Julie Anne Jose refuses to comment about Elmo Magalona’s relationship with Janine Gutierrez

Julie Anne San Jose on falling in love: "Marami naman pong paraan para maging inspired ang isang tao, e. Hindi lang naman po sa love, ‘di ba? Kasi ang love, puwede namang i-focus sa family, kay God, ‘di ba? Hindi ko pa po iniisip yung mga ganyang bagay, kasi bata pa rin po ako kaya hindi pa rin po ako handa para diyan."


Walang masabi si Julie Anne San Jose tungkol sa balitang mag-on na ang dati niyang ka-loveteam na si Elmo Magalona at ang leading lady nito sa afternoon series ng GMA Network na Villa Quintana.

“Wala po akong reaksiyon dun,” sabi ng young singer-actress nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars kahapon, Linggo, March 30.

“Puwede lang po, sila na lang ang tanungin ninyo, kasi I’m really ou of it.

“And I’m not involved sa kahit ano man po about them.

“Kumbaga, it’s their private life naman po, e, at saka wala po akong kailangang sagutin.”

Masaya ba siya sa magandang pagtitinginan ngayon nina Elmo at Janine?

Sabi ni Julie Anne, “I think everyone naman deserves na maging masaya talaga, ‘di ba?

“At saka if ever man po talaga na, alam mo ‘yon, na together sila, e, di, so be it, ‘di ba?

“Basta po ako, like, personally, work po ako. Work lang po talaga ako.”



JANINE BASHERS. Usap-usapan din na hindi raw gusto ng JuliElmo fans si Janine para kay Elmo. Ano ang masasabi ni Julie Anne tungkol dito?

Tugon niya, “Wala rin po akong magagawa dun, e.

“Kasi, ever since talaga, supportive sila [fans] sa tandem namin.

“And ano… I’m thankful naman po na nandiyan pa rin talaga sila.

“Nandiyan pa rin sila para sa amin individually.”

Aware ba siya sa isyung matindi umano ang pangba-bash ngayon ng fans nila ni Elmo kay Janine?

“May nababasa po akong mga tweets, pero Janine and I are okay.”

Magkasama sina Julie Anne at Janine sa Sunday All Stars kaya every week ay nagkikita sila sa show. Napag-usapan ba nilang dalawa ang tungkol dito?

Sabi ni Julie Anne, “No, we don’t talk that much kasi po busy kami kapag nasa Sunday All Stars.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ba siyang planong kausapin ang fans nila ni Elmo hinggil sa diumano’y pangba-bash ng mga ito kay Janine?

“I think… kasi ako po talaga, hindi naman po ako vocal in terms of my feelings, my emotions.

“So, ewan ko po. Basta… bahala na.”

Solid at wala pa ring kumakalas sa fans nila ni Elmo. Pero bakit kaya hindi na sila nagkakaroon ng project together?

Tugon ni Julie Anne, “Ewan ko, hindi ko rin po alam, e.

“Basta it’s up to the management, kung ano po yung decision nila.”

Sina Julie Anne at Elmo ang nanalong Teen Stars of the Year sa PEPsters’ Choice Awards ng The PEP List 2013.



NOT YET IN LOVE. Sa henerasyon ngayon ng teen stars, iilan lang ang mga kagaya ni Julie Anne na hindi pa rin nai-in love. Kailan ba siya magkakaroon ng lovelife?

“Matagal pa po ‘yon! Matagal pa!” natatawang sagot niya.

Pero hindi ba niya naiisip na kailangan din niya ng special someone na maghahatid ng kilig sa puso niya, para mas inspirado siya sa buhay?

Saad ng 19-year-old singer-actress, “Marami naman pong paraan para maging inspired ang isang tao, e. Hindi lang naman po sa love, ‘di ba?

“Kasi ang love, puwede namang i-focus sa family, kay God, ‘di ba?

“Hindi ko pa po iniisip yung mga ganyang bagay, kasi bata pa rin po ako kaya hindi pa rin po ako handa para diyan.

“So, ayun po, talagang school at work muna talaga and family.”

Ibig bang sabihin nito ay yung mga gustong manligaw sa kanya, bumubuwelo pa lang para pumorma sa kanya, agad-agad ay basted na?

“Hindi naman po!” tawa ulit ni Julie Anne.

“Basta, friends lang at saka chill-chill lang.

“Right now, I have an upcoming album. So, dito muna ako naka-focus.

“Abangan niyo na lang, malapit na itong i-release.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN