Dennis Trillo to spend Holy Week with son Calix

Natatawang ikinuwento ni Dennis Trillo na tinatanong siya minsan ng anak na si Calix kung may girlfriend siya ngayon. “Sabi ko, wala akong time and ayokong mawalan ng oras sa kanya kung sakaling magkakaroon ako ng girlfriend. Ipinangako ko kasi na mas mag-devote ako ng time sa anak ko.”


Sa nalalapit na Holy Week, makakasamang magbakasyon ng Kapuso leading man na si Dennis Trillo ang kanyang six-year-old son na si Calix Andreas.

Si Calix ay anak ni Dennis sa former beauty queen at ex-girlfriend niyang si Carlene Aguilar, na ngayon ay may sarili nang pamilya.

Ayon sa aktor, hindi siya gumawa ng ibang plano ngayong darating na Holy Week dahil gusto niyang makasama si Calix sa isang mahabang bakasyon.

Kuwento pa niya, “Naghahanap nga kami ng magandang place kung saan mag-i-stay kami at magkaroon kami ng privacy.

“Yung mga napagtanungan na namin ay fully-booked na lahat.

“Mas gusto ko na walang masyadong tao para yung bonding namin ng anak ko ay maging maayos.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa announcement ng winners ng PEPsters’ Choice ng The PEP List 2013 sa Mango Tree Bistro, Bonifacio Global City, noong March 27.

Dahil wala pa namang nasisimulang bagong teleserye si Dennis, mas marami raw siyang oras na naibibigay ngayon sa kanyang anak.

Nabanggit din ng aktor na wala na silang problema ni Carlene dahil matagal na raw silang nagkaayos sa mga dati nilang mga problema.

Saad ni Dennis, “Ngayon, talagang mas masaya ako, mas fulfilled ako bilang tatay kasi marami kaming bonding moments.

“Kung before, medyo nagkulang tayo dahil sa trabaho natin. Ngayon, parati na kaming nagkikitang mag-ama.

“Tamang-tama naman at bakasyon na si Calix from school kaya mas lalong kasama ko siya lagi.”

Natatawa nga raw si Dennis kapag tinatanong siya ng kanyang anak kung may girlfriend na ba siya. Sinasagot naman daw niya ang anak.

“Tinatanong niya ako minsan kung may girlfriend ba ako.

“Pero sabi ko, ‘I don’t have a girlfriend.’

“Yun naman ang totoo, ‘di ba?” sabay tawa niya.

Dagdag pa ni Dennis, “Sabi ko, wala akong time and ayokong mawalan ng oras sa kanya kung sakaling magkakaroon ako ng girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipinangako ko kasi na mas mag-devote ako ng time sa anak ko.”



CINEMALAYA ENTRY. Busy ngayon si Dennis sa shooting ng Cinemalaya 2014 entry na The Janitor mula sa direksiyon ni Mike Tuviera.

Ayon sa aktor, “Tungkol ito sa isa sa mga madugong bank robberies na nangyari sa Pilipinas.

“Pulis ako na naalis sa katungkulan, temporarily, ‘tapos na-assign ako para imbestigahan yung kaso.

“Tagaligpit ako ng mga suspek.”

Ito ang second time na magkaroon ng entry si Dennis sa Cinemalaya. Una ay noong 2012 via Ang Katiwala ni Aloy Adlawan.

“Bihira na rin tayo makagawa ng movies, e.

“Natataon naman na magaganda ang mga indie projects na naibibigay sa atin.

“Last year, gumawa rin ako ng isang indie film, yung Sapi under Brillante Mendoza.”



CELEBRITY PAIR OF THE YEAR. Napili si Dennis at ang partner niya sa GMA primetime series na My Husband’s Lover na si Tom Rodriguez bilang PEPsters’ Choice for Celebrity Pair of the Year.

Hindi nga makapaniwala si Dennis na tinalo nila ni Tom ang mga sikat at mas batang celebrity pairs ngayon sa TV at pelikula.

“Nakakatuwa kasi alam ko marami kaming kalaban sa category na ito. At mga bata pa sila.

"Pero first time yatang nagkaroon ng dalawang lalaki manalo bilang loveteam.

“Masaya kami ni Tom sa nangyari ito dahil siyempre nauna kami sa isip ng mga PEPters .

“At parang history-in-the-making din ito dahil kami nga ni Tom ang nauna sa ganitong kakaibang loveteam na TomDen.

“Kahit na may anim na buwan nang nakaraang mula nang matapos ang My Husband’s Lover, hindi pa rin nila kami makalimutan sila Eric at Vincent.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN