Gretchen Barretto on bailing Dessa Patilan out of jail: “Hindi ko ginawa for any other reason, but I feel it’s an obligation.”

Gretchen Barretto insists that she helped Dessa Patilan as part of her desire to share her abundant blessings. "Kaya ayoko nga pag-usapan. Kasi when you do something, ayoko pag-usapan yun. Hindi na yun nabibilang. Parang forget it. Wala yun."


“Hindi ko ginawa for any other reason, but I feel it’s an obligation.”

Ito ang pahayag ni Gretchen Barretto kaugnay ng pagtulong niya kay Dessa Patilan, dating personal assistant ng kapatid niyang si Claudine Barretto.

Matatandaang nakulong si Dessa simula noong May 2013 dahil sa kasong qualified theft na isinampa ni Claudine laban sa kanya.

Noong March 17 ay pansamantalang nakalabas ng Marikina City Jail si Dessa matapos siyang bigyan ni Gretchen ng pampiyansa na nagkakahalaga ng P60,000.

Si Gretchen din ang naging daan upang makilala ni Dessa ang kanyang legal counsel na si Atty. Alma Mallonga.

Ulilang lubos na si Dessa kaya malaki ang pasasalamat niya kina Gretchen at Atty. Mallonga na tumutulong upang umusad ang kanyang kaso.

Read: Gretchen Barretto bails sister Claudine’s former personal assistant out of jail

Nakapanayam ng entertainment press si Gretchen sa debut party ni Kathryn Bernardo sa Blue Leaf Filipinas, sa Pasay City, noong Sabado ng gabi, March 29.

Ngunit tumangging magbigay ng iba pang detalye si Gretchen tungkol sa kaugnayan niya kay Dessa.

Ang mahalaga raw ay mabuti ang intensiyon niya sa pagtulong sa dating personal assistant ni Claudine.

“You know, you give back. Lahat ng blessing, ibabalik mo. Yun lang yun.

“Kaya ayoko nga pag-usapan. Kasi when you do something, ayoko pag-usapan yun.

“Hindi na yun nabibilang. Parang forget it.

"Wala yun," giit ni Gretchen, na tila umiiwas na mapunta ang usapan sa kaugnayan ni Dessa kay Claudine.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagkakaayos ang magkapatid na Gretchen at Claudine.

Sa huli, muling idiniin ni Gretchen na hangga’t maaari ay ayaw niyang makarating pa sa media kung mayroon pa siyang karagdagang tulong na ibibigay kay Dessa.

“Kung ano man yun, hindi ko ipapa-televise yun. Hindi ko sasabihin sa inyo.

"So, let’s stop at that and enjoy the night," nakangiting sabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN