ang hiling lang nila rito, magtapos muna ng high school.

“He’s going on fourth year, pero siguro na-develop lang na gusto niya [ang showbiz], mga two or three years ago.

“Sinasabi naman ni Jom sa kanya na, ‘O, sige, pero after high school na. Hindi puwedeng ngayon.’”

Nakikitaan na rin ba niya ng hilig sa showbiz ang bunso niya?

Sabi ni Aiko, “Si Marthena, ayaw niyang maging artista, ang gusto niya, maging commercial model.”

POLITICS. Tatlong termino na naging konsehala si Aiko sa Quezon City. At noong 2010 ay tumakbo siya bilang vice mayor, ngunit natalo siya ni Joy Belmonte.

May plano ba siyang tumakbong muli?

Sagot ni Aiko, “You know, honestly, that’s what I’m praying for.

“Kasi, ‘di ba, when you’re Godly, there’s some system in politics that you cannot touch anymore because it’s very sensitive.

“I still have yet to pray for it.”

Hindi pa naman niya isinasara ang pulitika sa buhay niya?

“No naman, because I have an offer to run for councilor.

“So, maybe, kung ano ang calling sa akin.

“Baka mas magandang serbisyo ang maio-offer ko because I have God now in my life.”

Kahit wala na siya sa posisyon ngayon, marami pa rin daw mga taong lumalapit sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They call me, ‘Ma’am, pahingi naman ng tulong. Kasi, yung mga kamag-anak…’

“At yun ang maganda, when you have built good relationship with people and connection, you’ll call them, ‘Can you help this?’ So, yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN